Pagbibihis ng salungat
Ang pagbibihis ng salungat (sa Ingles: cross-dressing) ay ang pagsuot ng damit at iba pang mga bagay na karaniwang hindi nauugnay sa kasarian ng isang indibiduwal. Ginamit it para sa layuning pagbabalatkayo, magbigay ginhawa, sining ng pagganap, pagpapahayag ng sarili at isang pampanitikan tropo sa modernong panahon at sa buong kasaysayan.
Halos lahat ng lipunan ng tao sa kasaysayan ay nagkaroon ng inaasahang mga pamantayan para sa bawat kasarian na nauugnay sa istilo, kulay, o uri ng pananamit na inaasahang kanilang isusuot, at gayundin, ang karamihan sa mga lipunan ay mayroong isang hanay ng alituntunin, pananaw o kahit pa batas na nagbibigay kahulugan kung anong uri ng pananamit ang angkop para sa bawat kasarian.
Ang katawagang Ingles para sa pagbibihis ng salungat ay cross-dressing na tumutukoy sa isang aksyon o pag-uugali, na hindi inuugnay o pinapahiwatig ang kahit anong partikular na dahilan o motibo para sa ganoong pag-uugali. Ang pagbibihis ng salungat ay hindi kasingkahulugan nag pagiging transgender.
Kasaysayan
baguhinAng pagbibihis ng salungat ay isang lumang naitalang kasanayan, na tinutukoy noon pang panahon ng Hebreong Bibliya.[1] Naitala din ito sa ibang talang pangkasaysayan, sa maraming lipunan.at para maraming dahilan. May mga halimbawa ito sa mga mitolohiyang Griyego, Nordiko, at Hindu. Matatagpuan din ang pagbibihis ng salungat sa kwentong bayan, panitikan, teatro, at musika, tulad sa Kabuki at shamanismong Koreano. Sa kontekstong Britaniko at Europeo, lahat ay lalaki sa tropang panteatro (mga gumaganap na kompanya), na may parteng babae na ginagampanan ng isang lalaki.
Iba’t ibang uri
baguhinMayroong iba’t ibang uri ng pagbibihis ng salungat at marami ring iba’t ibang dahilan kung bakit ang isang indibiduwal ay maaaring magkaroon ng pag-uugali na pagbibihis ng salungat. May mga tao na nagbibihis ng salungat para sa sarili nilang ginhawa o estilo. May mga tao rin naman na mas ginugusto ang kasuotan ng ibang kasarian. Sa kasong ito, ang pagbibihis ng salungat ng isang tao ay maaari o hindi maaari maging maliwanag sa ibang tao. Ang ibang tao naman ay nagbibihis ng salungat upang gulatin o tutulan ang mga kaugalian ng lipunan.
Ang mga kalalakihan at kababaihan ay maaaring magbihis ng salungat upang itago ang kanilang pisikal na kasarian. May ilang mga kababaihan na nagbibihis ng salungat upang makapasok sa mga propesyon na pang-lalaki lamang. May mga lalaki naman na nagbibihis ng salungat upang makatakas sa sapilitan na serbisyo sa militar o para magbalatkayo upang makatulong sa pampolitika o panlipunan na pagtutol.
May tao naman sa teatro na nagbibihis ng salungat upang pumapel bilang isang babae o lalaki. Ang “pagbibihis ng salungat,” o pagsusuot ng mga lalaki ng damit pambabae, ay madalas ginagamit upang magpatawa ng mga manonood.
Ang “drag” ay isang espesyal na anyo ng sining ng pagganap batay sa “pagbibihis ng salungat.” Ang isang “reynang drag” o drag queen ay karaniwang isang lalaki na gumaganap bilang isang babae na karakter at nagsusuot ng marilag na damit, sapatos na may mataas na takong, makapal na makeup at peluka. Maaaring gayahin ng isang drag queen ang isang sikat na babaeng artista o mang-aawit. Ang isang faux queen naman ay isang babae na may pareho na pamamaraan.
Ang "haring drag" o drag king ay isang komplemento ng “reynang drag” ngunit kadalasang para sa mga ibang tagapanood. Ang “haring drag” ay isang babae na nagkukunwari na isang lalaking artista o mang-aawit. Ang mga babae na sumasailalim sa mugender reassignment therapy ay kinikilala bilang isang “drag king” ngunit ang paggamit ng “drag king” sa kasong ito ay itinuturing na hindi tumpak.
Ang mga transekwal na tao na nagsagawa ng terapiyang pagpapalit ng kasarian ay karaniwang hindi tinatawag na “pagbibihis ng salungat.” Ang isang transekwal na nakumpleto ang pagtistis ng pagpapalit ng kasarian ay tiyak na hindi tinatawag na “pagbibihis ng salungat,” maliban kung sila ay magsuot ng damit na hindi karaniwang sinusuot ng kasarian kung saan sila'y nailipat.
Ang “petishistang trabesti” ay isang tao na nagbibihis ng salungat bilang bahagi ng isang "sekswal na petish.” Ang katagang underdressing ay ginagamit ng mga lalaking nagbibihis ng salungat upang ilarawan ang damit na panloob ng mga babae na kanilang suot. May ibang mga tao na nagbibihis ng salungat na sinisikap magproyekto ng isang kumpletong impresyon ng pagiging parte ng ibang kasarian.
“Babaeng pamamaskara" o "female masking” ay isang anyo ng “pagbibihis ng salungat” na kung saan magsusuot ang lalaki ng maskara na nagpapakita sa kanila bilang babae. Nagdadala rin ng layuning utilitaryo ang mga paraan ng “pagbibihis ng salungat,” tulad ng pagsuot ng mga lalaking may gynecomastia ng damit panloob na pambabae.
Damit
baguhinAng aktwal na pagpapasiya ng "pabibihis ng salungat" ay ayon sa lipunan. Halimbawa, sa Kanluraning lipunan, sinusuot ang pantalon ng mga kababaihan at hindi ito itinatawag na pagbibihis na salungat. May mga kultura kung saan ang mga lalaki naman ay tradisyonal na nagsusuot ng mga damit na katulad ng palda, gaya ng sarong, at ang pagsuot nito ay hindi rin tinatawag na pagbibihis na salungat.
Ipinagbabawal noon sa Kanluraning lipunan ang pagsuot ng mga babae ng mga damit na tradisyonal na pang-lalaki. Ngayon, maaari ng magsuot ng damit tulad ng pantalon ang mga babae ngunit marami paring mga lugar na hindi sangayon sa pagsuot ng lalaki ng mga damit pambabae. Ang cosplaying ay maaaring kasangkot din sa pagbibihis ng salungat dahil may mga babae na gusto magdamit bilang isang lalaki at may mga lalaki rin naman na may gusto magdamit bulang isang babae.
Ang mga lalaki na nagbibihis ng salungat ay madalas gumagamit ng mga iba't ibang uri at estilo ng porma sa dibdib, kung saan ay mga silicone prostheses na ayon sa kaugalian na ginagamit ng mga kababaihan na sumailalim sa mastektomiya upang muling likhain ang biswal na itsura ng isang dibdib. Habang ang karamihan sa mga lalaking nagbibihis ng salungat ay gumagamit ng damit na nauugnay sa mga modernong kababaihan, mayroong ilang mga kasangkot sa pagbibihis bilang mga batang babae. May mga lalaki na nagsulat at sinabi na natutuwa sila kapag nagbibihis babae.
Isyung panlipunan
baguhinAng nagbibihis ng salungat ay maaaring magsimulang magsuot ng damit ng kabilang kasarian gamit ang damit ng kanilang kapatid, magulang o kaibigan. May mga magulang na pinapayagan ang kanilang mga anak na magbihis ng salungat at titigil na lamang ang bata pagtanda niya. Ang parehong pamamaraan ay madalas pinagpapatuloy hanggang sa pagkatanda, kung saan maaaring may mga di-pagsangayon ng isang asawa.
Mga pista
baguhinMalawak na nagaganap ang mga pagdiriwang ng pagbibihis ng salungat sa mga kalinangan. Halimbawa sa mga ito ang pista ng Abissa sa Côte d'Ivoire,[2] Ofudamaki sa Hapon,[3] at Pistang Kottankulangara sa Indya.[4]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Aggrawal, Anil. (Abril 2009). "References to the paraphilias and sexual crimes in the Bible". J Forensic Leg Med (sa wikang Ingles). 16 (3): 109–14. doi:10.1016/j.jflm.2008.07.006. PMID 19239958.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Hall (1992). Bibliographic Guide to Dance. p. 4.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Egli, Justin (13 Hulyo 2016). "Visiting an ancient Japanese cross-dressing festival". Dazed (sa wikang Ingles). Nakuha noong 12 Disyembre 2018.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Cross-dressing for the Goddess - Times of India". The Times of India. Abril 6, 2008. Nakuha noong 12 Disyembre 2018.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)