Daang Asin–Nangalisan–San Pascual
Ang Daang Asin–Nangalisan–San Pascual (Ingles: Asin–Nangalisan–San Pascual), kilala rin bilang Daang Baguio–Tubao (Baguio–Tubao Road), Daang Tubao–Asin (Tubao–Asin Road) at Daang Asin (Asin Road), ay isang pangunahing daan mga lalawigan ng La Union at Benguet sa hilagang Luzon, Pilipinas. Mapanganib ang daan, na mga tunel sa dating nilaan sa mga serbisyong riles mula Aringay papuntang Baguio. [1] Opisyal na binuksan ang daan sa publiko noong Disyembre 17, 2018.[2]
Daang Asin–Nangalisan–San Pascual Asin–Nangalisan–San Pascual Road | |
---|---|
Daang Baguio–Tubao (Baguio–Tubao Road) Daang Tubao–Asin (Tubao–Asin Road) Daang Asin (Asin Road) | |
Impormasyon sa ruta | |
Pinangangasiwaan ng Kagawaran ng Pagawaing Bayan at Lansangan | |
Haba | 14.0 km (8.7 mi) |
Umiiral | Disyembre 17, 2018–kasalukuyan |
Bahagi ng | |
Pangunahing daanan | |
Dulo sa hilagang-silangan | N54 (Daang Naguilian) sa Baguio |
N233 (Western Link Circumferential Road) sa Baguio | |
Dulo sa timog-kanluran | N208 (Lansangang Aspiras–Palispis) sa Tubao |
Lokasyon | |
Mga lawlawigan | Benguet, La Union |
Mga pangunahing lungsod | Baguio |
Mga bayan | Tubao, Aringay, Sablan, Tuba |
Sistema ng mga daan | |
Mga daanan sa Pilipinas |
Hango ang pangalan ng lansangan sa salitang "asin." May mga maiinit na batis (hot springs) at liwaliwan (resorts) sa kahabaan nito tulad ng Pooten's Resort, Palm Grove Hot Springs and Mountains Resort, Asin Hot Spring, Riverview Water Park, at Neverland Mountain Resort.
Ang bahagi ng lansangan sa Baguio ay bahagi ng Pambansang Ruta Blg. 234 (N234) at Pambansang Ruta Blg. 233 (N233) ng sistema ng lansangang bayan sa Pilipinas. Ang nalalabing daan patungong Tubao ay nananatiling walang bilang at itinalagang pambansang daang tersiyaryo. Kamakailan lamang, dahil dumaranas ng matinding pagbigat ng trapiko ang Lansangang Aspiras–Palispis, isinaayos ang daan upang magsilbing isa pang ruta papuntang La Union, ngunit may mga kailangan pang isaayos.
Paglalarawan ng ruta
baguhinNagsisilbing alternatibong ruta papuntang Baguio ang Daang Asin–Nangalisan–San Pascual, at ito rin ang pang-apat na daan na patungo sa lungsod. Tumutulong din ang daan sa pagpapagaan ng daloy ng trapiko sa Lansangang Aspiras–Palispis, sa kabila ng pagiging mas-mahaba nito kaysa sa Lansangang Aspiras–Palispis.
Nagsisimula ang lansangan sa panulukan ng Lansangang Aspiras–Palispis (N208) sa Tubao, La Union bilang isang pang-apatan na daan. Itinatampok sa malaking bahagi ng ruta ang mga ilawan at reflectorized signage at mga terminal ng bus. Kinakarga ng Tulay ng Anduyan, na may habang 360 metro (1,180 talampakan), ang ruta. Pagkaraan ng tulay, kikipot ang daan sa dalawang landas (isa sa bawat direksiyon) habang paakyat ito, at may mga biglaang liko at matarik na elebasyon habang papasok sa lalawigan ng Benguet.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "Asin Road's nature and man-made wonders". The Pinoy Explorer. Enero 21, 2012. Nakuha noong Disyembre 17, 2018.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "DPWH opens new road to Baguio". The Manila Times. Inarkibo mula sa orihinal noong Disyembre 16, 2018. Nakuha noong Disyembre 17, 2018.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)