Daang Naguilian
Ang Daang Naguilian (Ingles: Naguilian Road), na kilala nang opisyal bilang Lansangang Quirino (Quirino Highway) at tinatawag ding Daang Baguio-Bauang (Ingles: Baguio-Bauang Road), ay isang pangunahing lansangan sa hilagang Luzon, Pilipinas, na dumadaan mula Baguio hanggang sa bayan ng Bauang sa lalawigan ng La Union. May haba na 46 kilometro (28.6 milya)[1] ang lansangan, at dumadaan ito sa mga bayan ng Tuba at Sablan sa Benguet, at Burgos, Naguilian, at Bauang sa La Union.[1][2] Ang silangang dulo nito ay sa Daang Abanao sa Baguio, at ang kanlurang dulo nito ay sa Lansangang MacArthur sa Bauang.
Daang Naguilian Naguilian Road | |
---|---|
Lansangang Quirino (Quirino Highway) Daang Baguio–Bauang (Baguio–Bauang Road) | |
Impormasyon sa ruta | |
Haba | 46.0 km (28.6 mi) |
Bahagi ng | |
Pangunahing daanan | |
Dulo sa silangan | Daang Abanao sa Baguio |
Dulo sa kanluran | Lansangang MacArthur sa Bauang |
Lokasyon | |
Mga pangunahing lungsod | Baguio |
Mga bayan | Bauang, Burgos, Naguilian, Sablan, Tuba |
Sistema ng mga daan | |
Mga daanan sa Pilipinas |
Nagsisilbi ito bilang isa sa mga pangunahing ruta papasok ng Baguio.[3] Kadalasang ginagamit ito ng mga motorista na galing sa lungsod ng San Fernando, gayundin mga hilagang lalawigan ng Ilocos, para makapasok ng lungsod.[1]
Kasaysayan
baguhinAng Daang Naguilian ay ang kauna-unahang daan na nag-uugnay ng Baguio sa mga kababaang pook, at ang katangi-tanging daan papasok ng lungsod, hanggang sa itinayo ang Daang Kennon noong 1901.[4]
Binigyan ito ng bagong pangalan na Lansangan ng Pangulong Elpidio Quirino (President Elpidio Quirino Highway), sa karangalan ni dating Pangulo Elpidio Quirino.[5][6] Bagaman kilala ito nang opisyal bilang Quirino Highway, nakasanayan na ng madla na tawagin ito sa dating pangalan nito na Naguilian Road.[7]
Tingnan din
baguhinMga sanggunian
baguhin- ↑ 1.0 1.1 1.2 "Baguio's Three Major Access Roads". City of Pines. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2014-09-25. Nakuha noong 29 Setyembre 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Naguilian Rd". Mapcentral. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2020-11-07. Nakuha noong 29 Setyembre 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Baguio Info". City Travel Hotel. Nakuha noong 29 Setyembre 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Baguio City Centennial Celebration". AMoores (WordPress). 30 Agosto 2009. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 6 Oktubre 2014. Nakuha noong 29 Setyembre 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "14-km circumferential road to spur business in Baguio City". Philippine Times of Southern Nevada. 7 Mayo 2014. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 5 Agosto 2015. Nakuha noong 29 Setyembre 2014.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Seminary History". Casiciaco Recoletos. Nakuha noong 29 Setyembre 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "How to Get to Baguio City". GoBaguio!. Nakuha noong 29 Setyembre 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)