Laurus nobilis

(Idinirekta mula sa Dahon ng laurel)

Ang laurel[1] (Laurus nobilis, Lauraceae; Ingles: bay leaf[1] o bay laurel), na kilala rin bilang true laurel [literal na salin: tunay na laurel], sweet bay, Grecian laurel [laurel ng Gresya], o bay tree, ay isang mabango at laging-lunting puno o malaking palumpong na tumataas hanggang 10–18 m, at katutubo sa rehiyon ng Mediteranyo.

Laurel
Mga bulaklak at dahon ng Laurus nobilis
Klasipikasyong pang-agham edit
Kaharian: Plantae
Klado: Tracheophytes
Klado: Angiosperms
Klado: Magnoliids
Orden: Laurales
Pamilya: Lauraceae
Sari: Laurus
Espesye:
L. nobilis
Pangalang binomial
Laurus nobilis
Para sa ibang gamit, tingnan ang laurel (paglilinaw).

Humahaba ng 6 hanggang 12 cm ang mga dahon na may lapad namang 2 hanggang 4 cm. Katangian na ng mga dahong ito ang pagkakaroon ng mga paliku-liko at makulubot na mga gilid. May lalaki at babae ang mga bulaklak ng halamang ito, na tumutubo sa magkahiwalay na halaman. Mapusyaw na dilawang-lunti ang bawat bulaklak nito na may diyametrong 1 cm, na tumutubong magkapares katabi ng isang dahon. Maliit na maitim ang itsura ng bunga nito na may habang 1 cm, at naglalaman ng isang buto.

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 Lacquian, Eleanor at Irene Sobreviñas (1977). "Laurel, bay leaf". Filipino Cooking Here & Abroad (Lutuing Pilipino Dito at sa Labas ng Bansa).

  Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.