Dalahikan ng Tayabas
Ang Dalahikan ng Tayabas ay isang makitid na kalupaan na nagdurugtong sa malaking hilagang bahagi ng Luzon sa tangway ng Bikol at tangway ng Bondoc na nasa sa timog-silangang bahagi nito. Ang Luzon ay may lápad na 120 kilometro hanggang 160 kilometro ngunit ito'y kumikitid sa 13 kilometro[1] at di-hihigit sa 15 kilometro,[2] pagdatíng sa naturang dalahikan. Nasa pagitan ng Look ng Tayabas at Look ng Lamon ang dalahikan ng Tayabas.
Matatagpuan ang naturang dalahikan sa lalawigan ng Quezon at sinasakop ng mga bayan ng Atimonan, Plaridel, Gumaca, Padre Burgos, Agdangan, Unisan, at Pitogo.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Yves Boquet. The Philippine Archipelago (sa wikang Ingles). Springer International Publishing. p. 18. ISBN 9783319519265. Nakuha noong 27 Agosto 2017.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Yasuhide Iwasaki (10 Abril 1970). "A Miocene Molluscan Fauna in the Philippines" (PDF) (sa wikang Ingles). Palaeontological Society of Japan: 218. Nakuha noong 27 Agosto 2017.
{{cite journal}}
: Cite journal requires|journal=
(tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)