Dalubhasaang Gordon

Ang Gordon College o Kolehiyong Gordon (dating Olongapo City Colleges o Mga Kolehiyo ng Lungsod ng Olongapo) ay isang pangmadlang dalubhasaan sa lungsod ng Olongapo. Ito ay nilikha sa bisa ng Ordinansang Panlungsod Blg.9 ng 1999 na nilagdaan noong Pebrero 24, 1999 sa ilalim ng panunungkulan ni Mayor Katherine H. Gordon ng Olongapo na siya ring unang pangulo ng kolehiyo.

Dalubhasaang Gordon
Itinatag noong1999
Uripamantasan
Lokasyon,
Websaythttp://www.gordoncollege.edu.ph
Map

Sa kasalukuyan, ang Kolehiyong Gordon ay binubuo ng limang kolehiyo na kinabibilangan ng Kolehiyo ng Sining at Agham, Kolehiyo ng Agham Pangkompyuter, Kolehiyo ng Pangangalakal at Pagtutuos, Kolehiyo ng Edukasyon at Kolehiyo ng Nursing. Iba pang Sangay ang binuo katulad ng Paaralan ng Midwifery, Sangay ng Vocational Technology, Institusyon ng Graduwadong Pag-aaral at Gordon College Center for Research and Development.

Sa Pebrero, 2009 ay ipagdiriwang ng Gordon College ang ika-sampung taong anibersaryo ng pagkakatatag nito.


EdukasyonPilipinas Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon at Pilipinas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.