Danyang
Ang Danyang (Tsinong pinapayak: 丹阳; Tsinong tradisyonal: 丹陽; pinyin: Dānyáng) ay isang antas-kondado na lungsod na matatagpuan sa timog-kanluran o kanang pampang ng Ilog Yangtze, at nasa pamamahala ng antas-kondado na lungsod ng Zhenjiang sa lalawigan ng Jiangsu. Kilala ito sa paggawa ng mga lenteng optika (optical lenses) na ginagamit sa mga salamin sa mata at salamin sa mata na pananggalang sa araw. may kabuoang lawak na 1,059 kilometro kuwadrado (409 milya kuwadrado) ang Danyang, at may populasyon itong humigit-kumulang 890,000.[kailan?] Ang mga mamamayan ng Danyang ay nagsasalita ng isang diyalekto ng wikang Wu, at nasa hangganang lingguwistika sa pagitan ng wikang Wu at Jianghuai Mandarin ang lungsod.
Danyang 丹阳市 Tanyang | |
---|---|
Liwasang Bayan ng Danyang | |
Danyang sa antas-prepektura na lungsod ng Zhenjiang | |
Mga koordinado: 32°00′00″N 119°35′10″E / 32.000°N 119.586°E[1] | |
Bansa | Republikang Bayan ng Tsina |
Lalawigan | Jiangsu |
Antas-prepektura na lungsod | Zhenjiang |
Sona ng oras | UTC+8 (Pamantayang Tsina) |
Kodigong postal | 2123XX |
Kasaysayan
baguhinNoong panahon ng apat na mga Dinastiyang Katimugan (Nan Chao) mula 420 hanggang 589 PK (Pagkatapos ng kapanganakan ni Kristo) nang nasa Jiankang (makabagong Nanjing) ang pambansang kabisera ng Tsina, ang Danyang ay sariling bayan ng mga emperador ng mga Dinastiyang Katimugang Qi (479-502) at Liang (502-557), na nakalibing sa kanayunan sa labas ng lungsod. Sa kasalukuyan matatagpuan pa rin ang 11 sa mga puntod ng imperyo buhat ng mga Katimugang Dinastiya sa silangan at hilagang-silangan ng lungsod. Katangi-tangi ang mga ito dahil sa pambihirang mga estatwang bato ng maalamat na mga hayop na tumatanda sa sagradong daan (shen dao) papunta sa bawat puntod.
Ekonomiya
baguhinBilang isa sa mahalagang mga lungsod sa Delta ng Ilog Yangtze na bukas sa banyagang kalakalan, naipakita ng Danyang ang malakas na ekonomiya at pamantayan ng pamumuhay mula noong 2000. Noong 2007, umabot ang GDP ng Danyang sa 35.7 bilyong yuan (US$4.7 bilyon), at GDP sa bawat tao nito ay umabot sa 44,242 yuan (US$6,061). Panlabing-anim ang ekonomiya ng Danyang sa pangunahing mga antas-kondado na lungsod ng Tsina noong 2010.
Namuhunan sa Danyang ang mga negosyo mula sa 32 mga bansa at rehiyon, na may pinagsamang paid-in capital na US$1 bilyon. Bilang isang umuunlad na lungsod sa loob ng ekonomikong lawak ng impluwensiya ng Shanghai, nakakaakit ang Danyang ng mga negosyong panloob at pambanyaga. Ang pangunahing mga industriya sa Danyang ay mga inireresetang salamin sa mata (prescription eyewear), mga kasangkapan at hardwer, at mga bahagi ng kotse.
Spectacles City
baguhinAng "The Spectacles City," na matatagpuan sa Danyang, ay isa sa pinakamalaking mga sentrong paninda ng salamin sa mata sa Tsina.[2] Itinayo ito noong 1986, at tatlong mga yugto ang pinagdaanan ng pagtatayo nito.[3] Kalaunan sinanib ito sa mga pamilihang Huayang Spectacles at Yunyang Spectacles. May lawak itong higit sa 32,000 metro kuwadrado (344,445 talampakang kuwadrado).
Talassangunian
baguhin- ↑ Google (2014-07-02). "Danyang" (Mapa). Google Maps. Google. Nakuha noong 2014-07-02.
{{cite map}}
:|author=
has generic name (tulong); Unknown parameter|mapurl=
ignored (|map-url=
suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "China's Spectacles Market". HKTDC Research. Inarkibo mula sa orihinal noong 29 Nobyembre 2012. Nakuha noong 27 Abril 2016.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Danyang Glasses Market". EJet Trade Limited. Inarkibo mula sa orihinal noong 24 Abril 2016. Nakuha noong 27 Abril 2016.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Mga panlabas na link
baguhin- Websayt ng Pamahalaan ng Danyang Naka-arkibo 2020-11-24 sa Wayback Machine.
- Gabay sa Lungsod ng Danyang sa wikang Ingles (Jiangsu.NET)