Si Darren McFadden (ipinanganak noong August 27, 1987 sa North Little Rock, Arkansas) ay ang 2006 All-American starting tailback Para sa University of Arkansas at ang nanalo ng 2006 Doak Walker Award bilang pinakamagaling na runningback ng bansa, ang kaunaunahang sophomore na nakakuha ng parangal. Natapos din niya ang season bilang runner-up sa 2006 Heisman Trophy. Meron siyang natitira pang dalawang taon na NCAA eligibility.

Darren McFadden

College Arkansas
Conference SEC
Sport Football
Position Tailback
Class Junior
Career 2005 – present
Height talpul (1.88 m)
Weight 215 lb (98 kg)
Nationality USA
Born (1987-08-27) 27 Agosto 1987 (edad 37)
North Little Rock, Arkansas
High school Oak Grove HS,
North Little Rock, Arkansas
Awards
2006 Doak Walker Award
2006 SEC Player of the Year
2006 Heisman Trophy Runner-Up

High school

baguhin

Si Mcfadden ay nag-aaral sa Oak Grove High School, kung saan siya ay naging Parade Magazine All-American noong 2004, at tinaguriang Arkansas High School player of the year ng Arkansas Democrat-Gazette. Noong mga panahon na yun sa Oak Grove, si Mcfadden ay paminsan-minsan ay naglalaro bilang quarterback, isang kaalaman na hindi niya inaasahang magagamit sa mga susunod niyang karera sa kopanan ng Arkansas para sa "Wildhog" formation.

Kolehiyo

baguhin

Sa kanyang buong dalawang taon bilang kolehiyo, si Darren Mcfadden ay nagpataob ng maraming records sa University of Arkansas Razorback football, ang pinakamalaki o pinakamaraming yards sa isang season na tinapos niya sa kanyang taon bilang sophomore. Noong 2006, siya ay nanalo sa Doak Walker Award, at naging pangalawa naman sa Heisman award ng 2006.

Ang Freshman Season

baguhin

Noong 2005, sa kanyang freshman season, si McFadden ay nakagawa ng 1,113 yards at 11 touchdowns sa 176 attempts, at nanalong Southeastern Conference Freshman of the Year. SIya ay naging importanteng parte ng opensiba ng Arkansas, kahit pa sila ay nagkamit ng record na 4-7, at ang talo ay nanggaling sa magagling na koponan gaya ng Georgia at LSU sa huling segundo ng mga laro. bagamat siya ay naging back-up lamang sa unang dalawang laro ng season, at nagpakita intires kay defensive coordinator Reggie Herring na maging safety, isang posiyon na kanyang nilaruan noong nsas high school pa lamang, si McFadden ay na nanatili sa kanyang posiyon bilang running back.

Si McFadden ay unti-unting naging makinang na bituin, makailang beses din siyang gumawa ng long touchdowns sa mga laro. Si Mcfadden ay nakatapos ng season na may pinakamarming yards na nagawa ng isang freshman sa Arkansas, siya rin ay naging isa sa dalawang Southeastern Conference na manlalaro na nakatakbo sa 1,000 yards bilang freshman. Ang isa niyang kasama ay dating nanalo ng Heisman Trophy, ang running back ng University of Georgia na si Herschel Walker. Si McFadden ay nagpatuloy sa kanilang spring practice sa sumunod na taon bilang nangungunang running back sa Razorback depth chart, isang puwesto na ayaw niyang bitiwan habang nasa eskwelahan siya.

Ang Sophomore Season

baguhin

Noong 2006, bagamat naging mabagal ang kanilang simula dahil sa kanyang injury na kanyang nakuha sa isang insidente sa night club sa Little Rock, si Mcfadden ay gumawa ng school-record na 1,647 yards, kasama ang 14 touchdowns, at gumwa ng 3 touchdowns galing sa pasa na may 9 na attempts, at naging first-team All-American. Dahil sa kanyang tiyaga, ang Arkansas ay gumawa ng sampung sunod-sunod na pagkapanalo sa SEC Western Division Championship, subalit natalo sa koponan ng Wisconsin sa 2007 Capital One Bowl noong January 1, 2007.

Noong December 6, 2006, si Mcfadden ang nanguna sa tatlong fnalist para sa Heisman Trophy, kasama niya dito Troy Smith (Ohio State University) at Brady Quinn (University of Notre Dame). Pagtapos ng isang araw, si Mcfadden ay naging unang sophomore na nanalo ng Doak Walker Award na ibinibigay kada taon sa pinakamagaling na running back ng bansa. Sa finale ng 2006 Heisman vote, si Mcfadden ang pumangalawa kela Smith at kaunting puntos sa una ni Quinn. Siya rin ang nangunang contender sa 2007 race, at itinuring ng marami bilang pinakapaboritong manlalaro maliban kela Steve Slaton at Pat White ng West Virginia University, at Ian Johnson ng Boise State University.

Siya ay may tangkad na 6 feet, 2 inches at tumtimbang ng 210 pounds, si Mcfadden kamakailan ay nilampasan si Madre Hill bilang record holder para sa most rushing yards sa buong season ng University of Arkansas. Siya rin ay naging centerpiece ng "Wildhog" formation, isang pangopensibang formation kung saan siya ay nakalinya sa mga quarterback. Simula ng si Mcfadden ay naglaro bilang quarterback sa kanyang high school, siya ay naging pangamba dahil sa kanyang kakayahan na pumasa (7 sa 9 na pasa at 3 touchdowns), o madalas itakbo ang bola. Sa ganitong formation, siya rin madalas na nkalayo sa kapwa manlalaro, madalas ay ang kasamahang running back na si felix Jones, sa ganitong paraan ang formation ay nagiging triple threat. Ang "Wildcat" formation, na sinanay ng Arkansas, ay kadalasan ding tinatawag ng madami na "501," ang numero ng kanyang telepono area code at tattoo sa kanyang braso. Ang mga formations ay opisyal na tinaguriang "WildHog" para sa 2007 season.

Trivia

baguhin
baguhin
Sinundan:
Reggie Bush
Doak Walker Award Winner
2006
Susunod:
Incumbent