Distritong pambatas ng Sulu
Ang mga Distritong Pambatas ng Lalawigan ng Sulu, Una at Ikalawa ang mga kinatawan ng lalawigan ng Sulu sa mababang kapulungan ng Pilipinas.
Kasaysayan
baguhinMula 1907 hanggang 1917, ang mga hindi Kristiyanong lugar ng Pilipinas (kasama ang Departamento ng Mindanao at Sulu) ay hindi nabigyan ng representasyon sa mababang kapulungan ng Lehislatura ng Pilipinas. Ngunit sa bisa ng Philippine Autonomy Act ng 1916 na naipasa ng Kongreso ng Estados Unidos, at ng Kautusan Blg. 2711 (Revised Administrative Code) na naaprubahan noong Marso 10, 1917, nabigyan ng karapatang marepresentahan ang Departamento ng Mindanao at Sulu sa mababang kapulungan. Limang kinatawan ang itinalaga ng Gobernador-Heneral na kakatawan sa pitong bahaging lalawigan ng Departamento ng Mindanao at Sulu — Agusan, Bukidnon, Cotabato, Davao, Lanao, Sulu at Zamboanga — sa mababang kapulungan bilang solong at-large na distrito.
Nanatili ito kahit binuwag ang Departamento noong 1920. Nagtagal ito hanggang 1935, nang bigyan ng tig-iisang kinatawan ang pitong lalawigan ng Mindanao at Sulu sa Kapulungang Pambansa ngunit may pagkakaiba sa paraan ng paghalal. Sa mga lalawigang maraming Kristiyano (Agusan, Bukidnon, Davao at Zamboanga), may karapatang maghalal ang mga botante sa bisa ng Artikulo VI, Seksiyon 1 ng 1935 Konstitusyon. Habang sa mga lalawigang maraming Muslim (Cotabato, Lanao at Sulu), may mahigpit na kwalipikasyon sa pagboto: tanging ang mga opisyal ng bayan (pangulo, bise-pangulo at mga konsehal); senador, mga kinatawan ng kapulungan at mga delegado ng 1935 Konstitusyon; gobernador ng lalawigan at mga miyembro ng sangguniang panlalawigan; at lahat ng mga dating naluklok sa mga nasabing posisyon, ang pinayagang bumoto. Sa ganitong paraan nahalal ang kinatawan ng Sulu noong 1935.
Sa pamamagitan ng Kautusang Komonwelt Blg. 44 na naipasa noong Oktubre 13, 1936, tuluyang nabigyan ng karapatang bumoto ang mga kwalipikadong mamamayan ng Sulu (kasama ang Cotabato at Lanao). Nagsimula itong noong eleksyon 1938.
Noong panahon ng Ikalawang Republika, nagpadala ng dalawang assemblymen at-large ang lalawigan sa Kapulungang Pambansa. Nang manumbalik ang Komonwelt, napanatili ng lalawigan ang solong distrito nito noong 1945.
Sa bisa ng Presidential Decree Blg. 302, hiniwalay ang ilang munisipalidad ng Sulu upang buuin ang Tawi-Tawi.
Bahagi ito ng kinakatawan ng Rehiyon IX sa Pansamantalang Batasang Pambansa, mula 1978 hanggang 1984. Mula 1984 hanggang 1986, nagpadala ng isang assemblyman at-large ang lalawigan sa Regular Batasang Pambansa.
Sa ilalim ng bagong Konstitusyon, hinati ang lalawigan sa dalawang distritong pambatas noong 1987.
Unang Distrito
baguhin- Munisipalidad: Hadji Panglima Tahil (Marunggas), Indanan, Jolo, Maimbung, Pangutaran, Parang, Patikul, Talipao
- Populasyon (2015): 486,063
Panahon | Kinatawan |
---|---|
1987–1992 |
|
1992–1995 |
|
1995–1998 | |
1998–2001 |
|
2001–2004 | |
2004–2007 | |
2007–2010 |
|
2010–2013 |
|
2013–2016 | |
2016–2019 |
|
2019–2022 |
Notes
Ikalawang Distrito
baguhin- Munisipalidad: Banguingui (Tongkil), Kalingalan Caluang, Lugus, Luuk, Old Panamao, Omar, Pandami, Panglima Estino (New Panamao), Pata, Siasi, Tapul
- Populasyon (2015): 338,668
Panahon | Kinatawan |
---|---|
1987–1992 |
|
1992–1995 |
|
1995–1998 | |
1998–2001 | |
2001–2004 |
|
2004–2007 | |
2007–2010 | |
2010–2013 |
|
2013–2016 |
|
2016–2019 |
|
2019–2022 |
Solong Distrito (defunct)
baguhinPanahon | Kinatawan |
---|---|
1935–1938 |
|
1938–1941 |
|
1945 |
|
1946–1949 | |
1949–1953 |
|
1953–1957 | |
1957–1961 | |
1961–1965 |
|
1965–1969 | |
1969–1972 |
Notes
- ↑ Inalis sa pwesto noong 1950 matapos matalo sa protestang inihain ni Ombra Amilbangsa.
- ↑ Pinalitan si Gulamu Rasul matapos manalo sa protestang inihain niya noong 1950.
- ↑ Inalis sa pwesto noong 1969 matapos matalo sa protestang inihain ni Indanan Anni.
- ↑ Nanumpa sa tungkulin noong Abril 23, 1969 matapos manalo sa protestang inihain ni Salih Ututalum.
At-Large (defunct)
baguhin1943–1944
baguhin- Kasama ang kasalukuyang lalawigan ng Tawi-Tawi
Panahon | Kinatawan |
---|---|
1943–1944 |
|
1984–1986
baguhinPanahon | Kinatawan |
---|---|
1984–1986 |
Tingnan din
baguhinSanggunian
baguhin- Philippine House of Representatives Congressional Library
- ↑ Lacson, Nonoy E. (Disyembre 3, 2016). "Sulu leaders want special elections to fill late Rep. Loong's seat". Manila Bulletin. Nakuha noong Pebrero 6, 2017.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)