Distritong pambatas ng Timog Cotabato
Ang mga Distritong Pambatas ng Lalawigan ng Timog Cotabato, Una at Ikalawa ang mga kinatawan ng lalawigan ng Timog Cotabato at ng mataas na urbanisadong lungsod ng Heneral Santos sa mababang kapulungan ng Pilipinas.
Kasaysayan
baguhinAng kasalukuyang nasasakupan ng Timog Cotabato ay dating kinakatawan ng Departamento ng Mindanao at Sulu (1917–1935) at ng dating lalawigan ng Cotabato (1935–1967).
Sa pamamagitan ng Batas Pambansa Blg. 4849 na naaprubahan noong Hunyo 18, 1966, hiniwalay ang mga timog na munisipalidad ng Cotabato upang buuin ang Timog Cotabato. Ayon sa Seksiyon 5 ng batas, unang naghalal ng kinatawan ang solong distrito ng lalawigan noong 1967 at nanilbihan sa kalahati ng Ikaanim na Kongreso. Nang ginawang lungsod ang Heneral Santos sa bisa ng Batas Pambansa Blg. 5412 na naaprubahan noong Hunyo 15, 1968, nanatili itong kinakatawan ng lalawigan.
Bahagi ito ng kinakatawan ng Rehiyon XI sa Pansamantalang Batasang Pambansa, mula 1978 hanggang 1984. Mula 1984 hanggang 1986, nagpadala ng tatlong assemblymen at-large ang lalawigan sa Regular Batasang Pambansa.
Sa ilalim ng bagong Konstitusyon, hinati sa tatlong distritong pambatas ang lalawigan noong 1987.
Sa bisa ng Batas Pambansa Blg. 7228 na niratipikahan noong Mayo 11, 1992, hiniwalay ang buong ikatlong distrito upang buuin ang Sarangani na nagsimulang maghalal ng mga kinatawan noong eleksyon 1995. Mula tatlo, nabawasan sa dalawang distrito ang lalawigan.
Sa bisa ng Batas Pambansa Blg. 11243 na nilagdaan noong Marso 11, 2019, hiniwalay ang mataas na urbanisadong lungsod ng Heneral Santos mula sa unang distrito upang bumuo ng sariling distrito.
Dahil huli na upang baguhin ng Komisyon sa Halalan (COMELEC) ang datos ng eleksyon 2019 para sa lalawigan, inilabas ng COMELEC ang Resolusyon Blg. 10524 upang ipagpaliban ang halalan ng binagong unang distrito at solong distrito ng Heneral Santos sa araw na hindi lalagpas ng anim na buwan mula Mayo 13, 2019. Sa bisa ng resolusyong ito, itinakda ang halalan sa Oktubre 26, 2019.
Subalit noong Setyembre 10, 2019, idineklara ng Korte Suprema ang resolusyon ng COMELEC na magtakda ng espesyal na eleksyon bilang paglabag sa batas. Ayon sa Korte Suprema, nararapat na maghalal ng mga kinatawan ang mga bagong distrito sa susunod na eleksyon sa 2022. Ipinag-utos rin ng Korte Suprema sa COMELEC na iproklama ang nanalo noong eleksyon 2019 na si Shirlyn L. Bañas-Nograles bilang karapat-dapat na kinatawan ng unang distrito ng Timog Cotabato.
Magsisimulang maghalal ng kinatawan ang dalawang distrito sa eleksyon 2022.
Unang Distrito
baguhin- Lungsod: Heneral Santos[a]
- Munisipalidad: Polomolok, Tampakan, Tupi
- Populasyon (2015): 856,536
Panahon | Kinatawan |
---|---|
1987–1992 |
|
1992–1995 |
|
1995–1998 | |
1998–2001 | |
2001–2004 |
|
2004–2007 | |
2007–2010 | |
2010–2013 |
|
2013–2016 | |
2016–2019 | |
2019–2022 |
Notes
- ↑ Mataas na urbanisadong lungsod mula 1988. Administratibong malaya mula sa lalawigan at bumoboto lamang kasama ng Timog Cotabato para sa kinatawan sa mababang kapulungan.
Ikalawang Distrito
baguhin- Lungsod: Koronadal (naging lungsod 2000)
- Munisipalidad: Banga, Lake Sebu, Norala, Santo Niño, Surallah, Tantangan, T'Boli
- Populasyon: (2015): 653,199
Panahon | Kinatawan |
---|---|
1987–1992 |
|
1992–1995 |
|
1995–1998 | |
1998–2001 | |
2001–2004 |
|
2004–2007 | |
2007–2010 | |
2010–2013 |
|
2013–2016 |
|
2016–2019 | |
2019–2022 |
Ikatlong Distrito (defunct)
baguhinPanahon | Kinatawan |
---|---|
1987–1992 |
|
1992–1995 |
Solong Distrito (defunct)
baguhin- Kasama ang kasalukuyang lalawigan ng Sarangani at Lungsod ng Heneral Santos
Panahon | Kinatawan |
---|---|
1965–1969 |
|
1969–1972 |
Notes
- ↑ Nanalo sa espesyal na eleksyong ginanap noong Nobyembre 14, 1967 upang punan ang bakanteng pwesto; nanumpa sa tungkulin noong Enero 22, 1968 at nanilbihan hanggang matapos ang Ikaanim ng Kongreso.
At-Large (defunct)
baguhin- Kasama ang kasalukuyang lalawigan ng Sarangani at Lungsod ng Heneral Santos
Panahon | Kinatawan |
---|---|
1984–1986 |
|
Tingnan din
baguhinSanggunian
baguhin- Philippine House of Representatives Congressional Library