Distritong pambatas ng Cotabato

Ang mga Distritong Pambatas ng Lalawigan ng Cotabato, Una, Ikalawa at Ikatlo ang mga kinatawan ng lalawigan ng Cotabato sa mababang kapulungan ng Pilipinas.

Kasaysayan

baguhin

Bago hatiin ang Cotabato noong 1966

baguhin

Mula 1907 hanggang 1917, ang mga hindi Kristiyanong lugar ng Pilipinas (kasama ang Departamento ng Mindanao at Sulu) ay hindi nabigyan ng representasyon sa mababang kapulungan ng Lehislatura ng Pilipinas. Ngunit sa bisa ng Philippine Autonomy Act ng 1916 na naipasa ng Kongreso ng Estados Unidos, at ng Kautusan Blg. 2711 (Revised Administrative Code) na naaprubahan noong Marso 10, 1917, nabigyan ng karapatang marepresentahan ang Departamento ng Mindanao at Sulu sa mababang kapulungan. Limang kinatawan ang itinalaga ng Gobernador-Heneral na kakatawan sa pitong bahaging lalawigan ng Departamento ng Mindanao at Sulu — Agusan, Bukidnon, Cotabato, Davao, Lanao, Sulu at Zamboanga — sa mababang kapulungan bilang solong at-large na distrito.

Nanatili ito kahit binuwag ang Departamento noong 1920. Nagtagal ito hanggang 1935, nang bigyan ng tig-iisang kinatawan ang pitong lalawigan ng Mindanao at Sulu sa Kapulungang Pambansa, ngunit may pagkakaiba sa paraan ng paghalal. Sa mga lalawigang maraming Kristiyano (Agusan, Bukidnon, Davao at Zamboanga), may karapatang maghalal ang mga botante sa bisa ng Artikulo VI, Seksiyon 1 ng 1935 Konstitusyon. Habang sa mga lalawigang maraming Muslim (Cotabato, Lanao at Sulu), may mahigpit na kwalipikasyon sa pagboto: tanging ang mga opisyal ng bayan (pangulo, bise-pangulo at mga konsehal); senador, mga kinatawan ng kapulungan at mga delegado ng 1935 Konstitusyon; gobernador ng lalawigan at mga miyembro ng sangguniang panlalawigan; at lahat ng mga dating naluklok sa mga nasabing posisyon, ang pinayagang bumoto. Sa ganitong paraan nahalal ang kinatawan ng Cotabato noong 1935.

Sa pamamagitan ng Kautusang Komonwelt Blg. 44 na naipasa noong Oktubre 13, 1936, tuluyang nabigyan ng karapatang bumoto ang mga kwalipikadong mamamayan ng Cotabato (kasama ang Lanao at Sulu). Nagsimula itong noong eleksyon 1938.

Noong panahon ng Ikalawang Republika, nagpadala ng dalawang assemblymen at-large ang lalawigan sa Kapulungang Pambansa. Nang manumbalik ang Komonwelt, napanatili ng lalawigan ang solong distrito nito noong 1945.

Kahit naging lungsod ang Cotabato, nanatili itong kinakatawan ng lalawigan ng Cotabato sa bisa ng Seksiyon 91 ng Batas Pambansa Blg. 2634 noong Hunyo 20, 1959.

Bilang hinating Cotabato (1966–1973)

baguhin

Sa bisa ng Batas Pambansa Blg. 4849 na naaprubahan noong Hunyo 18, 1966, hiniwalay ang ilang timog na munisipalidad ng lalawigan upang buuin ang Timog Cotabato (kasama ang kasalukuyang lalawigan ng Sarangani). Ayon sa Seksiyon 5 ng B.P. 4849, ang noo'y nanunungkulang kinatawan ng Cotabato ay rerepresentahan lamang ang natitirang bahagi ng lalawigan (kasama ang nakakartang lungsod ng Cotabato) sa ikalawang hati ng Ikaanim na Kongreso, pagkatapos maghalal ng sariling kinatawan ang solong distrito ng Timog Cotabato noong 1967.

Bilang kasalukuyang (Hilagang) Cotabato (1973–kasalukuyan)

baguhin

sa bisa ng Presidential Decree Blg. 341 noong Nobyembre 22, 1973, tuluyan pang hinati ang Cotabato sa tatlo, Hilagang Cotabato (ngayon Cotabato), Maguindanao at Sultan Kudarat.

Bahagi ito ng kinakatawan ng Rehiyon XII sa Pansamantalang Batasang Pambansa, mula 1978 hanggang 1984. Sa bisa ng Batas Pambansa Blg. 660 noong Disyembre 19, 1983, pinalitan ang pangalan ng Hilagang Cotabato sa Cotabato.

Mula 1984 hanggang 1986, nagpadala ng dalawang assemblymen at-large ang lalawigan sa Regular Batasang Pambansa.

Sa ilalim ng bagong Konstitusyon, hinati ang lalawigan sa dalawang distritong pambatas noong 1987.

Sa pamamagitan ng Batas Pambansa Blg. 10177 na naaprubahan noong Setyembre 14, 2012, muling hinati ang lalawigan sa tatlong distritong pambatas na nagsimulang maghalal ng mga kinatawan noong eleksyon 2013.

Unang Distrito

baguhin
Panahon Kinatawan
Ika-16 na Kongreso
2013–2016
Jesus N. Sacdalan
Ika-17 na Kongreso
2016–2019
Ika-18 na Kongreso
2019–2022
Joselito S. Sacdalan

1987–2013

baguhin
Panahon Kinatawan
Ikawalong Kongreso
1987–1992
Rodrigo B. Gutang
Ikasiyam na Kongreso
1992–1995
Anthony P. Dequiña
Ikasampung Kongreso
1995–1998
Ika-11 na Kongreso
1998–2001
Ika-12 na Kongreso
2001–2004
Emmylou J. Taliño-Mendoza
Ika-13 na Kongreso
2004–2007
Ika-14 na Kongreso
2007–2010
Ika-15 na Kongreso
2010–2013
Jesus N. Sacdalan

Ikalawang Distrito

baguhin
Panahon Kinatawan
Ika-16 na Kongreso
2013–2016
Nancy A. Catamco
Ika-17 na Kongreso
2016–2019
Ika-18 na Kongreso
2019–2022
Rudy S. Caoagdan

1987–2013

baguhin
Panahon Kinatawan
Ikawalong Kongreso
1987–1992
Gregorio A. Andolana
Ikasiyam na Kongreso
1992–1995
Ikasampung Kongreso
1995–1998
Ika-11 na Kongreso
1998–2001
Gregorio T. Ipong
Ika-12 na Kongreso
2001–2004
Ika-13 na Kongreso
2004–2007
Ika-14 na Kongreso
2007–2010
Bernardo F. Piñol, Jr.
Ika-15 na Kongreso
2010–2013
Nancy A. Catamco

Ikatlong Distrito

baguhin
Panahon Kinatawan
Ika-16 na Kongreso
2013–2016
Jose I. Tejada
Ika-17 na Kongreso
2016–2019
Ika-18 na Kongreso
2019–2022

Solong Distrito (defunct)

baguhin

1935–1967

baguhin
Panahon Kinatawan
Unang Pambansang Kapulungan
1935–1938
Datu Balabaran Sinsuat
Ikalawang Pambansang Kapulungan
1938–1941
Ugalingan Piang
Unang Kongreso ng Komonwelt
1945
Unang Kongreso
1946–1949
Gumbay Piang
Ikalawang Kongreso
1949–1953
Datu Blah T. Sinsuat[a]
Ikatlong Kongreso
1953–1957
Luminog Datu Mangelen
Ikaapat na Kongreso
1957–1961
Salipada K. Pendatun[b]
Ikalimang Kongreso
1961–1965
Ikaanim na Kongreso
1965–1969
silipin 1968–1972

Notes

  1. Nanumpa sa tungkulin noong Enero 3, 1950.
  2. Nahalal sa ikatlong termino noong 1965 bilang kinatawan ng dating lalawigan ng Cotabato; nagsimulang manungkulang kinatawan ng hinating lalawigan ng Cotabato noong kalahati ng Ikaanim na Kongreso, pagkatapos mahalal ang kinatawan ng solong distrito ng Timog Cotabato ayon sa B.P. 4849.

1968–1972

baguhin
Panahon Kinatawan
Ikaanim na Kongreso
1965–1969
silipin 1935–1967
Salipada K. Pendatun[a]
Ikapitong Kongreso
1969–1972

Notes

  1. Nanumpa sa tungkulin noong Hulyo 29, 1970 para sa Ikapitong Kongreso, pagkatapos maresolba ang mga protestang inihain ni Datu Blah Sinsuat.[1]

At-Large (defunct)

baguhin

1943–1944

baguhin
Panahon Kinatawan
Kapulungang Pambansa
1943–1944
Menandang Piang
Alfonso A. Pablo (ex-officio)

1984–1986

baguhin
Panahon Kinatawan
Regular Batasang Pambansa
1984–1986
Tomas B. Baga Jr.
Carlos B. Cajelo

Tingnan din

baguhin

Sanggunian

baguhin
  • Philippine House of Representatives Congressional Library
  1. Supreme Court of the Philippines (Hunyo 30, 1970). "G.R. No. L-31501 - DATU BLAH SINSUAT, Petitioner, v. SALIPADA K. PENDATUN, COMMISSION ON ELECTIONS, and THE PROVINCIAL BOARD OF CANVASSERS OF COTABATO, Respondents". The LawPhil Project. Nakuha noong Pebrero 20, 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)