Distritong pambatas ng Dinagat Islands
Ang solong Distritong Pambatas ng Lalawigan ng Dinagat Islands ang kinatawan ng lalawigan ng Dinagat Islands sa mababang kapulungan ng Pilipinas.
Kasaysayan
baguhinAng kasalukuyang nasasakupan ng Dinagat Islands ay dating kinakatawan ng dating lalawigan ng Surigao (1907–1961), Rehiyon X (1978–1984) at Surigao del Norte (1961–1972; 1984–2007).
Sa bisa ng Batas Pambansa Blg. 9355 na naipasa noong Oktubre 2, 2006, hiniwalay ang pitong mga munisipalidad mula sa unang distrito ng Surigao del Norte upang buuin ang lalawigan ng Dinagat Islands. Nagsimulang maghalal ng kinatawan ang bagong lalawigan noong eleksyon 2007.
Kahit pinawalang bisa ng Korte Suprema ang pagiging lalawigan ng Dinagat Islands noong Pebrero 11, 2010, hindi pa ito ganap bago ang Mayo 2010 eleksyon; kaya naman itinuloy ng Komisyon sa Halalan ang eleksyon para sa kinatawan ng Dinagat Islands. Kahit pangwakas na ang orihinal na desisyon ng Korte Suprema, patuloy pa ring nirepresentahan ng mga nahalal na kinatawan ng unang distrito ng Surigao del Norte at solong distrito ng Dinagat Islands.
Matapos baliktarin ng Korte Suprema ang nauna nitong pasiya noong Abril 12, 2011 at ginawang ganap ang Batas Pambansa Blg. 9355, ganap nang hiniwalay ang Dinagat Islands mula sa Surigao del Norte.
Solong Distrito
baguhin- Munisipalidad: Basilisa, Cagdianao, Dinagat, Libjo, Loreto, San Jose, Tubajon
- Populasyon (2015): 127,152
Panahon | Kinatawan |
---|---|
2007–2010 |
|
2010–2013 |
|
2013–2016 |
|
2016–2019 | |
2019–2022 |
Notes
- ↑ Tinanggal bilang miyembro ng Kapulungan ng mga Kinatawan noong Mayo 22, 2012 dahil sa kasong parricide
Tingnan din
baguhinSanggunian
baguhin- Philippine House of Representatives Congressional Library