Distritong pambatas ng Surigao del Norte

Ang mga Distritong Pambatas ng Lalawigan ng Surigao del Norte, Una at Ikalawa ang mga kinatawan ng lalawigan ng Surigao del Norte sa mababang kapulungan ng Pilipinas.

Kasaysayan

baguhin

Ang kasalukuyang nasasakupan ng Surigao del Norte ay dating bahagi ng kinakatawan ng dating lalawigan ng Surigao (1907–1961).

Sa bisa ng Batas Pambansa Blg. 2786 na naipasa noong Hunyo 19, 1960, hinati ang noo'y lalawigan ng Surigao sa dalawa, Surigao del Norte at Surigao del Sur at binigyan ng tig-iisang distrito. Nagsimulang maghalal ng kinatawan ang solong distrito ng lalawigan noong eleksyon 1961.

Bahagi ito ng kinakatawan ng Rehiyon X sa Pansamantalang Batasang Pambansa, mula 1978 hanggang 1984. Mula 1984 hanggang 1986, nagpadala ng isang assemblyman at-large ang lalawigan sa Regular Batasang Pambansa.

Sa ilalim ng bagong Konstitusyon, hinati sa dalawang distritong pambatas ang lalawigan noong 1987.

Sa bisa ng Batas Pambansa Blg. 9355 na niratipikahan noong Disyembre 2006, hiniwalay ang pitong munisipalidad ng unang distrito upang buuin ang lalawigan ng Dinagat Islands. Nabigyan ito ng sariling distrito na nagsimulang maghalal ng kinatawan noong eleksyon 2007.

Kahit pinawalang bisa ng Korte Suprema ang pagiging lalawigan ng Dinagat Islands noong Pebrero 11, 2010, hindi pa ito ganap bago ang Mayo 2010 eleksyon; kaya naman itinuloy ng Komisyon sa Halalan ang eleksyon para sa kinatawan ng Dinagat Islands. Kahit pangwakas na ang orihinal na desisyon ng Korte Suprema, patuloy pa ring nirepresentahan ng mga nahalal na kinatawan ng unang distrito ng Surigao del Norte at solong distrito ng Dinagat Islands.

Matapos baliktarin ng Korte Suprema ang nauna nitong pasiya noong Abril 12, 2011 at ginawang ganap ang Batas Pambansa Blg. 9355, ganap nang hiniwalay ang Dinagat Islands mula sa Surigao del Norte.

Unang Distrito

baguhin
Panahon Kinatawan
Ika-14 na Kongreso
2007–2010
Francisco T. Matugas
Ika-15 na Kongreso
2010–2013
Ika-16 na Kongreso
2013–2016
Ika-17 na Kongreso
2016–2019
Francisco Jose F. Matugas II
Ika-18 na Kongreso
2019–2022

1987–2007

baguhin
Panahon Kinatawan
Ikawalong Kongreso
1987–1992
Glenda B. Ecleo
Ikasiyam na Kongreso
1992–1995
Ikasampung Kongreso
1995–1998
Constantino H. Navarro Jr.
Ika-11 na Kongreso
1998–2001
Ika-12 na Kongreso
2001–2004
Glenda B. Ecleo
Ika-13 na Kongreso
2004–2007

Ikalawang Distrito

baguhin
Panahon Kinatawan
Ikawalong Kongreso
1987–1992
Constantino C. Navarro
Ikasiyam na Kongreso
1992–1995
Robert Z. Barbers[a]
Ikasampung Kongreso
1995–1998
bakante
Ika-11 na Kongreso
1998–2001
Robert Ace S. Barbers
Ika-12 na Kongreso
2001–2004
Ika-13 na Kongreso
2004–2007
Ika-14 na Kongreso
2007–2010
Guillermo A. Romarate Jr.
Ika-15 na Kongreso
2010–2013
Ika-16 na Kongreso
2013–2016
Ika-17 na Kongreso
2016–2019
Robert Ace S. Barbers
Ika-18 na Kongreso
2019–2022

Notes

  1. Nagbitiw noong Abril 15, 1996 nang italagang Kalihim ng Interyor at Pamahalaang Lokal; nanatiling bakante ang posisyon hanggang matapos ang Ikasampung Kongreso.

Solong Distrito (defunct)

baguhin
Panahon Kinatawan
Ikalimang Kongreso
1961–1965
Reynaldo P. Honrado
Ikaanim na Kongreso
1965–1969
Constantino C. Navarro
Ikapitong Kongreso
1969–1972

At-Large (defunct)

baguhin
Panahon Kinatawan
Regular Batasang Pambansa
1984–1986
Constantino C. Navarro

Tingnan din

baguhin

Sanggunian

baguhin
  • Philippine House of Representatives Congressional Library