Diyosesis ng Libmanan
Ang Diyosesis ng Libmanan (Lat: Dioecesis Libmanana) ay isang diyosesis ng Ritong latin ng Simbahang Katoliko Romano sa Pilipinas.
Diyosesis ng Libmanan Dioecesis Libmanana Diyosesis nin Libmanan | |
---|---|
Kinaroroonan | |
Bansa | Pilipinas |
Nasasakupan | Kanlurang Camarines Sur (Cabusao, Del Gallego, Libmanan, Lupi, Milaor, Minalabac, Pamplona, Pasacao, Ragay, San Fernando at Sipocot) |
Lalawigang Eklesyastiko | Caceres |
Kalakhan | Libmanan, Camarines Sur |
Estadistika | |
Populasyon - Kabuuan - Katoliko | (noong 2003) 423,485 387,108 (91.4%) |
Parokya | 22 |
Kabatiran | |
Denominasyon | Katoliko Romano |
Ritu | Ritong Romano |
Itinatag na - Prelatura - Diyosesis | Disyembre 9, 1989 Marso 25, 2009 |
Katedral | Katedral ni Santiago Apostol |
Kasalukuyang Pamunuan | |
Papa | Benedicto XVI |
Obispo | Jose Rojas, Jr. |
Kasaysayan
baguhinAng ilang mga kaganapan sa pagsasaayos ng teritoryo ng lokal na simbahan sa Bicol ay malaki ang ginampanan sa tuloy-tuloy na kristiyanismo sa mga Bicolano. Ang mga teritoryo ng simbahan ay naging relatibong mas maliit kaysa sa dati. Gayunman, ang isang lumalaking populasyon ng Katoliko ay laganap sa Pilipinas lalo na sa Arkidiyosesis ng Caceres. Ang pangangailangan para sa mas mahusay na ministeryong pastoral at pangangasiwa ay kinailangan. Upang malutas ang problema, ang Lubhang kagalang-galang Leonardo Z. Legaspi, OP, DD, Arsobispo ng Caceres, ay sumulat ng petisyon sa kabanalan Papa Juan Pablo II noong Enero 12, 1989 na humihiling na lumikha ng isang bagong saklaw ng simbahan sa anyo ng mga isang prelatura mula sa arkidiyosesis ng Caceres.
Ang apostoliko sugo ng papa, lubhang kagalang-galang Bruno Torpigliani ay sinuri ang petisyon ni Arsobispo Legaspi. Bilang pagsangayon sa kanyang kahilingan, ang sugo ng papa ay sumulat ng rekomendasyon sa Santo Papa. Disyembre 9, 1989, inaprubahan ni Papa Juan Pablo II ang petisyon. Sa pamamagitan ng apostolikong liham na Philippinis in Insulis, labing-anim na parokya ang inihiwalay mula sa arkidiyosesis ng Caceres upang lumikha ng isang prelatura na kikilalanin bilang Prelatura ng Libmanan. Ang bagong Prelatura ay naitatag noong Marso 19, 1990, bilang isang supragan ng Caceres at ang unang obispo ay si lubhang kagalang-galang Prospero N. Arellano, DD. Ang bagong Prelatura ng Libmanan ay binubuo nang labing-anim parokya sa labing-isang bayan: St. Rita de Cascia, Del Gallego; San Lorenzo Ruiz, Godofredo Reyes, Sr, Ragay; Most Holy Trinity, Ragay; St Peter Baptist, Lupi; St Pius X, Villazar, Sipocot; St John the Baptist, Sipocot; St Paschal Baylon, Barcelonita, Cabusao; St Bernardine of Siena, Cabusao; St James the Apostle, Libmanan; Our lady of Pillar, San Isidro, Libmanan; St Vincent Ferrer, San Vicente, Libmanan; St Rose of Liman, Pasacao; St Michael the Archangel, Pamplona; St John the Baptist, San Fernando; St Joseph, Milaor; Sts. Philip at James, Minalabac. Ang labing-anim na parokya ay nahahati sa limang vicariates na may tatlong ukol sa mga episkopalya. Ang bagong Prelatura ay may isang obispo, dalawampung mga pari at isang relihiyosong pari. Lahat ng mga ito ay mga Pilipino at taal na mula sa Camarines Sur. Mayroong labing-apat na relihiyosang madre sa Prelatura ng Libmanan - anim na mula sa Daughters of Mary, limang mula sa Dominican Sisters ng Siena, at tatlong mula sa St Paul madre ng Chartes.
Mga Namuno
baguhin- Obispo Prospero Nale Arellano -Obispong-Prelado ng Libmanan (Dis 09, 1989 – May 19, 1998)
- Obispo Bishop José Rojas Rojas -Obispong-Prelado ng Libmanan (May 19, 1998 - Mar 25, 2009),Obispo ng Diyosesis (Mar 25, 2009 - kasalukuyan)