Diyosesis ng Sorsogon
Ang Diyosesis ng Sorsogon (Latin:Dioecesis Sorsogonensis) ay isang diyosesis ng ritong latin ng simbahang Katoliko Romano sa Pilipinas. Ang diyosesis ay itinatag noong 1951 mula sa Arkidiyosesis ng Caceres, at taong 1968 ang diyosesis ay nahati matapos ihiwalay ang Diyosesis ng Masbate. Ang diyosesis ay isang supragan ng Arkidiyosesis ng Caceres
Diyosesis ng Sorsogon Dioecesis Sorsogonensis | |
---|---|
Kinaroroonan | |
Nasasakupan | Sorsogon |
Lalawigang Eklesyastiko | Arkidiyosesis ng Caceres |
Kabatiran | |
Ritu | Romano |
Itinatag na - Diyosesis | 29 Hunyo 1951 |
Katedral | Katedral ng San Pedro at San Pablo |
Kasalukuyang Pamunuan | |
Papa | Papa Francisco |
Obispo | Jose Alan Verdejo Dialogo |
Kalakhang Arsobispo | Rolando Octavus Joven Tria Tirona, O.C.D |
Kasaysayan
baguhinAng Diyosesis ng Sorsogon dating bahagi ng Arkdiyosesis ng Caceres. Nang ito ay mahiwalay at gawing isang ganap na diyosesis noong 29 Hunyo 1951, isinaman dito ang teritoryo ng Masbate. Nang ang diyosesis ng Nueva Caceres ay hinirang bilang arkidiyosesis nang taon ding iyon, ang Legazpi at Sorsogon ay ginawang supragan na diyosesis ng Nueva Caceres. 23 Marso 1968 nang ang Masbate ay ginawang hiwalay na diyosesis. Sa kasalukuyan ang diyosesis ng Sorsogon ay sumasakop na lamang sa sibil lalawigan ng Sorsogon. Mayroong populasyon na 704,363 kung saan 87 porsiyento ay mga Katoliko.
Ang lalawigan ng Sorsogon ay nasa dakong dulong timog-silangan ng pulo ng Luzon at ang isa sa mga lalawigan ng Rehiyon ng Bicol na bumubuo sa Ikalimang Rehiyon. Ang lalawigan ang nagbibigay hugis sa dulo ng Bicol Peninsula, at maliban sa hilagang bahagi na nagkokonekta sa lalawigan ng Albay, ito ay napapaligiran ng tubig: Ang Kipot ng Ticao at Burias sa kanluran, Kipot ng San Bernardino sa timog, ang Dagat Pilipinas at ang Karagatang Pasipiko sa silangan.
Walang masyadong alam tungkol sa mga unang bahagi ng pagsaliksik ng lalawigan, maliban na ang bahagi ng rehiyon ngayon na tinatawag na Sorsogon ay dating tinatawag na Ibalos noong panahon ng mga Espanyol. Ang isla ng Bagatao na matatagpuan sa bukana ng Sorsogon Bay, ay kilala din bilang sentro ng paggawa ng mga bapor noong panahon ng kalakalang-galyon sa pagitam ng Manila at Acapulco.
Ang unang obispo ng Sorsogon ay si Obispo Arnulfo S. Arcilla. Ang kanyang termino ay dumating sa panahon nang Ikalawang Konseho ng Batikano, na nagdala ng progresibong pagbabago sa simbahan. Ito rin ang oras kung saan ang kaparian ay nananawagan para mga may kabuluhang programa pastoral, at higit na pakikilahok sa usapin ng diyosesis ng mga karaniwang tao.
Malakas na hiningi ang pagiging transparent ng obispo sa pangangasiwa. At nang ito ay nakatanggap ng mga adverse reaction, ang demoralisasyon ay sumuot sa hanay ng mga pari kung saan ang ilang miyembro iniiwan ang kanilang takdang-gawain. Ang sitwasyon ang nagbunsod sa pagkakatalaga kay Obispo Concordio Sarte bilang katulong na obispo ng Sorsogon. Gayunpaman hindi nito napadali ang sitwasyon at angl patuloy na nasa krisis ang diyosesis.
Nang magretiro si obispo Arcilla, itinalaga si obispo Jesus Y. Varela, na noo'y obispo ng Ozamiz, bilang ikalawang obispo ng Sorsogon. Pinangunahan ni obispo Varela ang batayan para sa pagpapagaling at pagkakasundo. Nang matanto nila ang pangangailangan para sa isang sistematikong programa para sa diyosesis, ang obispo at ang kaparian ay gumawa ng sistema ng pagpaplano na kung gumamit ng proseso ng Southeast Asia Interdisciplinary Development Institute (SAIDI).
16 Hulyo 1982, ang unang Planong Pastoral ng Diyosesis (DPP I) ay nasimulan, na sumasaklaw sa limang taon. Ang Vision: "Isang komunidad ng pananampalataya na namumuhay sa pag-ibig, ayon sa Mabuting Balita, tutugon sa mga serbisyo sa mga palatandaan ng panahon, nagsusumikap sa pag-asa para sa pagdating ng Kaharian."
Sa unang pagpapatupad, ang DPP I ay nagtagumpay sa pagbabago ng lumang larawan ng pamunuan ng simbahan sa isang komunidad ng mga mananampalataya na naghihikayat ng collegiality at pagiging responsibilidad ng mga pari at mga karaniwang tao. Ang pangangaral ng ebanghelyo ay naging isang focal point ng pag-aalala, ang diyosesis ay nagtayo ng isang estasyon ng radyo, DZGN-FM, at isang pahayagang palihan ng diyosesis, ang Good News Sorsogon upang matulungan ang programa ng pagpapahayag ng mabuting balita.
Ilulunsad na sana ng diyosesis kanilang ikalawang Planong Pastoral ng Diyosesis (DPP II) nang salantain ng kambal na malakas na bagyo ang lalawigan noong 1987. Dahil sa pagkawala ng marming buhay at pagkalugi sa mga ari-arian ang DPP II ay ipinagpaliban na muna ng dalawang taon. Nang ito'y inilunsad noong Hulyo 1989, ang layunin ng DPP II ay "upang maayos ang mga lokal na simbahan sa isang komunidad ng nagpupuri at nagsisilbi, na nasa maliliit na komunidad na nagbibigay saksi sa isang buhay ng pagkakaisa, katarungan, kapayapaan at pag-ibig." Ang programa ay nakatuon sa pagtatayo ng mga maliliit na komunidad dahil ang parokya ay naging sobrang malaki na upang maapektuhan ang malalimang interpersonal na relasyon.
Sa loob ng panahon na sakop ng DPP II, ang pinaka-dakilang pangyayari na naganap ay ang deklarasyon ni obispo Varela ng isang "Taon ng Biyaya" na nagsimula ng 1 Mayo 1991 hanggang 30 Abril 1992. Isa itong panawagan para sa pagpapabago at pagpapanibago.
Ang "Taon ng Biyaya" ay siya ring pasasalaman ni obispo Varela para sa kanyang 25 taon na paninilbihan bialng obispo, at ang kanyang parangal sa mga Kristiyano sa komunidad ng Sorsogon para sa pagsama sa kanya sa isang pagbuo ng isang simabahan ng mahihirap.
Noong 25 Abril 1994, ang mga ikatlong Planong Pastoral ng Diyosesis ay iniharap sa General Pastoral Assembly para sa pagpapatibay at pag-apruba. 8 Hulyo 1994, nang ang DPP III ay pormal na inilunsad at ipinahayag sa Katedral ng San Pedro at San Pablo sa Sorsogon, Sorsogon.
Mga Namuno
baguhinMga naging obispo at kasalukuyang obispo ng Diyosesis ng Sorsogon.
- Teopisto Valderrama Alberto † (10 Hul 1952 Naitalaga - 7 Set 1959 Naitalaga,Coadjutor Archbishop of Caceres (Nueva Caceres))
- Arnulfo S. Arcilla † (7 Set 1959 Naitalaga - 11 Dis 1979 Nagbitiw)
- Jesus Y. Varela † (27 Nob 1980 Naitalaga - 16 Abr 2003 Nagretiro)
- Arturo Mandin Bastes, S.V.D. (16 Abr 2003 nagpatuloy -15 Okt 2019)
- Jose Alan Verdejo Dialogo (15 Okt 2019 Naitalaga - Kasalukuyan)
Tignan rin
baguhinMga sanggunian
baguhinhttp://www.cbcponline.net/jurisdictions/sorsogon.html Naka-arkibo 2008-05-09 sa Wayback Machine.