Diyosesis ng Prosperidad

diyosesis ng Simbahang Katolika sa Pilipinas

Ang Diyosesis ng Prosperidad ay isang diyosesis ng Simbahang Katolikong Romano sa Pilipinas na matatagpuan sa lalawigan ng Agusan del Sur.

Diyosesis ng Prosperidad
Dioecesis Prosperitatis
Diyosesis hong Prosperidad
Diyosesis sa Prosperidad
Kinaroroonan
Bansa Pilipinas
NasasakupanAgusan del Sur
Lalawigang EklesyastikoCagayan de Oro
KalakhanCagayan de Oro
Estadistika
Lawak9,989.52 km²
Populasyon
- Kabuuan
- Katoliko

739,367[1]
486,251 (65.8%)
Parokya26
Kabatiran
DenominasyonKatoliko Romano
RituRitong Romano
Itinatag na
- Diyosesis

Oktubre 15, 2024
Kasalukuyang Pamunuan
PapaFrancisco
ObispoRuben Labajo
Kalakhang ArsobispoJosé A. Cabantan

Kasaysayan

baguhin

Sa paunang pagpupulong ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) noong Hulyo 9, 2023 sa Kalibo, Aklan, sinang-ayunan nito ang panukala ng Opisbo ng Butuan na si Cosme Damian Almedilla na ihiwalay sa nasasakupan ng kaniyang diyosesis at magtatag ng bagong diyosesis na sasaklaw sa lalawigang sibil ng Agusan del Sur. Itinuturing ng CBCP na isang "missionary frontier" ang Agusan del Sur kung saan isang-katlong bahagi ng populasyon nito ay mga katutubo.[2] Kinatigan naman ng Santa Sede ang naturang panukala at noong Oktubre 15, 2024, tuluyang inihiwalay mula sa Diyosesis ng Butuan at naitatag ang Diyosesis ng Prosperidad na siyang naging ika-87 diyosesis ng Pilipinas.

Si Ruben Labajo, katulong na obispo ng Arkidiyosesis ng Cebu ay hinirang ni Papa Francisco na maging unang obispo nito.[3][4]

Ordinaryo

baguhin
Obispo Panahon sa opisina Eskudo de armas
1. Ruben Caballero Labajo Itinalaga: Oktubre 15, 2024  

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Erezione della Diocesi di Prosperidad (Filippine) e nomina del primo Vescovo". Bulletin of the Holy See Press Office (sa wikang Italyano). The Holy See Press Office. Nakuha noong 15 Oktubre 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Lagarde, Roy (17 Hulyo 2023). "Here's a look at the proposed 3 new Philippine dioceses". CBCP News. Nakuha noong 15 Oktubre 2024.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Lagarde, Roy (15 Oktubre 2024). "Pope creates new Philippine diocese, names its first bishop". CBCP News. Nakuha noong 15 Oktubre 2024.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Pope Francis creates new PH diocese, appoints its first bishop". GMA Intergrated News. GMA News. 15 Oktubre 2024. Nakuha noong 15 Oktubre 2024.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)