Arkidiyosesis ng Cagayan de Oro

arkidiyosesis ng Simbahang Katolika sa Pilipinas

Ang Arkidiyosesis ng Cagayan de Oro (Latin: Archdioecesis Cagayana) ay isang arkidiyosesis ng Simbahang Katoliko Romano sa Pilipinas. Ito ay isang Kalakhang sede sa isla ng Mindanao. Sakop ng arkidiyosesis ang tatlong lalawigang sibil ng Misamis Oriental at Camiguin pati na rin ang bayan ng Malitbog, Bukidnon.[1] Pinamamahalaan ito ng Lubhang Kgg. Arsobispo Antonio J. Ledesma, SJ at ito ay matatagpuan sa Katedral Metropolitan ng San Augustine sa lungsod ng Cagayan De Oro.

Arkidiyosesis ng Cagayan de Oro
Archidioecesis Cagayana
Arkidiyosesis sa Cagayan de Oro
Kinaroroonan
Bansa Pilipinas
NasasakupanLalawigan ng Camiguin at Misamis Oriental at bayan ng Malitbog, Bukidnon
Lalawigang EklesyastikoCagayan de Oro
KalakhanCagayan de Oro
Estadistika
Populasyon
- Kabuuan
- Katoliko
(noong 2006)
1,397,000
1,158,000 (82.9%)
Parokya56
Kabatiran
DenominasyonKatoliko Romano
RituRitong Romano
Itinatag na
- Diyosesis

Enero 20, 1933
KatedralKatedral ni San Agustin
Kasalukuyang Pamunuan
PapaBenedicto XVI
ArsobispoAntonio Ledesma, S.J.
Obispong EmeritoJesus B. Tuquib

Kasaysayan

baguhin

Noong panahon ng Espanyol mayroon lamang lalawigan ng Misamis na kung saan kasama ang ngayo'y mga lalawigan ng Misamis Oriental at Misamis Occidental, at pinamamahalaan ng pamahalaan ng Cebu. Ang mga Misyonerong Recollect ay dumaong sa Cebu at nagsimula ng isang misyon sa lalawigan. Nagkaroon lang ito ng sariling pamahalaan ng noong 1901. At dahil sa ang isang bahagi nito ay nakahiwalay mula sa pangunahing isla dahil sa Iligan Bay, ang pamahalaan ay nagpasya na hatiin ang lalawigan sa dalawa. Ang Misamis Oriental ang mas malaking bahagi.

Ang lalawigan ng Misamis Oriental ay estratehikong nakatayo sa gitna ng hilagang bahagi ng Mindanao, napapaligiran sa hilaga ng Dagat Mindanao, sa timog ng mga hanggahan ng Bukidnon at Lanao del Norte, sa silangan ng Agusan del Norte, at sa kanluran ng Iligan Bay.

Ang arkidiyosesis ng Cagayan de Oro ay binubuo ng dalawang sibil na lalawigan, ang Misamis Oriental at Camiguin, isang islang lalawigan sa hilaga, at isang bayan sa Bukidnon. Ang kabuuang lawak na nasasakupan nito ay may kabuuang 3799 kilometro-kwadrado, na may populasyon ng 1,012,820, kung saan 87 porsiyento ay mga Katoliko.

Bago ang 1,865 sa buong Mindanao at Sulu ay bahagi ng Diyosesis ng Cebu. Taong 1865 ang kalahating-kanluran ng Mindanao ay napasailalim ng hurisdiksiyon ng Diyosesis ng Jaro sa Panay. Pagkatapos ay itinatag ni Papa Leo XIII ang Diyosesis ng Zamboanga, sa pagkakahiwalay nito mula sa Jaro at naging unang diyosesis sa Mindanao. Ngunit si Papa Pius X ang nagpatupad nito noong 1910. Kaya mula 1910 ang Cagayan de Oro ay naging bahagi ng diyosesis ng Zamboanga.

Enero 20, 1933 nilikha ni Papa Pius XI ang pangalawang diyosesis sa Mindanao, ang sa Cagayan de Oro, na naghiwalay nito mula sa Zamboanga at nagbigay dito ng kapangyarihan sa mga dating lalawigan ng Surigao, Oriental at Misamis Occidental, Bukidnon, at bahagi ng lalawigan ng Lanao. Kasama ang Zamboanga ito ay naging isang supragan ng bagong lalawigang pangsimbahan ng Cebu.

Taong 1939 ang diyosesis ng Cagayan de Oro ay hinati ulit para mabuo ang Diyosesis ng Surigao na binubuo ng mga lalawigan ng Surigao at Agusan; at taong 1951 ay hinati ulit sa pagbuo ng Diyosesis ng Ozamiz na binubuo naman ng lalawigan ng Lanao at Misamis Occidental.

Hunyo 29, 1951 itinaas ni Papa Pius XI Cagayan de Oro bilang isang arkidiyosesis, kasabay nang Jaro. Ang arkidiyosesis ng Cagayan de Oro ang naging unang arkidiyosesis sa Mindanao, na naghiwalay sa Mindanao mula sa lalawigang-pangsimbahan ng Cebu. Naging supragan nito ang lahat ng mga diyosesis at prelatura sa Mindanao: Surigao, Cotabato, Sulu, Davao, Ozamiz, at Zamboanga na naging inang diyosesis. Ito ay naging isang arkidiyosesis pitong taon na una sa kanyang ina diyosesis.

Di naglaon ang Apostoliko Prepektura ng Sulu, ang Prelatura Nullius ng Marbel, ang Prelatura Nullius ng Tagum, ang Diyosesis ng Butuan, ang Prelatura Nullius ng Malaybalay, ang Prelatura Nullius ng Iligan at ang Diyosesis ng Tandag ay naging mga sufpragan ng arkidiyosesis ng Cagayan de Oro.

Kalaunan, apat na iba pang mga arkidiyosesis ang itinatag sa Mindanao: Zamboanga noong 1958, Davao noong 1970. Cotabato noong 1979 at Ozamiz noong 1983. Kaya sa kasalukuyan ang may limang lalawigang pang-simbahan sa Mindanao.

Ang unang obispo at arsobispo ng Cagayan de Oro ay ang Lubhang kagalang-galang Santiago Hayes, SJDD, na nagtatag sa Pamantasang Ateneo de Cagayan na ngayon ay kilala bilang Xavier University. Siya ay sinundan ni lubhang kagalang-galang Patrick Cronin, SSC, DD noong 1971. Si Obispo Cronin ang nagtatag ng teolohikal na seminaryo nang St John Vianney. Ang ikatlong obispo ay lubhang kagalang-galang Jesus B. Tuquib, DD, STD, na itinalagang Arsobispo noong Mayo 31, 1984, at naging Arsobispo ng arkidiyosesis ng Cagayan de Oro noong Enero 5, 1988.

Mayroong 46 na mga pari na namamahala sa 46 na parokya sa loob ng hurisdiksiyon ng arkidiyosesis, katulong ang dalawang Heswita at 5 Columban na pari. Anim na iba pa ay gumagawa ng trabaho na di pangparokya at 3 iba pa ay nagretiro na.

Mga Supragan na Diyosesis

baguhin

Mga Namuno

baguhin
  • Arsobispo Antonio Javellana Ledesma, S.J. (66) (2006.03.04 – kasalukuyan)
  • Arsobispo Jesus B. Tuquib (79) (1988.01.05 – 2006.03.04)
  • Arsobispo Patrick H. Cronin, S.S.C.M.E. (1970.10.13 – 1988.01.05)
  • Arsobispo James Thomas Gibbons Hayes, S.J.(1951.06.29 – 1970.10.13)
    • Obispo(1933.03.16 – 1951.06.29)

Tingnan rin

baguhin

Mga Sanggunian

baguhin
  1. "Parishes." Catholic Bishops Conference of the Philippines. Web. 18 Dis. 2011.