Diyosesis ng Tandag
Ang Diyosesis ng Tandag (Lat: Tandagen(sis)) ay isang diyosesis ng Ritong latin ng Simbahang Katoliko Romano sa Pilipinas.
Diyosesis ng Tandag Tandagen(sis) | |
---|---|
Kinaroroonan | |
Nasasakupan | Surigao del Sur |
Lalawigang Eklesyastiko | Arkidiyosesis ng Caceres |
Kabatiran | |
Ritu | Romano |
Itinatag na - Diyosesis | 16 Hunyo 1978 |
Katedral | Katedral ni San Nicolas de Tolentino |
Kasalukuyang Pamunuan | |
Papa | Benedict XVI |
Obispo | Nereo P. Odchimar |
Kalakhang Arsobispo | Leonard Zamora Legaspi,OP Arsobispo ng Cáceres |
Kasaysayan
baguhinAng diyosesis ng Tandag ay nilikha noong 16 Hunyo 1978, mula sa Diyosesis ng Surigao. 7 Nobyembre 1978, si obispo Ireneo Amantillo, CSsR, DD, ay itinalaga bilang unang obispo ng Tandag, si obispo Amantillo ay hinirang ni Papa Juan Pablo I noong Setyembre 6, 1978.
Ang diyosesis ay binubuo ng sibil na lalawigan ng Surigao del Sur na ang kabisera ay ang lungsod ng Tandag. Ang lalawigan ang umuukopa nang kalahati ng silangang baybayin ng Mindanao nakaharap sa Karagatang Pasipiko, ilang milya lang sa Philippine Deep, ang isa sa pinakamalalim na karagatan sa mundo.
Ang dalawang lalawigan ng Surigao, na isang lalawigan lamang dati, ay nakatayo sa hilagang-silangang bahagi ng isla ng Mindanao at ito ay bahagi ng rehiyon Mindanao na kilala bilang Ika-11 rehiyon. Ang isang pampolitikang subdibisyon noong 1960 na nagbigay sa Surigao del Sur nang mas malaking bahagi.
Ang Surigao ay isa sa mga unang sentro ng pananampalataya noon pang 1622 nang ang mga Augustinian Recollects ay dumating. Una nang nagsaliksik ang manlalayag na si Villalobos sa lugar upang supilin ang mga tagaroon. Ang mga misyonero ay nanuluyan sa Tandag, Bislig, at naglaon ay sa Cantillan, na kilala dati bilang Caraga. Taong 1895 ang mga Benedictines ay dumating at nanatili hanggang 1908. Pagkatapos ang mga Misyonero ng Sacred Heart ay dumating. Taong 1972 karamihan sa parokya sa lugar ay napamahalaan na ng mga pari ng diyosesis.
Ang diyosesis ng Tandag ay may lupain na may lawak na 4,861 kilometro-kwadrado, at may populasyon na 451,287 kung saan 84 bahagdan ay mga Katoliko. Ang patron nito ay si San Nicolas de Tolentino, na ang kapistahan ay ipinagdiriwan tuwing Setyembre 10. Ang diyosesis ay isang supragan ng Arkidiyosesis ng Cagayan de Oro.
Ang diyosesis ng Tandag ay may 19 parokya sa loob ng kanyang hurisdiksiyon, pinamumunuan ng 20 pari sa diyosesis at 3 relihiyosong pari, 4 diyakono at 25 relihiyosong madre. Mayroon itong 3 kolehiyo, 13 mataas na paaralan, 4 elementarya at 1 pre-school.
Mga Namuno
baguhin- Obispo Ireneo A. Amantillo, C.SS.R. (Set 6, 1978 - Okt 18, 2001 nagretiro)
- Obispo Nereo P. Odchimar (Okt 18, 2001 - kasalukuyan)