Diyosesis ng San Jose sa Pilipinas
Ang Diyosesis ng San Jose sa Pilipinas (Lat: Dioecesis Sancti Iosephi in Insulis Philippinis) ay isang diyosesis ng Ritong latin ng Simbahang Katoliko Romano sa Pilipinas. Itinatag ang diyosesis noong 1984 mula sa Diyosesis ng Cabanatuan.
Diyosesis ng San Jose sa Pilipinas Dioecesis Sancti Iosephi in Insulis Philippinis | |
---|---|
Kinaroroonan | |
Nasasakupan | Hilagang bahagi ng Nueva Ecija |
Lalawigang Eklesyastiko | Arkidiyosesis ng Lingayen-Dagupan |
Kabatiran | |
Ritu | Romano |
Itinatag na - Diyosesis | Pebrero 16, 1984 |
Katedral | Katedral ni San Jose |
Kasalukuyang Pamunuan | |
Papa | Benedict XVI |
Obispo | Mylo Hubert Claudio Vergara |
Kalakhang Arsobispo | Socrates Buenaventura Villegas Arsobispo ng Lingayen-Dagupan |
Website | |
www.dioceseofsanjose.net |
Ang Diyosesis ng San Jose sa Pilipinas ay isang supragan na diyosesis ng Arkidiyosesis ng Lingayen-Dagupan.
Kasaysayan
baguhinAng Diyosesis ng San Jose ay matatagpuan sa Hilagang bahagi ng lalawigan ng Nueva Ecija na napagpahayagan ng mga misyonerong Agustino. Matatagpuan ito mga 160 kilometro sa hilaga ng Manila. Napapaligiran ito ng mga bundok ng bulubunduking Sierra Madre sa silangan at ng bulubunduking Caraballo sa hilaga.
Nabuo ang diyosesis noong ika-16 ng Pebrero taong 1984 sa pamamagitan ni Papa Juan Pablo II at naitayo noong ika-14 ng Hulyo, 1984. Ang nasasakupan nito ay mula sa Diyosesis ng Cabanatuan kung saan noong bago pa mahati ay siyang namamahala sa buong lalawigan ng Nueva Ecija. Labing-anim na parokya sa kabuuang 41 ng Diyosesis ng Cabanatuan ang inilipat sa bagong diyosesis. Walungpong bahagdan ng populasyon ang mga Katoliko at ang natitirang dalawampung bahagdan ay nahahati sa iba't ibang sekta at denominasyon.
Naitalaga si lubhang Kgg. Florentino F. Cinense, DD, bilang kauna-unahang residenteng obispo noong 14 Hulyo 1984. Nang maitalaga siya bilang katulong na obispo ng Tarlac nanatili pa rin siya bilang apostolikong tagapamahala ng San Jose hanggang sa pagkakahirang kay lubhang Kgg. Leo M. Drona noong 25 Hulyo 1987. Si Obispo Drona ay naging Salesian ng Don Bosco sa loob ng dalawampu't siyam na taon bago ang kanyang pagkatalagang episkopal. Siya ang kauna-unahang salesian na pari at obispong Pilipino. Noong Hunyo 2004 nailipat si Obispo Drona sa Diyosesis ng San Pablo sa Laguna bilang ikatlong obispo nito. Sinundan siya ni Lubhang Kgg. Mylo Hubert C. Vergara na naging ikatlong obispo ng diyosesis noong Mayo 14, 2005.
Mga Namuno
baguhin- Florentino Ferrer Cinense (24 May 1984 Naitalaga - 17 Ago 1985 Naitalaga, Katulong na Obispo ng Tarlac)
- Leo Murphy Drona, S.D.B. (10 Hun 1987 Naitalaga - 14 May 2004 Naitalaga, Obispo ng San Pablo)
- Mylo Hubert Claudio Vergara (12 Peb 2005 Naitalaga - kasalukuyan)