Diyosesis ng Virac

diyosesis ng Simbahang Katoliko sa Pilipinas

Ang Diyosesis ng Virac (Lat: Dioecesis Viracen(sis)) ay isang diyosesis ng Ritong latin ng Simbahang Katoliko Romano sa Pilipinas. Ito ay nilikha mula sa Diyosesis ng Legazpi at supragan ng Arkidiyosesis ng Caceres.

Diyosesis ng Virac
Dioecesis Viracensis
Kinaroroonan
NasasakupanCatanduanes
Lalawigang EklesyastikoArkidiyosesis ng Caceres
Kabatiran
RituRomano
Itinatag na
- Diyosesis

27 Mayo 1974
KatedralKatedral ng Ina ng Immaculada Concepcion
Kasalukuyang Pamunuan
PapaFrancesco I
ObispoManolo Alarcon de los Santos.
Kalakhang ArsobispoLeonard Zamora Legaspi,OP Arsobispo ng Cáceres

Kasaysayan

baguhin

Ang diyosesis ng Virac, na dating bahagi ng diyosesis ng Legazpi sa lalawigan ng Albay, ay nilikha bilang isang hiwalay na diyosesis noong 27 Mayo 1974. Hanggang sa kasalukuyan ay nanatiling isang supragan ng arkidiyosesis ng Nueva Caceres. Ang relihiyon ay isang nangingibabaw na aspeto sa kultural na buhay ng mga mamamayan ng Catanduanes, ang dahilan ay ang maagang pagkalat ng Kristiyanismo rito.

Ang diyosesis ay sumasaklaw sa sibil na lalawigan ng Catanduanes kung saan ang kabisera nito ay ang Virac, na may lawak na 1511 kilometro-kwadrado at populasyon na 189,000 kung saan 98 bahagdan ay mga Katoliko. Ang patron ng diyosesis ay ang Ina ng Immaculada Concepcion. At is San Jose naman ang pangalawang patron.

Ang Catanduanes ay isang isla sa silangang baybayin ng lalawigan ng Albay sa Rehiyon ng Bicol. Ito ay isang sub-lalawigan ng Albay noong panahon ng Espanyol, at naging isang hiwalay na lalawigan sa pamamagitan ng Batas bilang 687 Komonwelt ng Pilipinas noong 1946, bago mapasinayaan ang Republika ng Pilipinas.

Ang islang lalawigan ay natuklasan noon pa mang 1573 ni Juan Salcedo na dumaong sa Virac at malugod na tinanggap ni Lumibao, ang isa sa mga naninirahang Malay doon na maaaring isang supling ng isang datung Bornean na nanirahan sa isla ng Panay noong ika-13 na siglo. Sa katunayan ang isa sa mas maliit na isla nito ay Panay rin ang pangalan. Sa Topograpiya ang Catanduanes ay isang isla na bulubundukin. Ang pangalan ng lalawigan ay sinasabing nagmula sa puno ng Tando, na ginagamit sa paggawa ng mga bapor noong panahon pananakop ng mga Espanyol. Kaya ang Catandoan ay lupain ng mga Tando. Ngunit sa maramihang anyo nito sa Espanyol, dahil ang pangunahing isla ay mayroong maliit na isla sa paligid, ito ay naging Catanduanes.

Dahil ito ay nadadaanan linya ng bagyo sa bansa malimit itong binabayo ng maraming bagyo. Ito ang dahilan kung bakit mabagal ang pag-unlad ng ekonomiya rito, lalo na nga't ang lalawigan ay agrikultural. Ang bigas at mais ang ilan sa mga nililinang habang ang abaca ipinagbebenta. Ganap na napapaligiran ng Dagat Pilipinas, at ilang ng Karagatang Pasipiko, ang lalawigan ay may mayamang pangisdaan.

Taong 1990 ang diyosesis ng Virac ay naglunsad nang paghahanda para sa kanyang Ebanhelisasyon-2000. Isang programang pang-pormasyon na hahantong sa pagkabuo ng mga maliliit na Basic Ecclesial Communities ang idinisenyo. Ang buong diyosesis ay kasalukuyang ginagabayan patungo sa isang dekadang Ebanhelisasyon-2000.

Ang Planong Pastoral ng Diyosesis ay dinisenyo na may diin sa personal at ang panlipunang aspeto ng ebanhelisasyon, na kasangkot ang karapatang pantao, kapayapaan, katarungan, pag-unlad at pagpapalaya.

Ang mga komisyong nilikha sa diyosesis para sa mga pastoral na trabaho ay ang Komisyon sa Pagsamba, Komisyon sa Edukasyong Kristiyano, at ang Komisyon sa Serbisyo.

Ang diyosesis ay may 17 parokya, 11 sa kanila ay parokya ng bayan at 6 ay parokya ng baryo. Mayroong 48 na mga pari. Mayroon ding 16 relihiyosang madre na nagtatrabaho sa diyosesis.

Kabilang sa mga institusyong Katoliko ay isang katolikong medical center, isang pastoral center, isang sentro ng aksiyong panlipunan, isang catechetical center, isang sentro ng kabataan, 1 bahay-ampunan at 6 na bahay bakasyunan. May isang pre-college seminaryo, ang seminaryo ng Immaculada Concepcion.

Mga Parokya

baguhin
  • Vicariate ng Inang Immaculada Concepcion
    • Virac Cathedral
    • Cabugao
    • Magnesia
    • Palta
  • Vicariate ng San Juan Bautista
    • Bato
    • Holy Cross Shrine
    • Baras
    • Gigmoto
    • San Miguel
  • Vicariate ng San Andrew ang Apostol
    • San Andreas
    • Caramoran
    • Manambrag
    • Pandan
  • Vicariate ng Ina ng Assumption
    • Viga
    • Bagamanoc
    • Panganiban
    • Oco
    • Tambongon

Mga Namuno

baguhin

Mga naging obispo at kasalukuyang obispo ng Diyosesis ng Sorsogon.

  • José C. Sorra (27 Mayo 1974 Naitalaga - 1 Marso 1993 Naitalaga, Obispo ng Legazpi)
  • Manolo Alarcon de los Santos (12 Ago 1994 Naitalaga - kasalukuyan )

Tignan rin

baguhin

Mga sanggunian

baguhin

http://www.cbcponline.net/virac/ Naka-arkibo 2010-06-17 sa Wayback Machine.