Daang Domestiko

(Idinirekta mula sa Domestic Road)

Ang Daang Domestiko (Ingles: Domestic Road), na kilala din bilang Domestic Airport Road na maaring isinalin nang literal sa Tagalog bilang Daan ng Paliparang Panloob, ay isang kilalang daang panlungsod sa Pasay, Kalakhang Maynila, Pilipinas, na nagdudugtong ng Abenida Andrews sa hilaga at Daang NAIA sa timog.[1] Ang haba nito ay 1.2 kilometro (o 0.7 milya), at bumubuo ito sa maikling hilaga-kanlurang hangganan ng Paliparang Pandaigdig ng Ninoy Aquino (o NAIA). Ang pagkakalinya nito ay hilaga-patimog na kalinya sa Bulebar Roxas at sa itinatayong NAIA Expressway (sa ibabaw ng Electrical Road) sa kanluran. Pinangalanan ito sa NAIA Terminal 4 (na kilala din bilang Manila Domestic Airport), na matatagpuan sa nabanggit ng daan.

Daang Domestiko
Domestic Road
Domestic Airport Road
Daang Domestiko malapit sa NAIA Terminal 4.
Impormasyon sa ruta
Haba1.2 km (0.7 mi)
Bahagi ng N193
Pangunahing daanan
Dulo sa hilaga N192 (Abenida Andrews)
Dulo sa timog N194 (Daang NAIA)
Sistema ng mga daan
Mga daanan sa Pilipinas

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Roads and Transport" (PDF). Pasay City Government. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2014-12-22. Nakuha noong 29 Oktubre 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

14°31′19″N 121°0′2″E / 14.52194°N 121.00056°E / 14.52194; 121.00056