Don Quijote (tindahan)
Ang Don Quijote Co., Ltd. (株式会社ドン・キホーテ kabushiki gaisha Don Kihōte), kadalasang tinutukoy bilang Donki (ドンキ), ang pinaikling pangalan nito, ay isang Hapones na pangkat ng mga tindahang padiskuwento. Nag-aalok ang mga tindahang Donki ng mga samu't saring produkto, kabilang dito ang pamilihin, elektronika at kasuotan. Kakaiba ang Don Quijote sa mga ibang patingiang Hapones dahil bukas ito hanggang gabi-gabi (hanggang alas-3 o alas-5 ng umaga, o kahit 24 oras) at iniimpake nito ang mga paninda nito mula sa kisame hanggang sa sahig sa isang natatanging diskarte sa pangangalakal.
Pangalang lokal | 株式会社ドン・キホーテ |
---|---|
Uri | Pampublikong K.K. (TYO: 7532) |
Industriya | Tingian |
Itinatag | Setyembre 5, 1980 |
Nagtatag | Takao Yasuda |
Punong-tanggapan | Meguro, Tokyo, Hapon |
Dami ng lokasyon | 322 tindahan (Abril 2019)[1] |
Pinaglilingkuran | Hapon, Singapura, Tsina (Hong Kong at Makaw), Taylandiya, Taywan, Malasya, at Estados Unidos (California, Hawaii, at Guam) |
Produkto | Damit, pagkain, alahas, gamit sa bahay, kasangkapan, gamit sa isports at elektronika |
Kita | ¥1.94 trilyon (2022)[2] |
Kita sa operasyon | ¥105.26 bilyon (2022)[2] |
¥66.17 bilyon (2022)[2] | |
Kabuuang pag-aari | ¥1.48 trilyon (2022)[2] |
Kabuuang equity | ¥461.54 bilyon (2022)[2] |
Dami ng empleyado | 4,391 (2010) |
Magulang | Pan Pacific International Holdings Corporation[3] |
Subsidiyariyo | Don Quijote America |
Website | donki.com (sa wikang Hapones) |
Pagsapit ng 2021, mayroon itong mahigit 160 na lokasyon sa buong Hapon at tatlo sa Hawaii. Bukod dito, mayroon ding labing-anim sa Singapura, sampu sa Hong Kong, apat sa Malasya, walo sa Taylandiya, lima sa Taywan, dalawa sa Makaw, at isa sa Guam na may tatak na Don Don Donki.[4][5][6][7][8][9]
Kasaysayan
baguhinPinagmulan
baguhinItinatatag ni Takao Yasuda, nagbukas ang unang tindahan ng Don Quijote sa Suginami, Tokyo noong Setyembre 1980 sa ilalim ng orihinal nitong pangalan, Just Co. Orihinal na isang tindahang tingian, mabilis na lumipat ang Just Co. sa pakyawan noong 1982.[4][5][10]
Binuksan ng kompanya ang una nitong tindahan na pinangalanang "Don Quijote" sa Fuchu, Tokyo noong Marso 1989. Kasunod ng pagbabago ng pangalan, binago rin ng tindahan ang pangunahing negosyo nito mula sa pakyawan tungo sa patingian. Noon lamang 1995, makalipas ang anim na taon, na sumunod ang Just Co. at pinalitan din ang pangalan ng korporasyon ng Don Quijote Co., Ltd. Noong Hunyo 1998, nailista ang kompanya sa Pamilihang Sapi ng Tokyo.[5][10]
Noong 2005, binuksan ng idol group na AKB48 ang kanilang teatro sa ikawalong palapag ng Don Quijote sa Akihabara, Tokyo.[11] Sa taong din iyon, nagbukas ang isang ruweda sa harapan ng sangay ng Don Quijote sa Dōtonbori, Osaka.[12]
-
Don Quijote sa Roppongi
-
Don Quijote sa Shinjuku
-
Don Quijote sa Akihabara
Maskot
baguhinAng pangalan ng opisyal na maskot ng Don Quijote ay Donpen (ドンペン). Ipinakilala noong 1998, inilalarawan siya bilang isang penguwinong asul na nakasuot ng sombrerong Santa at may katakanang "do" (ド) sa kanyang tiyan. Sa mga internasyonal na sangay ng Don Don Donki, pinalitan ang "do" ng letrang D. Mayroon ding babaeng katumbas ang kompanya na kilala bilang Donko (ドンコ), na kulay rosas at may puso sa kanyang tiyan.[13]
In December 2022, nagkakontrobersiya ang Don Quijote nang ipahayag nito na papalitan si Donpen ng isang antropomorpikong paglalarawan ng Katakanang karakter na "do" na ipinangalang Dojou-chan.[14] Binaligtad ang desisyon pagkaraan ng ilang araw pagkatapos ng pagbuhos ng suporta para sa maskot sa hatirang pangmadla.[15][16]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "月次売上高速報 (Monthly Sales Report Highlights)". ppi-hd.co.jp (sa wikang Hapones). Pan Pacific International Holdings Corporation. Nakuha noong 25 Mayo 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 2.0 2.1 2.2 2.3 2.4 "Consolidated Financial Highlights - PPIH" [Mga Pinagsama-samang Binigyang-diin sa Pananalapi - PPIH] (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2024-04-24.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Du, Lisa (17 Abril 2019). "The Cult Japanese Retailer Making Billions Breaking All the Rules" [Ang Kultong Hapones na Magtitinging Kumikita ng Bilyun-bilyon sa Paglalabag ng Mga Panuntunan]. Bloomberg.com (sa wikang Ingles). Bloomberg L.P. Nakuha noong 18 Abril 2019.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 4.0 4.1 "Don Quijote founder and his ties to Singapore" [Ang tagapagtatag ni Don Quijote at ang kanyang kaugnayan a Singapura]. AsiaOne (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2017-11-29.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 5.0 5.1 5.2 "(Donki) Corporate History" [Kasaysayan ng Korporasyon (Donki)] (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-03-13. Nakuha noong 2008-03-19.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Ong, Eunis (19 Marso 2021). "Japan's Popular Don Don Donki Has Finally Opened Its First Store In Malaysia At Lot 10, Bukit Bintang!" [Ang Sikat na Don Don Donki ng Japan sa wakas ay Nagbukas na ng Unang Tindahan Sa Malasya Sa Lot 10, Bukit Bintang!] (sa wikang Ingles). Klook. Nakuha noong 21 Marso 2021.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "[STORE INFORMATION] DON DON DONKI THAILAND" [[IMPORMASYON NG TINDAHAN] DON DON DONKI TAYLANDIYA] (sa wikang Ingles).
- ↑ "驚安の殿堂 ドン・キホーテ". 驚安の殿堂 ドン・キホーテ (sa wikang Hapones). Nakuha noong 2024-07-28.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "海外リテール事業|PPIH(旧ドンキホーテHD)". ppih.co.jp (sa wikang Hapones). Nakuha noong 2024-07-28.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 10.0 10.1 "(PPIH) Corporate History" [Kasaysayan ng Korporasyon (PPIH)] (sa wikang Hapones). Inarkibo mula sa orihinal noong 2019-05-25. Nakuha noong 2019-05-25.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Girl idol group about mass exposure, fans". The Japan Times Inc. The Japan Times. Agosto 24, 2010. Inarkibo mula sa orihinal noong Agosto 25, 2010. Nakuha noong Hunyo 29, 2011.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Kavanagh, Una-Minh (2018-01-30). "The famous Osaka Ferris wheel turns again after nine-year hiatus" [Ang sikat na Ruweda sa Osaka, umikot muli pagkatapos ng siyam na taong pahinga]. Lonely Planet (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-01-24.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Official Characters Donpen and Donko" [Mga Opisyal na Karakter na sina Donpen at Donko] (sa wikang Ingles). Don Quijote. Nakuha noong 2024-06-17.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Announcement of Don Quijote's beloved mascot being changed has shoppers in shock" [Natulala ang mga mamimili sa pag-anunsyo na papalitan ang pinakamamahal na maskot ng Don Quijote]. Japan Today (sa wikang Ingles). 2022-12-20. Nakuha noong 2024-06-17.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Chan, Samantha (2022-12-21). "Donki discount store mascot survives axe after Japanese uproar". BBC News (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2024-06-17.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Imada, Kaila (2022-12-19). "Don Quijote almost replaces its iconic penguin mascot" [Muntik nang palitan ng Don Quijote ang ikonikong penguwinong maskot nito]. Time Out Tokyo (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2024-06-17.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)