Halalang lokal sa Marikina, 2022

Ginanap ang mga lokal na halalan sa Marikina noong Mayo 9, 2022, bilang bahagi ng pangkalahatang halalan ng Pilipinas. Ito ay ginanap kasabay ng pambansang halalan, kung saan ang mga botante ay bumoto para maghalal ng isang alkalde, isang bise alkalde, ang labing-anim na konsehal ng Sangguniang Panlungsod, at ang dalawang kinatawan ng lungsod para sa Kapulungan ng mga Kinatawan ng Pilipinas. Ang mga nahalal na opisyal ay iniluklok sa kani-kanilang katungkulan noong Hunyo 30, 2022, kung saan sila ay manunungkulan para sa tatlong taon.[1][2]

Halalang pangalkalde sa Marikina, 2022
← 2019 9 Mayo 2022 (2022-05-09) 2025 →
Turnout87.92% Increase 13.9 pp
 
Candidate Marcelino Teodoro Bayani Fernando
Party UNA NPC
Alliance Team MarCy Team BF
Running mate Marion Andres Ziffred Ancheta
Popular vote 183,878 40,149
Percentage 82.07% 17.92%

Mapa na nagpapakita ng mga resulta ng halalan sa bawat barangay.

Mayor before election

Marcelino Teodoro
UNA

Elected Mayor

Marcelino Teodoro
UNA

Ang mga nanunungkulang alkalde at bise alkalde na sina Marcelino Teodoro at Marion Andres ay muling nahalal sa kani-kanilang mga pwesto; pareho silang nanalo may malawak na agwat sa boto laban sa kanilang mga pinakamalapit na manghahamon.[3] Ang Nagkakaisang Alyansang Makabansa sa ilalim ng Team MarCy ay nanalo ng 14 na puwesto sa Sangguniang Panglungsod; habang ang pangunahing koalisyon ng oposisyon, ang Team BF ay nabigo na manalo ng anumang puwesto. Ang tanging ibang partido nanalo ng puwesto sa lehislatura ay ang Partido Liberal, na nanalo ng dalawang puwesto. [3]

Nahalal sina Marjorie Ann Teodoro at Stella Quimbo bilang mga kinatawan para sa una at ikalawang distrito. Si Teodoro ay inahalal para sa kanyang unang termino habang si Quimbo ay inihalal para sa kanyang pangalawa.[4] Ang pagkahalal ni Teodoro at ang muling pagkahalal ni Quimbo ay ang nagmarka ng unang pagkakataon na ang parehong kinatawan ng Marikina ay babae.

Likurang impormasyon

baguhin

Noong halalan 2019, muling nahalal si Marcelino Teodoro sa pagkaalkalde sa isang karera na walang anumang oposisyon. Ang kanyang kasama sa pagtakbo na si Marion Andres ay nahalal sa kanyang unang termino bilang bise alkalde sa ilalim ni Teodoro matapos talunin ang dalawa pang kandidato.[5][6][7]

Sa pagdaan ng Bagyong Ulysses noong Nobyembre 2020, nalampasan ng Ilog Marikina ang lebel ng tubig na dala ng Bagyong Ondoy noong 2009. Ito ay nagresulta sa pagbaha sa buong lungsod.[8] Dahil sa mga pagbaha at pagkalugi, nagdeklara si Teodoro ng state of calamity sa lungsod. [8]

Sa huling bahagi ng taong iyon, nagsumite si Teodoro ng reklamo sa Department of Environment and Natural Resources laban sa BFCT, isang construction firm na pag-aari ng pamilya ni Bayani Fernando. Sinabi ni Teodoro na ang pagbaha ay dulot ng pagdaan ng Bagyong Ulysses ay resulta ng land reclamation project ng construction firm sa tabi ng Ilog Marikina. Itinanggi ni Fernando ang mga pahayag ni Teodoro, na nagkomento na ang pagbaha ay resulta ng pagpapaliit ng ilog at pagtatayo ng Tulay Manalo. [9] Sa huli ay aaprubahan ng departamento ang kahilingan ni Teodoro na alisin ang na-reclaim na lupa, na resulta sa kanyang pagpapatalsik mula sa Nationalist People's Coalition. [9] Dahil dito, lumipat si Teodoro at ang kanyang mga kaalyado sa United Nationalist Alliance.[10]

Mga koalisyon

baguhin

Dahil ang alkalde, bise alkalde at ang mga konsehal ng Sangguniang Bayan ay inihahalal sa iisang balota, ang mga kandidato sa pagka-alkalde ay maaaring bumuo ng mga koalisyon kasama ang iba pang personalidad na tumatakbo sa pampublikong opisina.

Team MarCy

baguhin

Ang Team MarCy ay ang koalisyon na pinamumunuan ni Marcelino Teodoro, ang nanunungkulang alkalde. Ang koalisyon na ito ay tumakbo noong 2019, kung saan naipanalo nito ang pagka-alkalde, pagka-bise alkalde at siyam na puwesto sa Sangguniang Panlungsod. Ito ay tumakbo muli para sa halalan 2022. Ito ay kaakibat ng Nagkakaisang Alyansang Makabansa.

Mga kandidato

baguhin

Ang kanilang kandidato sa pagkaalkalde ay si Teodoro, habang ang kanyang kasama sa pagtakbo ay si Marion Andres, ang nanunungkulang bise alkalde. Sa karera para sa pakakinatawan ng unang distrito, hinirang nila si Marjorie Ann Teodoro, ang unang ginang ng Marikina. Walang opisyal na kandidato ang koalisyon para sa pagkakinatawan ng ikalawang distrito.

Sina Rommel Acuña, Carl Africa, Jojo Banzon, Bodjie Bernardino, Cloyd Casimiro, Kate De Guzman, Samuel Ferriol, at Manny Sarmiento ang kanilang mga kandidato para sa pagkakonsehal ng unang distrito habang sina Marife Dayao, Levy De Guzman, Donn Carlo Favis, Angelito Nuñez, Larry Punzalan, at Coach Elvis Tolentino ang kanilang mga kandidato sa pagkakonsehal ng ikalawang distrito. Sa mga kandidato ng Team MarCy sa pagkakonsehal, sina Banzon, Dayao, at Punzalan ang hindi nakaupo bilang konsehal sa papalabas na pamahalaan.

Plataporma

baguhin

Nakatuon ang plataporma ni Marcelino Teodoro sa pagbangon ng lungsod mula sa pandemya ng COVD-19 . Hinangad nitong pahusayin ang pampublikong imprastraktura sa pangangalagang pangkalusugan, magkasagawa ng ligtas na pagbabalik sa mga harapang edukasyon, at ipatuloy ang mga programang pangkapakanan na pinagtibay ng kanyang administrasyon. Layon din ni Teodoro na magkaisa ang lungsod sa gitna ng pandemya.[11]

Team BF

baguhin

Ang Team BF ay ang koalisyon na pinamumunuan ni Bayani Fernando, ang kinatawan ng unang distrito at dating alkalde. Ang koalisyong ito ay tinuturing bilang ang pangunahing oposiyon. Kaakibat nito ang Nationalist People's Coalition, Partidong Federal ng Pilipinas, at Partidong Pederal ng Maharlika.

Mga kandidato

baguhin

Ang kanilang kandidato sa pagkaalkalde ay si Fernando, habang ang kanyang kasama sa pagtakbo ay ang kapitan ng Barangay Tumana na si Ziffred Ancheta. Ang unang hinirang ng koalisyon sa pagkakinatawan ng unang distrito ay si Jose Fabian Cadiz, ang dating bise alkalde ng lungsod, ngunit siya ay namatay noong Pebrero 20, 2022 dahil sa atake sa puso. Ang humalili sa kanya ay si Jose Miguel Cadiz, ang kanyang pamangkin. Walang opisyal na kandidato ang koalisyon para sa pagkakinatawan ng ikalawang distrito.

Sina Kevin Abergas, Eva Aguirre-Paz, Leanor Carlos, Willie Chavez, Mario De Leon, Igmidio Ferrer, Celeste Reyes, at Vic Tambuli Sambinano ay ang kanilang mga kandidato para sa pagkakonsehal ng unang distrito, habang sina Edwin Adigue, Ricky Khoo, Ronald Oritz, at George Raymund Quimzon ang kanilang mga kandidato sa pagkakonsehal ng ikalawang distrito.

Plataporma

baguhin

Nangako si Bayani Fernando, ang kalaban ni Teodoro na lulutasin ang mga problema sa pagbaha sa lungsod, pagbutihin ang mga imprastraktura ng lungsod, at ipagpapatuloy ang mga patakarang ipinatupad niya sa kanyang mga nakaraang panunungkulan bilang alkalde at bilang MMDA Chairman. [12] Sa panayam sa OneNewsPH, nagpahayag ng panghihinayang si Fernando sa kanyang pag-endorso kay Teodoro noong halalan 2016; tinawag niya itong isang pagkakamali. [13]

Team Performance

baguhin

Ang Team Performance ay ang koalisyon na pinamumunuan ni Stella Quimbo, ang kinatawan ng ikalawang distrito. Kaakibat ng koalisyong ito ay ang Partido Liberal at sinusuportahan nito ang kampanya ni Leni Robredo sa pagkapangulo. Ito ay nakabase lamang sa ikalawang distrito.

Mga kandidato

baguhin

Ang kanilang kandidato sa pagkakinatawan ay si Quimbo, habang ang kanilang mga kandidato sa pagakonsehal ay sina Kambal Acuña, Randy Leal, Bong Magtubo, Joel Relleve, at Belinda Sto. Domingo. Sa mga kandidato ng Team Performance sa pagkakonsehal, sina Acuña, Magtubo, Relleve ay nakaupo bilang konsehal sa papalabas na pamahalaan.

Team Del

baguhin

Ang Team Del ay ang koalisyon na pinamumunuan ni Del de Guzman, ang ika-11 alkalde ng Marikina. Kaakibat ng koalisyong ito ay ang Aksyon Demokratiko at sinusuportahan nito ang kampanya ni Isko Moreno sa pagkapangulo. Tulad ng Team Performance, ito ay nakabase lamang sa ikalawang distrito.

Mga kandidato

baguhin

Ang kanilang kandidato sa pagkakinatawan ay si de Guzman, habang ang kanilang mga kandidato sa pagakonsehal ay sina Mark Albert Del Rosario, Xyza Diazen-Santos, at Erning Flores.

Kampanya

baguhin

Ang panahon ng kampanya para sa mga lokal na halalan ay nagsimula noong Marso 25, 2022.[14] Sa panahon ng kampanya, ang mga kandidato at ang kanilang mga koalisyon ay nagsagawa ng mga motorcade, rally at mga kampanya sa bahay-bahay.[15][16][17]

Miting de avance

baguhin

Ang "miting de avance" ay ang panghuling rally ng mga kandidato. Ito ay kadalasang ginaganap sa huling araw ng campaign period o dalawang araw bago ang halalan.

Noong Mayo 5, nagsagawa ng grand rally ang Team Performance sa Parang.[18] Kinabukasan, idinaos ng Team Del ang kanilang miting de avance sa Concepcion Uno, bukod sa iba pang mga lokasyon.[19] Sa huling araw ng campaign period, idinaos ng Team MarCy ang kanilang miting de avance sa Santo Nino sa tabi ng Marikina River.

Mga resulta

baguhin

Sa pagkaalkalde

baguhin

Madaling naipagtanggol ni Teodoro ang pagkaalkalde. Siya ay nakalamang kay Fernando sa lahat ng labing-anim na barangay sa loob ng lungsod.

CandidatePartyVotes%
Marcelino TeodoroUnited Nationalist Alliance183,87882.08
Bayani FernandoNationalist People's Coalition40,14917.92
Total224,027100.00
Valid votes224,02797.81
Invalid/blank votes5,0162.19
Total votes229,043100.00
Registered voters/turnout260,74987.84
Source: [20][21]

Sa pagkabise alkalde

baguhin

Tulad ng kanyang kasama sa pagtakbo, naipagtanggol ni Andres ang pagkabise alkalde, pero sa mallit ang agwat sa boto laban sa kanyang pangunahing kalaban na si Ancheta . Siya ay nakalamang kay Ancheta sa lahat ng labing-anim na barangay sa loob ng lungsod, kasama dito ang Tumana kung saan nanungkulan si Ancheta bilang kapitan.

CandidatePartyVotes%
Marion AndresUnited Nationalist Alliance147,86969.94
Ziffred AnchetaPartido Federal ng Pilipinas59,23728.02
Sherwin Dela CruzAksyon Demokratiko2,7861.32
Francis Joseph AcopPartido Pederal ng Maharlika1,5180.72
Total211,410100.00
Valid votes211,41092.30
Invalid/blank votes17,6337.70
Total votes229,043100.00
Registered voters/turnout260,74987.84
Source: [22][23]

Sa pagkakinatawan

baguhin

Unang distrito

baguhin
CandidatePartyVotes%
Marjorie Ann TeodoroUnited Nationalist Alliance68,57273.61
Jose Miguel CadizNationalist People's Coalition24,58426.39
Total93,156100.00
Valid votes93,15693.75
Invalid/blank votes6,2106.25
Total votes99,366100.00
Registered voters/turnout114,29886.94
Source: [24][25]

Ikalawang distrito

baguhin
CandidatePartyVotes%
Stella QuimboLiberal Party103,10882.70
Del de GuzmanAksyon Demokratiko20,67416.58
Mauro ArceKilusang Bagong Lipunan8940.72
Total124,676100.00
Valid votes124,67696.14
Invalid/blank votes5,0013.86
Total votes129,677100.00
Registered voters/turnout146,45188.55

Mga Sanggunian

baguhin
  1. "Republic Act No. 7160 | GOVPH". Official Gazette of the Republic of the Philippines (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2022-02-26. Nakuha noong 2022-02-26.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Official COMELEC Website :: Commission on Elections".
  3. 3.0 3.1 "Re-electionist Marcy Teodoro wins third term as Marikina mayor". Philstar.com. Nakuha noong 2022-07-06.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Fernandez, Daniza (2022-05-10). "Marcy Teodoro reelected as Marikina City mayor". INQUIRER.net (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2022-07-07.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "#PHVote 2019: Local races for MARIKINA CITY". ph.rappler.com (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2022-02-26. Nakuha noong 2022-02-26.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "Halalan 2019 CITY OF MARIKINA". ABS-CBN News.
  7. "City of Marikina - National Capital Region - Second District | City/Municipality Results | Eleksyon 2019". Eleksyon 2019. GMA News.
  8. 8.0 8.1 "Marikina under state of calamity after Typhoon Ulysses". RAPPLER (sa wikang Ingles). 2020-11-13. Nakuha noong 2022-02-26.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. 9.0 9.1 "DENR to Marikina Rep. Fernando: Explain 'encroachment' in Marikina River". CNN Philippines. 2020-12-17. Inarkibo mula sa orihinal noong 2022-02-26. Nakuha noong 2022-09-16.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. Maderazo, Jake J. (2021-10-19). "15 out of 17 NCR mayors/kins will be "sure winners"". INQUIRER.net (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2022-07-27.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. Alcober, Neil. "Teodoro eyes 3rd term vs Bayani" (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2022-05-12. Nakuha noong 2022-07-27.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. "Bayani Fernando promises to solve Marikina's flood problems if elected as mayor" (sa wikang Ingles). 2022-01-24. Nakuha noong 2022-05-06.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. Bayani Fernando talks about his endorsement of Marikina Mayor Marcy Teodoro (sa wikang Ingles), nakuha noong 2022-05-06{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. "HALALAN2022: Marikina local candidates kick off campaigns | ANC". YouTube.
  15. "Team BF begins house-to-house campaign in Marikina". Manila Bulletin (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2022-04-13.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  16. "Mayor Marcy focuses on house-to-house campaign, warns public against fake news". Manila Bulletin (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2022-05-06.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  17. "Team Marcy holds motorcade to woo Marikina voters". Manila Bulletin (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2022-04-13.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  18. SA DARATING NA HALALAN,... - Teacher Stella Quimbo | By Teacher Stella Quimbo | SA DARATING NA HALALAN, PERFORMANCE ANG SUKATAN. Matagumpay na naisagawa ni Teacher Stella at ng Team Performance ang kanilang grand rally sa Parang... (sa wikang Ingles), nakuha noong 2022-07-27{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  19. De Guzman, Del (Mayo 6, 2022). "Pamilyang Marikenyo! Mamaya na po ang Miting De Avance ng Team Del de Guzman. Para po sa mga gustong sumuporta sa isang Tapat at Malinis na pamumuno para sa Distrito Dos ng Marikina. Magkita-kita po tayong lahat at Samahan nyo po kami mamayang alas-tres ng hapon sa Meralco Bayan-bayan Avenue. Maraming Salamat po!. #TeamDELdeguzman". Facebook.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  20. "CITY OF MARIKINA". Halalan 2022. ABS-CBN News.
  21. "CITY OF MARIKINA". Eleksyon 2022. GMA News. Mayo 9, 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  22. "CITY OF MARIKINA". Halalan 2022. ABS-CBN News.
  23. "CITY OF MARIKINA". Eleksyon 2022. GMA News. Mayo 9, 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  24. "CITY OF MARIKINA". Halalan 2022. ABS-CBN News.
  25. "CITY OF MARIKINA". Eleksyon 2022. GMA News. Mayo 9, 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)