Marcelino Teodoro

Si Marcelino Teodoro (ipinanganak 2 Agosto 1970) ay isang politiko sa Pilipinas. Kasalukuyan siyang nanuningkulan bilang alkalde ng Lungsod ng Marikina.

Marcelino Teodoro
Marikina City Mayor Marcelino “Marcy” Teodoro at Pride Parade 2019 (cropped).jpg
Kapanganakan2 Agosto 1970
  • (Kalakhang Maynila, Pilipinas)
MamamayanPilipinas
NagtaposUnibersidad ng Pilipinas
Trabahopolitiko

Panukalang batasBaguhin

Noong 2007, naghain si Teodoro kasama ang kapwang mambabatas na si Narciso Santiago ng isang panukalang batas na nalalayong ipagbawal ang mga motorsiklo sa mga pangunahing lansangan at lansangang bayan (highways) katulad ng EDSA.[1] Ito ang House Bill 3080 na naihain dahil sa mga aksidente sa motorsiklo na nagdudulot ng kamatayan at pagkasugat at tinuturing na isang "pampublikong epidemya sa kalusugan."[1] May mga ilang motorista[2] ang tumutol dito. Nilinaw ni Teodoro na hindi niya pinagbabawal ang mga motorsiklo sa mga kalye.[kailangan ng sanggunian] Bagkus naghain pa siya ng panukalang batas na naglalaan para sa "segregated lane" (bukod na daanan) para sa mga ito.

Mga sanggunianBaguhin

  1. 1.0 1.1 Macon Ramos Araneta. "Motorcycle accidents now an 'epidemic'". Manila Standard Today. Tinago mula orihinal hanggang 29 Disyembre 2007. Kinuha noong 27 Disyembre 2007.
  2. "Motorcycle Bawal daw ang motor sa mainroads?". motorcyclephilippines.com. Kinuha noong 27 Disyembre 2007.



   Ang lathalaing ito na tungkol sa Pilipinas at Politiko ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.