El Consejo de los Dioses
Ang El Consejo de los Dioses (Ingles: The Council of the Gods, Tagalog: Ang Konseho ng mga Diyos) ay isang dula na isinulat sa Wikang Espanyol ng isang Filipinong manunulat na si José Rizal, unang nilimbag noong 1880 sa Maynila ng Liceo Artistico Literario de Manila, at sumunod naman ang La Solidaridad noong 1883.
May-akda | José Rizal |
---|---|
Bansa | Pilipinas |
Wika | Tagalog |
Dyanra | Dula |
Tagapaglathala | Liceo Artistico Literario de Manila |
Petsa ng paglathala | 1880 |
Uri ng midya | Limbag |
Ang El Consejo de los Dioses ay sinulat ni Rizal noong labinsiyam na taóng gulang pa lámang siya, at pinakikilala nitó ang edukasyong humanistiko ng Pilipinas noong mga panahong iyon at ang tugon ni Rizal sa skolastisismo.
Buod
baguhinSi Jupiter, na pinúnò ng mga Diyos na Romano, ay nagpaplanong mamahagi ng tatlong engrandeng regalo (isang ginintuang lira, isang trumpeta, at isang gintong korona na gawa sa laurel) — na nilikha ni Vulcan — sa isang mortal na naging pinakamahusay sa larangan ng panitikan. Minungkahi ng asawa ni Jupiter, na si Juno, si Homer na may-akda ng Illiad. Samatalang minungkahi naman ni Venus, ang diyosa ng kagandahan, si Virgil na may-akda ng Aeneis. Gayundun, minungkahi ni Minerva, na diyosa ng karunungan, si Cervantes na may-akda ng Don Quixote. Dahil sa hindi pagkakasundo, ginusto pa ng mga ibang diyos na lumaban ngunit pinigilan sila ni Jupiter sa pagtawag nitó kay Justice (isang diyosa na wala sa orihinal na mitolohiyang Romano at nilikha lámang ni Rizal para sa alegoryang ito) para timbangin ang mga sirkunstansiya nang walang pagkiling gámit ang kaniyang timbangan. Tinimbang niya ang Illiad at Aeneis at nakitang pantay lámang ang mga ito. Gayundin ang Don Quixote. Dahil dito, nagpasya si Jupiter na ibigay na lámang ang mga regalo sa tatlo. Ang lira kay Virgil, ang trumpeta kay Homer, at ang korona kay Cervantes.
Mga parangal
baguhinAng dula ay nanalo ng unang parangal sa isang 1880-1881 na pampanitikang patimpalak na gumunita sa kamatayan ni Cervantes na tinaguyod ng Liceo Artistico Literario de Mali. “Con el recuerdo del pasado entro en el porvenir” (“Sinasalubong ko ang hinaharap nang may paggunita sa nakaraan"), ang naging epigrap ni Rizal sa parangal.
Salin
baguhinNoong Disyembrer 1900 sinalin ito sa wikang Tagalog. Sinalin ito ni Nick Joaquin sa wikang Ingles.