Isabel I ng Rusya

(Idinirekta mula sa Elizabeth ng Rusya)

Si Elizaveta Petrovna (Ruso: Елизаве́та (Елисаве́т) Петро́вна) (29 Disyembre 1709 [Lumang estilo: 18 Disyembre] - 5 Enero 1762 [Lumang estilo: 25 Disyembre 1761]), na nakikilala rin bilang Yelisavet, Elizabeth, Elizabeth I ng Rusya, o Isabel I ng Rusya, ay isang Emperatris ng Rusya mula 1741 hanggang sa kaniyang kamatayan. Pinamunuan niya ang bansan patungo sa dalawang pangunahing hidwaan sa Europa noong kaniyang kapanahunan: ang Digmaan ng Pagpapalitang Austriyano (1740–8) at ang Digmaan ng Pitong Taon (1756–63). Sa bisperas ng kaniyang kamatayan, ang Rusya ay halos umaabot ng lawak na 4,000,000,000 akre (16,000,000 km2)[kailangan ng sanggunian].

Elizabeth ng Rusya
Kapanganakan29 Disyembre 1709[1]
  • (Nagatinsky Zaton District, Mosku, Rusya)
Kamatayan5 Enero 1762
LibinganPeter and Paul Cathedral
MamamayanImperyong Ruso
Tsarato ng Rusya
Trabahomonarko, politiko
AsawaAlexey Razumovsky (1750–)
Magulang
PamilyaTsarevich Alexei ng Rusya
Pirma

Ang kaniyang mga patakarang domestiko ay nakapagpahintulot sa mga maharlika na magkamit ng pangingibabaw sa pamahalaang lokal habang napapaiksi ang kanilang mga termino o tagal sa panunungkulan sa estado. Hinikayat niya ang paglulunsad ni Mikhail Lomonosov ng Pamantasan ng Moscow at ang pagtatatag ni Ivan Shuvalov ng Akademya ng Sining ng Imperyo sa San Petersburgo. Gumugol din siya ng labis-labis na dami ng salapi para sa mga enggrandeng mga proyektong barok ng kaniyang paboritong arkitekto na si Bartolomeo Rastrelli, partikular na sa Palasyong Peterhof at Tsarskoye Selo. Ang Palasyo ng Taglamig at ang Katedral ng Smolny sa San Petersburgo ay nananatiling mga pangunahing bantayog ng kaniyang pamumuno. Nananatili siya bilang isa sa pinakatanyag na monarkang Ruso dahil sa kaniyang malakas na pagtanggi sa mga patakarang Prusyano at kaniyang abstinensiya mula sa pagsasagawa ng parusang kamatayan sa nag-iisang tao noong panaho ng kaniyang pagka-emperatris.[2]

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Elisabet".
  2. Russian Tsars ni Boris Antonov, p.105.


    Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay, Rusya at Kasaysayan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.