Enrique ng Malacca
Tulungang mapabuti po ito sa pamamagitan ng pagdagdag ng mga pagsipi sa mga sangguniang mapagkakatiwalaan. Tandaan lamang po na maaari pong mapagdudahan at matanggal ang mga hindi beripikadong nilalaman. |
Si Enrique ng Malacca (Kastila: Enrique de Malaca), (Portuges: Henrique de Malaca) ay isang katutubo ng Kapuluang Malay na naging alipin ni Ferdinand Magellan noong ika-16 na dantaon na sumama kay Magellan sa lahat ng kanyang mga paglalakbay kabilang ang paglalakbay na lumibot sa daigdig noong 1519-1521. Siya ang naging tagapagsalin para sa mga Kastila at ayon kay Ginés de Mafra ay pangunahing isinama sa ekspedisyon dahil sa kanyang kakayahan na makapagsalita ng wikang Malay. Maling isinaad ng pilotong taga-Genoa ng ekspedisyon ni Magellan na ang mga Kastila ay walang tagapagsalin nang sila ay dumating sa Cebu dahil si Enrique ay namatay sa Mactan kasama ni Magellan sa Labanan sa Mactan noong 1521. Gayunpaman, si Enrique ay buhay pa noong Mayo 1, 1521 at dumalo sa isang pistang ibinigay ni Raha Humabon sa mga Kastila. Isinulat ni Pigafetta na ang nakaligtas na si João Serrão na nagsusumamo sa mga tripulante upang iligtas siya sa mga katutubong Sebwano ay nagsaad na ang lahat ng mga pumunta sa pista ay nilason maliban kay Enrique. Siya ay pinangalanan ni Antonio Pigafetta na Henrique na kinastilang Enrique sa mga opisyal na dokumentong Kastila. Si Enrique ay isang katutubo ng Sumatra ayon kay Pigafetta. Siya ay binautismuhang Romano Katoliko ng mga bumihag na Portuges. Siya ay nakuhang alipin ni Magellan sa Malacca. Ang kanyang bautismo ay pinatutunayan ng mismong si Magellan sa kanyang kagustuhan kung saan ay isinulat niyang si Enrique ay isang Kristiyano at isang katutubo ng Malacca. Ang pulo sa Pilipians kung saan siya nagsalita at naunawaan ng mga katutubo ang Mazaua na ayon kay Ginés de Mafra ay sa isang pook sa Mindanao. Siya ay naiwan sa Cebu noong Mayo 1, 1521 at wala nang sinabi tungkol kay Enrique sa anumang dokumento.
Enrique ng Malacca | |
---|---|
Ibang pangalan | Henrique, Heinrich |
Trabaho | alipin, tagapagsalin |
Kilala sa | pagsama kay Fernando de Magallanes sa kaniyang mga paglalakbay |