Estadistikang mahahalaga
Ang mga estadistikang mahahalaga o mensurasyon (Ingles: vital statistics, mensuration) ay ang mga sukat ng dibdib (o suso), baiwang, at balakang na karaniwang ginagamit upang tukuyin ang mga katimbangan ng katawan o mga proporsiyong pangkatwan para layunin ng pag-aakma ng mga damit. Kadalasan din itong ginagamit sa mga patalastas na personal o maiikling mga sanaysay hinggil sa sarili (ang profile sa Ingles) na inilalagay sa Internet upang ipahiwatig ang kanilang kaanyuan. Sa sukat ng katawang pantao, ang tatlong mga sukat ay ang palibot o sirkumperensiya ng didbib, baiwang, at balakang (tinatawag sa Ingles bilang bust, waist, and hip measurements at dinadaglat bilang "BWH"; na karaniwang inilalarawan o hinahain bilang tatlong mga sukat: xx-yy-zz na nasa mga pulgada (bagaman maaaring gamitin ang sentimetro). Ang tatlong mga sukat ay karamihang ginagamit sa moda, at para tukuyin lamang ang kababaihan.[1]
Tingnan din
baguhinMga sanggunian
baguhin- ↑ Khamsi, Roxanne (2007-01-10). "The hourglass figure is truly timeless". NewScientist.com news service.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Ang lathalaing ito na tungkol sa Tao at Anatomiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.