Estasyon ng Blumentritt (LRT)

ay isang himpilan sa Manila LRT Yellow Line (LRT-1)

Ang Estasyong Blumentritt ng LRT (Ingles: Blumentritt LRT Station) ay isang estasyon ng Manila LRT (LRT-1). Katulad ng iba pang mga himpilan ng LRT-1, nakaangat sa lupa ang himpilang Blumentritt. Nagsisilbi ang himpilan para sa Sampaloc sa Maynila. Ang mismong estasyon ay matatagpuan malapit sa Daang Blumentritt, kung saan ipinangalan ang himpilan. Ipinangalan naman ang daan kay Ferdinand Blumentritt, punong-guro sa isang paaralan sa Bohemya na isa sa mga pinakamatalik na kaibigan ni Jose Rizal at isa sa mga nagkikiisa sa Kilusang Propaganda.

Blumentritt
Sistema ng Light Rail Transit ng Maynila
Estasyong Blumentritt
Pangkalahatang Impormasyon
LokasyonKanto ng Abenida Rizal at Kalye New Antipolo/Daang Blumentritt
Santa Cruz, Maynila
Pagmamayari ni/ngKagawaran ng Transportasyon (DOTr)
Pangasiwaan ng Light Rail Transit (LRTA)
LinyaLRT Line 1
PlatapormaGilid ng plataporma
Riles2
KoneksiyonMaglipat sa PNR sa pamamagitan ng sidewalk ng Rizal Avenue patungong Blumentritt.
Konstruksiyon
Uri ng estrukturaBiyadukto
Ibang impormasyon
KodigoAS
Kasaysayan
NagbukasMayo 12, 1985
Serbisyo
Huling estasyon   Manila LRT   Susunod na estasyon
patungong Fernando Poe Jr.
Line 1
patungong Dr. Santos
  Out-of-system interchange  
Huling station   PNR   Susunod station
Hangganan
Metro Commuter
patungong Alabang o Calamba
Bicol Express
patungong Legazpi
Isarog Limited
patungong Naga

Nagsisilbi bilang panmpitong estasyon ang estasyong Blumentritt para sa mga treng LRT-1 na patungo sa Dr. Santos at panglabing-siyam estasyon para sa mga treng patungo sa Fernando Poe Jr.. Isa rin ito sa limang estasyon ng LRT na naglilingkod sa distrito ng Santa Cruz, ang iba pa ay Tayuman, Bambang, Doroteo Jose, at Carriedo.

Ito ang ikalawa sa huling himpilan sa Abenida Rizal bago lumipat sa Karugtong ng Abenida Rizal sa himpilang Abad Santos.

Ang estasyon ng Blumentritt ay isa sa limang blast locations kung saan sumabog ang bomba sa loob ng tren ng LRT sa araw ng Rizal Day bombings noong Disyembre 30, 2000 na ikinamatay ng 22 katao at ikinasugat ng marami.

Mga kalapit na palatandaang pook

baguhin

Malapit ang estasyon sa Parokya ng San Roque De Manila, Tiyanggihan ng Blumentritt, at Chinese General Hospital and Medical Center. Katulad ng estasyong Tayuman sa timog, malapit ang himpilan sa lumang Hipodromo ng San Lazaro, na kinaroroonan ngayon ng SM City San Lazaro, Avida Towers, Celadon Residences at Vertex One. Malapit din ang estasyon sa Sementeryo Norte at La Loma ng Lungsod Quezon, na sinasabing "Lechon Capital of the Philippines".

Mga kawing pangpanlalakbay

baguhin

May Pambansang Daangbakal ng Pilipinas na himpilan na malapit sa himpilan, na kilala rin bilang himpilang Blumentritt. May mga dyipni, taksi, at mga bus na dumadaan sa Abenida Rizal na humihinto malapit sa himpilan.

Pagkakaayos ng Estasyon

baguhin
L3 Daanan NLEX Connector
L2
Mga plataporma
Platapormang pagilid, magbubukas ang mga pinto sa kanan
Plataporma A Unang Linya ng LRT patungong Fernando Poe Jr.
Plataporma B Unang Linya ng LRT patungong Dr. Santos
Platapormang pagilid, magbubukas ang mga pinto sa kanan
L2 Lipumpon Mga faregate, bilihan ng tiket, sentro ng estasyon, mga tindahan
L1 Daanan Estasyong Blumentritt ng PNR, San Roque De Manila Parish

14°37′22.05″N 120°58′58.57″E / 14.6227917°N 120.9829361°E / 14.6227917; 120.9829361