Estasyon ng Legazpi

Ang estasyong Legazpi (Legaspi) ay isang estasyon sa Pangunahing Linyang Patimog o South Main Line ("Linyang Patimog" o "Southrail") ng PNR. Ito ay ang dulo ng linyang sangay ng Legazpi-Tabaco. Kasalukuyang ginagamit ang estasyon para sa Bicol Commuter. Naglilingkod ang estasyon sa lungsod ng Legazpi, Albay.

Legazpi
Pambansang Daambakal ng Pilipinas
Pangkalahatang Impormasyon
LokasyonLegazpi, Albay
Pagmamayari ni/ngPambansang Daambakal ng Pilipinas
Linya     Linyang Patimog ng PNR
     Linyang Dibisyon ng Legazpi (1914-1938)
PlatapormaPlatapormang pagilid
Riles1, dagdag ang 1 siding track
Konstruksiyon
Uri ng estrukturaNasa lupa
Akses ng may kapansananOo
Ibang impormasyon
KodigoLEG
Kasaysayan
Nagbukas1914
Muling itinayo2015
Serbisyo
Huling station   PNR   Susunod station
patungong Tagkawayan
Bicol CommuterHangganan
patungong Tutuban
Bicol Express

Kasaysayan

baguhin

Binuksan ang estasyong Legazpi noong Nobyembre 1914 bilang bahagi ng Linyang Dibisyon ng Legazpi mula Tabaco papuntang Iriga. Ang gusali ng estasyon na yari sa mga maliliit na bato ay itinayo noong 1939 pagkaraang nakompleto ang linyang Maynila-Legazpi.

Nang dumating ang mga Hapones sa Pilipinas noong 1941, winasak ang mga riles alinsunod sa utos ng USAFFE na nagpatigil sa mga serbisyo, ngunit ipinanumbalik muli ng Hukbong Imperyal ng Hapon ang mga serbisyo noong Marso 22, 1943. Nahinto muli ang mga serbisyo dahil sa malaking pinsala dulot ng pagpapalaya ng Pilipinas; muling ibinalik ang mga serbisyo noong Disyembre 21, 1948.

Ang kinaroroonan ng daambakal sa paanan ng Bulkang Mayon ay malimit na nagdudulot ng mga pagguho ng lupa at mga baha ng lahar na nagpapatigil ng mga serbisyo, isang beses noong 1976, bumalik ang mga serbisyo noong Pebrero 23, 1986, ngunit nahinto muli mula Pebrero 2, 1993 dahil sa pagputok ng Bulkang Mayon. Muling ibinalik ang mga serbisyo noong Hunyo 21, 1998, subalit nahinto muli nang winasak ng mga baha ang tulay sa Barangay Travesia, Guinobatan noong 2006.

Ang kanang gilid ng plataporma ay itinaas noong 2015 para sa mga serbisyong Bicol Commuter.

Mga dating linya na dumudugtong

baguhin

Isang riles na sangay na ginamit upang i-ugnay ang estasyon sa Pantalan ng Legazpi. Isang patunay rito ay isang imahe ng lugar noong pananakop ng mga Hapones kung saang makikita ang isang palatandaan (sign) ng krosing ng daambakal at matatagpuan sa kabila ng gusali ng estasyon.

Ang linyang Tabaco na dating bahagi ng linyang Dibisyon ng Legazpi ay inabandona noong 1936.

Tingnan din

baguhin

Coordinates needed: you can help!