Estasyon ng Lucena

Ang estasyong Lucena ay isang hindi na ginagamit na estasyon sa Pangunahing Linyang Patimog o South Main Line (na tinatawag ding "Linyang Patimog" o "Southrail") ng Pambansang Daambakal ng Pilipinas (PNR). Matatagpuan ito sa Barangay 10, Lucena, sa katimugang dulo ng kabayanan ng lungsod.

Lucena
Pambansang Daambakal ng Pilipinas
Sa itaas: Karatula ng estasyong Lucena.
Sa ibaba: Ang harapan ng estasyong Lucena
Pangkalahatang Impormasyon
LokasyonBarangay 10, South City Proper
Lucena, Quezon
Koordinato13°55′37.07″N 121°36′47.06″E / 13.9269639°N 121.6130722°E / 13.9269639; 121.6130722
Pagmamayari ni/ngPambansang Daambakal ng Pilipinas
Linya     Linyang Patimog ng PNR
PlatapormaPlataporma pagilid
Riles1, dagdag ang mga 4 na siding
Konstruksiyon
Uri ng estrukturaNasa lupa
Akses ng may kapansananOo
Ibang impormasyon
KodigoLC
Kasaysayan
Nagbukas1913
Nagsara2006
Muling itinayo2015
Serbisyo
Huling station   PNR   Susunod station
  Dating Serbisyo  
patungong Tutuban
Bicol Express
patungong Legazpi
Isarog Limited
patungong Naga
patungong Tutuban
Lucena ExpressHangganan

Ang estasyon ay dating isang pangunahing punto ng paghinto sa Pangunahing Linyang Patimog para sa mga serbisyong intercity ng PNR tulad ng Bicol Express at Mayon Limited hanggang sa pagsara ng linya noong 2006 pagkaraang sinira ng Bagyong Milenyo ang imprastraktura. Malapit ito sa Quezon Provincial Government Center, na tahanan ng pamahalaang panlalawigan ng Quezon, gayundin ang Perez Park at ang Lucena Fire Station. Di-kalayuan mula sa estasyon ay ang Pantalan ng Lucena, ang Paliparan ng Lucena at ang SM City Lucena.

Ang estasyong Lucena ay dati ring tahanan ng isang silungan (depot) ng PNR at ng mga pasilidad pampapanatili.

Kasaysayan

baguhin

Binuksan ang estasyong Lucena noong Pebrero 10, 1913. Pinalaki ang estasyin noong 1938 kasama ang pagtatapos ng Pangunahing Linyang Patimog.

Ito ay ang dulo ng serbisyong Lucena Express noong 1930s.

Tingnan din

baguhin