Estasyon ng Monumento

ay isang estasyon ng Linyang Dilaw ng Manila LRT (LRT-1)
(Idinirekta mula sa Estasyon ng Monumento ng LRT)

Ang Estasyong Monumento ng LRT ay isang estasyon sa Manila LRT (LRT-1). Katulad ng iba pang mga estasyon ng LRT-1, nakaangat sa lupa ang estasyong Monumento. Nagsisilbi ang estasyon sa katimugang Caloocan, at ipinangalan ito sa pinakatanyag na palatandaang pook ng Caloocan—ang Monumento Circle—na kinaroroonan ng Bantayog ni Bonifacio na para kay Andrés Bonifacio. Bilang dating hangganan sa LRT-1, tinatawag itong Monumento Terminal.

Monumento
Sistema ng Light Rail Transit ng Maynila
Estasyong Monumento (Oktubre 2018)
Pangkalahatang Impormasyon
Ibang pangalanYamaha Monumento
Lokasyon706 Karugtong ng Abenida Rizal, Grace Park East, Caloocan 1403
Pagmamayari ni/ngKagawaran ng Transportasyon (DOTr)
Pangasiwaan ng Light Rail Transit (LRTA)
LinyaUnang Linya ng LRT
PlatapormaGilid na plataporma
Riles2, 1 reserba
Konstruksiyon
Akses ng may kapansananOo
Ibang impormasyon
KodigoMO
Kasaysayan
NagbukasMayo 12, 1985
Serbisyo
Huling estasyon   Manila LRT   Susunod na estasyon
patungong Fernando Poe Jr.
Line 1
patungong Dr. Santos

Matatagpuan ang estasyon sa Abenida Rizal sa Grace Park East, Caloocan. Ito ang pangatlong estasyon para sa mga treng patungo sa Dr. Santos at pang-dalawamput-tatlong estasyon para sa mga treng patungo sa Fernando Poe Jr.. Isa rin ito sa tatlong estasyon ng LRT na naglilingkod sa lungsod ng Caloocan, ang mga iba pang estasyon ay Estasyong 5th Avenue at ang ipinapanukalang Estasyong Malvar.

Ang LRTA ay nagdagdag ng isang plataporma sa Monumento para sa mga tren na patungong Balintawak, Roosevelt, at North Avenue.

Sumailalim ang estasyon sa mga pagsasaayos noong Setyembre 2017, at muling pinasinaya noong Pebrero 14, 2018 bilang Estasyon ng Yamaha Monumento, bunga ng pagpasok ng Light Rail Manila Corporation sa isang kasunduan ng karapatan sa pagpapangalan kasama ang Yamaha Motor Philippines.[1]

Mga kalapit na palatandaang pook

baguhin

Maliban sa Monumento Circle, ang estasyong ito ay malapit din sa mga kilalang gusaling pamilihan at sentrong pamilihan tulad ng Victory Central Mall, Araneta Square Mall, Puregold Monumento, at Parco Supermarket. Ilan pa sa mga lugar na malapit dito ay ang Our Lady of Grace Shrine, Pampublikong Aklatan ng Lungsod ng Caloocan, at Malabon Zoo. Ilan sa mga paaralan na matatagpuan sa paligid ng estasyon ay Manila Central University, De La Salle Araneta University, University of the East Caloocan, St. Gabriel Academy, Philippine Cultural College Annex at Caloocan City Science High School.

Mga kawing pampanlalakbay

baguhin

Nagsisilbi ang estasyon bilang terminal at transfer point para sa ilang ruta ng bus at dyipni na naglilingkod sa mga lungsod ng Caloocan, Malabon, Navotas at Valenzuela sa pamamagitan ng Daang Samson at Lansangang MacArthur. May mga sariling bus terminal ang mga panlalawigang kompanya ng bus sa labas ng estasyon tulad ng Victory Liner, Baliwag Transit at RJ Express.

May panukala noon na idudugtong ang Sistema ng Metro Rail Transit ng Maynila (MRT-3) sa Monumento, na magbubunga sa pagiging transfer point ng Estasyong Monumento sa pagitan ng LRT-1 at MRT-3. Subalit hindi itinuloy ang mga panukalang ito sa kagustuhan ng isang karugtong ng LRT-1 patungong North Avenue sa parehong ruta ng nakaraang panukala ng MRT-3.

Pagkakaayos ng Estasyon

baguhin
L2
Mga plataporma
Platapormang pagilid, magbubukas ang mga pinto sa kanan
Plataporma A Unang Linya ng LRT patungong Fernando Poe Jr.
Plataporma B Unang Linya ng LRT patungong Dr. Santos
Platapormang pagilid, magbubukas ang mga pinto sa kanan
L2 Lipumpon Mga faregate, bilihan ng tiket, sentro ng estasyon, mga tindahan, LRT North Mall
L1 Daanan Victory Central Mall, LRT North Mall

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Yamaha Motor bags 3-year naming right for LRT-1 Monumento station". Manila Bulletin. Marso 2, 2018. Inarkibo mula sa orihinal noong Agosto 26, 2018. Nakuha noong Marso 8, 2018.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

14°39′14.74″N 120°59′02.06″E / 14.6540944°N 120.9839056°E / 14.6540944; 120.9839056