Estasyon ng Vito Cruz (PNR)
Ang Vito Cruz ay isang estasyon ng Pangunahing Linyang Patimog o South Main Line (na tinatawag ding "Linyang Patimog" o "Southrail") ng Pambansang Daambakal ng Pilipinas. Tulad ng lahat ng mga estasyon ng PNR, ang estasyon na ito ay nasa lupa (at grade). Matatagpuan ang estasyon sa kanto ng Karugtong ng Kalye Pablo Ocampo (dating Karugtong ng Vito Cruz) at South Luzon Expressway sa San Andres, Maynila, malapit sa hangganan ng lungsod at Makati.
Vito Cruz | |||||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Pambansang Daambakal ng Pilipinas | |||||||||||
Pangkalahatang Impormasyon | |||||||||||
Lokasyon | South Luzon Expressway pgt. Karugtong ng Pablo Ocampo Street San Andres, Maynila | ||||||||||
Koordinato | 14°34′1.56″N 121°0′10.14″E / 14.5671000°N 121.0028167°E | ||||||||||
Pagmamayari ni/ng | Pambansang Daambakal ng Pilipinas | ||||||||||
Linya | █ Linyang Patimog | ||||||||||
Plataporma | Mga platapormang pagilid | ||||||||||
Riles | 2 | ||||||||||
Konstruksiyon | |||||||||||
Uri ng estruktura | Nasa lupa | ||||||||||
Akses ng may kapansanan | Oo | ||||||||||
Ibang impormasyon | |||||||||||
Kodigo | VTC | ||||||||||
Kasaysayan | |||||||||||
Nagbukas | 1975 | ||||||||||
Muling itinayo | 1990, 2009 | ||||||||||
Serbisyo | |||||||||||
|
Ang Vito Cruz ay ang ikawalong estasyon patimog mula sa Tutuban at ang huling estasyon na pisikal na matatagpuan sa loob ng Maynila.
Kasaysayan
baguhinKasama ang Buendia, ang Vito Cruz ay binuksan noong Nobyembre 24, 1975 bilang bahagi ng ikawalumpu't-tatlong Anibersaryo ng Pambansang Daambakal ng Pilipinas.
Mga kalapit na pook-palatandaan
baguhinMalapit ang estasyon sa mga institusyong pangedukasyon tulad ng pangunahing kampus ng Pamantasang Arellano, Pamantasang De La Salle Maynila, De La Salle–College of Saint Benilde at Dalubhasaan ng Santa Escolastica. Di-kalayuan mula sa estasyon ay ang Sementeryong Timog ng Maynila at ang dating Santa Ana race track na ngayon ay kinalalagyan ng inuusbong na Circuit Makati.
Mga kawing pantransportasyon
baguhinMapupuntahan ang estasyong Vito Cruz gamit ang mga dyipning dumadaan sa ruta ng Kalye Zobel Roxas, gayundin ang mga bus sa South Luzon Expressway. Matatagpuan sa tapat ng estasyon sa Kalye Zobek Roxas ang isang himpilan para sa mga traysikel ng Barangay San Antonio, habang ipinabababa rin ng mga sasakyang de-padyak na nakabase sa Barangay Palanan at Maynila ang kanilang mga mananakay sa estasyon.
Pagkakaayos ng Estasyon
baguhinL1 Mga plataporma |
Platapormang pagilid, magbubukas ang mga pinto sa kanan | |
Plataporma A | PNR Metro Commuter patungong Tutuban (←) | |
Plataporma B | PNR Metro Commuter patungong Alabang (→) | |
Platapormang pagilid, magbubukas ang mga pinto sa kanan | ||
L1 | Lipumpon/ Daanan |
Takilya, sentro ng estasyon, mga tindahan, Pamantasang Arellano, Pamantasang De La Salle Maynila, De La Salle-College of Saint Benilde, Dalubhasaan ng Santa Escolastica |