Estasyon ng Betty Go-Belmonte

ay isang estasyon sa Manila Line 2 (MRT-2)
(Idinirekta mula sa Estasyong Betty Go-Belmonte)

Ang Estasyon ng Betty Go-Belmonte o Himpilang Betty Go-Belmonte , na dating tinatawag na Estasyon ng Boston noong ito ay nasa plano pa lamang, ay isang estasyon sa Linyang Bughaw (MRT-2). Ang himpilang Betty Go-Belmonte ay isa sa maraming mga himpilang nakaakyat sa lupa. Ito ay matatagpuan sa New Manila sa Lungsod ng Quezon. Ipinangalan ang himpilan sa asawa ng dating alkalde at Ispiker ng Kapulungan ng mga Kinatawan ng Pilipinas na si Feliciano Belmonte Jr. at isa sa tagapagtatag ng The Philippine Star na si Betty Go-Belmonte.

Betty Go-Belmonte
Manila MRT Line 2
Estasyon ng Betty Go-Belmonte
Pangkalahatang Impormasyon
LokasyonBulebar Aurora pgt. Ekt. Betty Go-Belmonte, Brgy. Mariana & Kaunlaran, New Manila, Lungsod ng Quezon
Koordinato14°37′06.86″N 121°02′33.83″E / 14.6185722°N 121.0427306°E / 14.6185722; 121.0427306
Pagmamayari ni/ngKagawaran ng Transportasyon at Komunikasyon
Pinapatakbo ni/ngSistema ng Magaan na Riles Panlulan ng Maynila
LinyaMRT-2
PlatapormaGilid ng batalan
Riles2
Konstruksiyon
Uri ng estrukturaTulay (Overpass)
Akses ng may kapansananMayroon
Ibang impormasyon
KodigoBG
Kasaysayan
NagbukasAbril 5, 2004

Nagsisilbi bilang pampitong himpilan ang himpilang Betty Go-Belmonte para sa mga treng MRT-2 na patungo sa Santolan at bilang panlimang himpilan para sa mga treng patungo sa Recto. Malapit ang himpilan sa Holy Buddhist Temple. Dinudugtong nito ang Kalye Boston.

Mga kawing pangpanlalakbay

baguhin

May mga sasakyang de-padyak, dyip, taksi, at mga bus na nagaabang ng mga pasahero sa labas ng estasyon.

Balangkas ng estasyon

baguhin
L3
Batalan
Gilid ng batalan, nagbubukas ang mga pintuan sa kanan
Batalan A Ika-2 Linya papuntang Santolan
Batalan B Ika-2 Linya papuntang Recto
Gilid ng batalan, nagbubukas ang mga pintuan sa kanan
L2 Lipumpon Faregate, Bilihan ng Tiket, Sentro ng Estasyon, Tindahan
L1 Daanan Kalayaan Colleges

Mga kawing panlabas

baguhin