Estasyon ng San Pedro
Ang estasyong San Pedro ay isang estasyong daambakal sa Pangunahing Linyang Patimog o South Main Line (na tinatawag ding Linyang Patimog o Southrail) ng Pambansang Daambakal ng Pilipinas. Tulad ng lahat ng mga estasyon ng PNR, nasa lupa (at grade) ang estasyon. Matatagpuan ito sa lungsod ng San Pedro, Laguna, sa loob ng kabayanan nito.
San Pedro | |||||||||||||||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Pambansang Daambakal ng Pilipinas | |||||||||||||||||||||
Pangkalahatang Impormasyon | |||||||||||||||||||||
Pagmamayari ni/ng | Pambansang Daambakal ng Pilipinas | ||||||||||||||||||||
Linya | Linyang Patimog Linyang Carmona (inabandona) | ||||||||||||||||||||
Plataporma | Mga platapormang pagilid | ||||||||||||||||||||
Riles | 1 | ||||||||||||||||||||
Konstruksiyon | |||||||||||||||||||||
Uri ng estruktura | Nasa lupa | ||||||||||||||||||||
Ibang impormasyon | |||||||||||||||||||||
Kodigo | SPL | ||||||||||||||||||||
Kasaysayan | |||||||||||||||||||||
Nagbukas | 1 Agosto 1908 | ||||||||||||||||||||
Muling itinayo | 2015 | ||||||||||||||||||||
Dating pangalan | San Pedro Tunasan | ||||||||||||||||||||
Serbisyo | |||||||||||||||||||||
|
Sa kasalukuyan, may dalawang mga estasyon. Ang lumang estasyon na ginagamit ngayon bilang mga tirahan ng PNR ay dating estasyon kung saang maaaring sumakay ang mga pasahero ng mga treng patungo sa Kabikulan, patungo sa dating dulo ng Metro Manila Commuter sa mga estasyon ng Biñan at Calamba, at patungo sa dating linyang sangay papuntang Carmona. Dating may tatlong mga riles ang estasyon, ang isa ay ang pangunahing linya patimog, ang gitna ay ang tabing-riles (sidetrack), habang ang mga riles na malapit sa plataporma ay ang Linyang Carmona. Mula 2012-2013 ang mga riles ng ngayo'y abandonadong Linyang Sangay ng Carmona ay nilansag kasama ang mga tabing-riles ng estasyong San Pedro. Itinayo ang isang bagong estasyon sa isang kalapit na lokasyon malapit sa Daang San Vicente at binuksan ito noong Disyembre 2013. Kasalukuyang may anim na mga paglalakbay sa estasyong San Pedro, dalawang pahilagang lakbay papuntang Tutuban at isang patimog na lakbay papuntang Santa Rosa, isang patimog na lakbay papuntang Santa Rosa sa hapon, isang pahilagang lakbay papuntang Tutuban at isang huling lakbay sa araw papuntang Santa Rosa sa unang bahagi ng gabi.
Kasaysayan
baguhinAng estasyong San Pedro na dating kilala bilang estasyong San Pedro Tunasan ay binuksan noong 1 Agosto 1908 bilang bahagi ng karugtong ng Pangunahing Linyang Patimog mula Muntinlupa papuntang Calamba. Huling ikinumpuni ang unang estasyon noong 1972 para sa paglunsad ng mga Serbisyong Komyuter ng Kalakhang Maynila na pinangunahan ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.
Isang bagong estasyon na may kasamang mga nakaangat na mga plataporma na matatagpuan sa kanluran ng lumang estasyon ay binuksan noong 23 Disyembre 2013 para sa pagbubukas ng mga serbisyong pangmananakay patungong Santa Rosa. Muling binuksan ang estasyon noong 5 Oktubre 2016.
Pagkakaayos ng Estasyon
baguhinL1 Mga plataporma |
Platapormang pagilid, magbubukas ang mga pinto sa kaliwa | |
Plataporma | PNR Metro Commuter patungong Tutuban (←) | |
Plataporma | PNR Metro Commuter patungong Mamatid (→) | |
L1 | Lipumpon/ Daanan |
Takilya, sentro ng estasyon, mga tindahan |
Tingnan din
baguhinCoordinates needed: you can help!