Estimulasyong seksuwal

(Idinirekta mula sa Estimulasyong pangseks)

Ang estimulasyong seksuwal o estimulasyong pampagtatalik (Ingles: sexual stimulation) ay ang anumang estimulo na na humahantong sa pagkaantig na seksuwal. Kaya't ang estimulasyong seksuwal sa diwang ito ay matatawag ding pang-aantig na pampagtatalik, panggigising ng damdamin na pampagtatalik, o pang-aantig na seksuwal. Bukod sa pagiging seksuwal na pamumukaw o pagpapagalaw ng damdaming seksuwal, ito rin ang nagpapataas o nagpapasidhi at nagpapanatili ng kaantigang seksuwal na nabanggit. Kabilang dito, subalit hindi limitado rito, ang pagdirikit ng katawan at ng mga bahagi nito. Ang estimulasyong seksuwal ay maaaring sumapit sa ehakulasyon at/o sa sukdulan o orgasmo. Bagaman ang seksuwal na pagkagising o pagkaantig ay maaaring maganap na walang estimulasyon, ang pagkakamit ng orgasmo o pagrating sa sukdulan ay karaniwang nangangailangan ng estimulasyong seksuwal.

Paliwanag

baguhin

Ang katagang ito ay kadalasang nagpapahiwatig ng estimulasyon (paggalaw o paghipo) sa mga organong pampagtatalik, subalit maaari ring kasamahan ng iba pang mga lugar ng katawan, estimulasyon ng mga pandama (katulad ng paningin o pandinig), at ng estimulasyon pang-isipan o mental (katulad ng pagbabasa o pagpapantasya). Ang sapat na estimulasyon ng titi sa mga lalaki at ng tinggil sa mga babae ay karaniwang nagreresulta sa orgasmo.[1][2] Ang estimulasyon ay maaaring isagawa sa pamamagitan ng sarili lamang (katulad ng masturbasyon), sa pamamagitan ng katalik (katulad ng sa interkursong seksuwal, pagtatalik na pambibig, masturbasyong sabayan, atbp.), sa pamamagitan ng mga bagay o kasangkapan, o sa pamamagitan ng ilang kumbinasyon ng mga kaparaanang ito.[3] Ang ilang mga tao ay nagsasagawa ng pagtaban sa orgasmo (pagkontrol sa orgasmo), kung saan ang isang tao o ang kanilang katambal sa pagtatalik ay tinatabanan o kinukontrol ang antas ng estimulasyong seksuwal upang antalahin o patagalin ang oras bago makamit o marating ang orgasmo, at upang mapatagal ang karanasang pampagtatalik na sasapit sa sukdulan.

Pisikal na estimulasyong seksuwal

baguhin

Ang pangkatawan o pisikal na estimulasyong seksuwal ay karaniwang kinasasangkutan ng paghipo sa mga bahagi ng katawan ng tao, natatangi na ng mga sonang erohenosa. Ang pagsasalsal o masturbasyon, pagtatalik, pagtatalik na pambibig, at ang pagtatalik na pangkamay ay itinuturing na mga uri ng estimulasyong pampagtatalik. Ang mga tugon o reaksiyong pisyolohikal ay karaniwang napasisimulan o naaantig sa pamamagitan ng maseselan o sensitibong mga nerb na nasa loob ng mga bahaging ito ng katawan, na nagdurulot ng paglabas ng mga kimikal na nakapagsasanhi ng damdamin ng kasarapan na gumaganap bilang mga gantimpalang pang-isipan upang ipagpatuloy, hanapin pa, at dagdagan ang ganyang estimulasyon o pag-antig. Ang pagkaantig o pagkapukaw ay ang pangkaraniwang kataga na ginagamit upang ilarawan ang ganyang katugunang pampisyolohiya. Ang pisikal o pangkatawang estimulasyong seksuwal ay maaari ring kasangkutan ng paghipo sa mga bahagi ng mga katawan ng ibang mga tao at maaaaring makapagpasimula ng mga reaksiyong pisyolohikal.

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Orgasm". Health.discovery.com. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2010-04-24. Nakuha noong 2010-04-21.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "What Every Woman Needs to Know About Sexual Satisfaction - Marriage". Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2008-11-23. Nakuha noong 2012-01-18.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Batay sa "masturbasyon" na nasa Merriam-Webster's Collegiate Dictionary, Eleventh Edition, Merriam-Webster, Inc., 2003