Pampasabog

(Idinirekta mula sa Explosive)

Ang pampasabog (tinatawag din na bomba, paputok, dinamita o eksplosibo[1]) ay mga kimikal na kumpuwestong nakapagdudulot ng pagsambulat o pagsabog. Sumisindi ang mga ito at nasusunog na may malakas na putok. Kabilang sa mga katangian ng mga ito ang pagiging hindi matatag na materyal, napakamabilis na nagbabago ng anyo, at bumubugso itong gumagawa ng malakas na tunog habang nagbabago ng anyo. May dalawang uri ng mga pampasabog: ang mga mababang pampasabog at mga mataas na pampasabog. Nakabatay ang klasipikasyong ito sa bilang ng kanilang pagputok o eksplosyon. Nasusunog na mabilis ang mabababang mga pampasabog, habang sumasambulat naman nang pabugso-bugso ang matataas na mga eksplosibo.

Maari ang enerhiyang potensyal na nakaimbak sa isang materyal na pampasabog na maging sa sumusunod na halimbawa:

  • enerhiyang kimikal, tulad ng nitrogliserina o butil ng alikabok
  • naka-presyon na gas, tulad ng silindrong gas, latang erosol, o BLEVE
  • enerhiyang nukleyar, tulad ng sa isotopong pisible na uraniyo-235 at plutoniyo-239

Kasaysayan

baguhin
 
Ang Great Western Powder Company ng Toledo, Ohio, isang tagagawa ng pampasabog noong 1905

Mayroon nang mga sandatang termal, tulad ng apoy na Griyego, noon pang sinaunang panahon. Sa ugat nito, kakabit ng kasaysayan ng kimikal na pampasabog ang kasaysayan ng pulbura.[2][3] Noong panahon ng dinastiyang Tang noong ika-9 na dantaon, masidhi ang pagnanasa ng mg alkimikong Tsinong Taoista na subukang hanapin ang eliksir sa imortalidad.[4] Sa proseso ng kanilang paghahanap, natuklasan nila ang imbensyong pampasabog ng itim na pulbos na gawa sa uling, salpetra, at asupre noong 1044. Pulbura ang unang anyo ng mga pampasabog pangkimika at pagdating ng 1161, gumagamit na ang mga Tsino ng mga pampasabog sa unang pagkakataon sa digmaan.[5][6][7] Sinama ng mga Tsino ang mga pampasabog na pinapasabog mula sa tubong kawayan o tanso na kilala bilang mga paputok sa kawayan. Pinapasok din ng mga Tsino ang buhay na daga sa loob ng kawayang may paputok; kapag pinapaputok nila tungo sa kalaban, nagkaroon ng pangsikolohiyang kanilabasan ang mga umaapoy na daga—na tinatakot ang mga sundalong kalaban at nagdudulot na maghuramentado ang mga yunit ng kabaleriya.[8]

Ang unang nagagamit na pampasabog na mas malakas a pulburang itim ay ang nitrogliserina, na ginawa noong 1847. Yayamang isa likido ang nitrogliserina at mataas ang hindi pagiging matatag, pinalitan ito ng nitro de selulosa, trinitrotoluweno (TNT) noong 1863, pulburang walang usok, dinamita noong 1867 at gelignita (ang dalawang huli ay mga sopistikadong pinatatag na mga preparasyon ng nitrogliserina sa halip na alternatibong kimikal, na parehong inimbento ni Alfred Nobel). Nakita sa Unang Digmaang Pandaigdig ang adopsyon ng TNT sa mga punlong artilerya. Nakita sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig ang ekstensibong paggamit ng bagong pampasabog.

Pag-uuri

baguhin

Ayon sa anyong pisikal

baguhin

Kadalasang nakikilala ang mga pampasabog sa anyong pisikal nito kung saan ito gawa o ginagamit. Kinakategorya ang mga anyong gamit na ito bilang:[9]

  • Pagpipindot
  • Paghahagis
  • Nakakabit sa plastik o polimero
  • Pampasabog na plastik, kilala din bilang putty o masilya
  • Nakagoma
  • Napapalabas
  • Binaryo
  • Ahenteng nagpapasabog
  • Lodo o magulaman
  • Dinamita

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. Gaboy, Luciano L. Explosive - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
  2. Sastri, M.N. (2004). Weapons of Mass Destruction (sa wikang Ingles). APH Publishing Corporation. p. 1. ISBN 978-81-7648-742-9.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Singh, Kirpal (2010). Chemistry in Daily Life (sa wikang Ingles). Prentice-Hall. p. 68. ISBN 978-81-203-4617-8.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Sigurðsson, Albert (17 Enero 2017). "China's explosive history of gunpowder and fireworks". GBTimes (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 1 Disyembre 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Pomeranz, Ken; Wong, Bin. "China and Europe, 1500–2000 and Beyond: What is Modern?" (PDF) (sa wikang Ingles). Columbia University Press. Inarkibo (PDF) mula sa orihinal noong 13 Disyembre 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Kerr, Gordon (2013). A Short History of China (sa wikang Ingles). No Exit Press. ISBN 978-1-84243-968-5.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Takacs, Sarolta Anna; Cline, Eric H. (2008). The Ancient World (sa wikang Ingles). Routledge. p. 544.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Back, Fiona (2011). Australian History Series: The ancient world (sa wikang Ingles). Ready-Ed Publications. p. 55. ISBN 978-1-86397-826-2.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. Cooper, Paul W. (1996). "Chapter 4: Use forms of explosives". Explosives Engineering (sa wikang Ingles). Wiley-VCH. pp. 51–66. ISBN 978-0-471-18636-6.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)