Extracorporeal Shockwave Lithotripsy

Ang Extracorporeal shock wave lithotripsy (ESWL) ay isang non-invasive na pamamaraan ng pagbibigay lunas sa sakit sa bato o sa teknikal na katawagan ay urinary calculosis at maging lunas para sa biliary calculi (bato na makikita sa gallbladder o kaya ay sa atay ng isang tao) gamit ang tinatawag na acoustic pulse.[1]

Extracorporeal shock wave lithotripsy
Paglulunas
Makikita sa larawang ito ang isang sentimetrong bato na gawa mula sa calcium oxalate na hinagupit matapos ang lithotripsy.
ICD-9-CM98.5
MeSHD008096

Sa Estados Unidos, tinatayang isang milyong pasyente na may sakit sa bato ang nilulunasan gamit ang ESWL bawat taon.

Kasaysayan

baguhin

Ang Dornier HM3, na orihinal na dinisenyo upang subukan ang mga piyesa ng isang supersonic aircraft, ay ang kauna-unahang shockwave lithotriptor na ipinakilala sa Estados Unidos. Ito ay itinuturing na isa sa mga pinakamabisang lithotriptors at kalaunan ay naging pamantayan sa pagkukumpara ng mga papausbong na teknolohiya sa naturang bansa. Ang disenyo ng HM3 ay ibinatay sa isang electrohydraulic shockwave generator. Ang shockwave ay itinututok mula sa isang hugis-pabilog (ellipsoid) na bakal na nilagyan ng kaunting tubig kung saan kapwa inilulublob ang pasyente at ang generator, na siyang mangangasiwa sa pagdaloy ng kuryente sa oras na magsimula ang proseso. Ginagamit din ang tinatawag na Biplanar fluoroscopy upang mapag-ibayo ang mas mabisang pag-pokus ng shockwave. Bukod sa nabanggit, ito rin ay mainam upang maayos na mailugar ang bato na dudurugin alinsunod sa direksiyon na tutumbukin ng shockwave na ipalalabas mula sa makina.

Ang ikalawang henerasyon ng mga lithotriptor ay tipikal na gumagamit ng piezoelectric o electromagnetic generators bilang pangunahing pagmumulan ng enerhiya. Karaniwang ipina-pares ang generator sa aparato na tututok sa ruta ng shockwave; ang mga generator na ito ay karaniwang nagtataglay ng mas maliit na pokus. Sa kalagitnaan ng proseso, habang nagkakaroon ng ekskursyon, ang bato ay maaaring gumalaw papasok at palabas ng pokus. Ito ay maaaaring makaapekto sa estado ng proseso. Ang aparatong ipinangtutugma sa ikalawang henerasyon ng lithotriptor ay isang water cushion na nakasilid sa Silicone upang pansamantalang maikubli ang pasyente. Ang disenyong ito ay mainam rin, di tulad ng naunang henerasyon ng makina, sapagkat ito ay nakapagbibigay daan upang higit na mapadali ang posisyon kung saan dapat pumuwesto ang pasyenteng ginagamot.

Samantala, ang pinakabagong henerasyon ng lithotriptor ay dinisenyo upang mapag-ibayo ang abilidad nito upang dalhin at maging ang abilidad nito upang higit na masanay ang sinumang gagamit at sasailalim dito. Ang mga sistemang ito ay karaniwang nagbibigay ng mga imahe (gamit upang makita ang pagbabago sa kondisyon ng isang pasyente) kalakip ang mga sistemang fluoroscopic at ultrasonographic. Ang kakayahan ng makabagong makinang ito upang salitan na makapagtala ng imahe ay malaking tulong rin para sa mga doktor (yurolohista) upang matanto ang anumang pagkakaiba o kamalian sa sistema man ng pagkalap ng imahe o mismong sa makina kung saan nagmumula ang bugso ng shockwaves.

Karamihan sa mga kasalukuyang lithotriptor ay pinapagana ng isang electromagnetic generator. Ang mga generator na ito at ang mga yunit na tumutulong sa pagpopokus ay mayroong kakayahan na makapagdala ng mga shockwave na nahahawig sa lakas na inilalabas ng HM3, ngunit sa mas maliit na pokus dahil gaya ng nabanggit, ito ay upang maiwasan ang malawakang pagkasira sa tisyu ng pasyenteng sumasailalim sa medikasyong ito. Gayunpaman, dahil sa mas maliit na pokus, ang respirasyon ay maaaring magdulot ng pagkawalay ng bato mula sa pinatatamaang lokasyon. Ang ganitong serye ay maaaaring magresulta sa pagkadiskaril ng proseso na kalaunan ay hahantong sa mas malubhang kondisyon. Bagamat maaaring magamit ang mga alternatibong pamamaraan tulad ng lokalisasyon (pagtutok ng shockwave sa isang partikular na direksiyon upang maiwasang madamay ang mga kalapit na bahagi ng lokasyon) at pagmamanipula sa anesthesia, ang mga shockwave na inilalapat, habang ang mga bato ay tumutungo palabas sa lugar na pinatatamaan, ay hindi nagdudulot ng pagkasira ng bato (bagay na tumutuon sa obhektibo ng proseso).

Sa kabalitunaan ng mga nakalipas na pagsubok sa makina, maaaring maipahiwatig bilang kongklusyon na ang ikalawa hanggang sa ikatlong henerasyon ng mga makinang ito ay may kalakip na mataas na bahagdan ng pagkabigo, di lubos na pagtatapos sa lunas, at ang agarang pangangailangan upang muling sumabak sa proseso ang pasyente.[2]

Prosesong Medikal

baguhin

Ang prosesong ito ay gumagamit ng isang makina na kung tawagin ay lithotriptor kung saan ito ay naglalayong sirain ang bato nang mag-iiwan lamang ng kakaunting pinsala sa pamamagitan ng acoustic pulse na naka-pokus, may mataas na antas ng puwersa, at inilalapat mula sa labas (dahilan upang tawagin ang prosesong ito bilang extracorporeal). Ang pasyenteng tulog o di kaya ay nalapatan ng anesthesia ay pinahihiga sa isang aparato na suportado sa gawing likuran ng isang kargamentong naglalaman ng kaunting tubig. Ang nasabing kagamitan ay inilalapat sa lugar kung saan nakapuwesto ang bato (kidney) ng pasyente.

Ginagamit ang fluoroscopic na sistema ng x-ray, o kaya minsan ay ultrasound upang matagpuan ang kidney at maitutok ng maayos ang makina kung saan magmumula ang bugso ng shockwaves. Ang unang henerasyon ng lithotriptor, na kilala sa tawag na HM3, ay mayroong sipi na hugis-ellipsoid na binubuksan patungo sa pasyente. Ang acoustic pulse ay nanggagaling mula sa pokus ng ellipsoid na pinakamalayo mula sa pasyente at ang bato na nakapuwesto sa kabilang pokus ay siyang tumatanggap ng shock wave na inilalabas ng makina. Ang prosesong ito ay kadalasan nagsisimula sa pinakamababang antas ng puwersa na mayroong pagitan sa mga pulso upang mai-ayos at maihanda ang pasyente sa kanyang mararamdaman sa mga susunod na minuto. Ang agwat sa pagitan ng mga pulso ay pinangangasiwaan upang hayaang maglaho ang mga tinatawag na cavitation bubbles, mainam upang maiwasan o mabawasan ang pagkasira ng tisyu ng pasyenteng ginagamot.

Ang mga nakaraang henerasyon ng makina ay gumagamit naman ng tinatawag na acoustic lens upang maitutok ang shock wave. Ito ay kahalintulad ng kasalukuyang ginagamit na optical lens, na siya ring ginagamit sa proseso upang mai-pokus ang shock wave na ipalalabas mula sa lithotripter, kalakip ang kinakailangang lakas o puwersa nito. Mula dito, ang dalas ng mga pulso ay bahagyang hahayaan mula sa mabagal na puwersa upang mapag-ibayo ang mas mabisang pagwasak sa bato at upang maiwasan din ang pananakit habang unti-unting itinataas ang kuryenteng papasok sa makina. Ang huling antas ng kuryente ay kadalasang nakabatay sa kakayahan ng pasyenteng damhin ang sakit na posible nitong indahin, maging sa nakikitang tagumpay ng prosesong isinasagawa. Kung ang bato ay naka-puwesto malapit sa buto (na kadalasan ay sa tadyang, sa kaso ng bato sa kidney), ang yugtong ito ay maaaring hindi maging maginhawa sapagkat ang pagbayo ng shockwaves ay maaaring magdulot ng bahagyang resonance sa buto na maaaring maramdaman ng pasyente. Ang pakiramdam na naidudulot ng proseso ay maihahalintulad sa isang goma na ipinipilantik sa balat ng tao. Bilang alternatibong interbensiyon, ang pasyente ay maaaring patulugin habang isinasagawa ang huling bahagi ng proseso. Ito ay upang mas mabilis na maiakyat ang antas ng kuryente, sa mas mataas na pulso na kadalasan ay umaabot sa 120 na shocks bawat minuto. Ang presyon at puwersa na iniwan ng shock wave ay kadalasang nagreresulta sa direktang depormasyon ng bato, maging ang mga cavitation na bula na pumapaligid nito. Ang mga nasabing bula ay humihiwalay sa bato sa mas maliliit na piraso kung kaya't sa mga susunod na oras o araw matapos ang proseso ay magagawa na nitong lumabas mula sa yuriter. Ang prosesong ito ay kadalasang umaabot ng halos isang oras.

Ang ureteral stent (isang uri ng tubong maaaring palawigin) ay maaaring magamit batay sa kagustuhan ng yurolohista. Ang stent ay makatutulong upang higit na mapadali ang paglabas ng mga nadurog na bato at upang maiwasan na rin ang anumang insidente ng pagbara nito sa anumang bahagi ng daluyan ng ihi.

Ang aplikasyon ng Extracorporeal Shockwave Lithotripsy ay pinakamainam sa mga bato na may laki na tinatayang aabot sa pagitan ng 4 mm at 20 mm (0.4 hanggang 0.20 sentimetro) sa bantod na oryentasyon na matatagpuan pa rin sa bahagi ng kidney. Ang ESWL ay maaari ding mailapat sa mga bato sa bahagi ng yuriter ngunit sa mas mababang bahagdan ng tagumpay mula sa proseso.

Sa ilang mga pagkakataon, maaaring makita ng isang pasyente na sumasailalim sa proseso ang benepisyal na pagbabago sa bahagi ng katawan nito kung saan inilalapat ang shock wave. Kung pinahintulutang makita ang monitor, maaaring makita ng pasyente ang kapansin-pansing pagbabago sa bato nito mula sa isang naiibang maaliwalas na punto (o kung minsan naman ay malilim na puwesto na nakabatay mula sa posisyon ng yunit na ginagamit upang matanaw ang kinalulugaran ng bato) patungo sa isang malabong tanawin, indikasyon na ang bato ay ganap nang nadurog at naging purong pulbo.

Sa kasalukuyan, ang ESWL ay maituturing na pinaka-karaniwang lugar bilang batayan sa makabuluhang pagpuksa sa sakit sa bato. Ngunit, ito rin ay nagbibigay ng mas mababang tsansa upang hindi na muli pang magbalik ang bato kumpara sa ibang mas malawakang medikasyon na inilalapat sa kaparehong kalagayan, tulad ng ureteroscopic manipulation, at ang laser lithotripsy o percutaneous nephrolithotomy (PCNL). Ang pag-galaw ng mga maliliit na piraso ng bato palabas ng katawan ay tumatagal ng ilang araw o linggo na maaaring magdulot ng bahagyang pananakit. Ang mga pasyenteng sumasailalim dito ay kadalasang binibigyan ng panutong medikal na mas praktikal na uminom ng tubig. Ito ay upang higit na mapadali ang pagbaba ng bato palabas ng katawan. Ang mga pasyente ay pinapayuhan din na maglabas ng ihi gamit ang isang stone screen upang makuha ang mga piraso ng bato para sa pag-aanalisa.

Ang ESWL, tulad ng ibang prosesong medikal, ay hindi ligtas sa anumang tsansa ng panganib. Ang shock waves, maging ang mga bula dulot ng cavitation na nabuo mula sa paggalaw ng midyum ng ihi ay maaaring mag-resulta sa pagkasira ng kapilyari, renal parenchyma, o kaya ay subcapsular hemorrhage. Ang ganitong sitwasyon ay maaaring humantong sa mga pangmatagalang epekto tulad ng renal failure, at altapresyon. Sa pangkalahatan, ang kumplikasyon na maaaring mangyari mula sa prosesong ito ay tinatayang sumasaklaw mula lima hanggang dalawampung bahagdan (5-20%).

Karagdagang Babasahin

baguhin
  • Abe T, Akakura K, Kawaguchi M, Ueda T, Ichikawa T, Ito H, et al. Outcomes of shockwave lithotripsy for upper urinary-tract stones: a large-scale study at a single institution. J Endourol. Sep 2005;19(7):768-73.
  • Albala DM, Assimos DG, Clayman RV, Denstedt JD, Grasso M, Gutierrez-Aceves J, Kahn RI, Leveillee RJ, Lingeman JE, Macaluso JN, Munch LC, Nakada SY, Newman RC, Pearle MS, Preminger GM, Teichman J, and Woods JR: Lower pole I: a prospective randomized trial of extracorporeal shock wave lithotripsy and percutaneous nephrostolithotomy for lower pole nephrolithiasis-initial results. The Journal of Urology 166(6):2072–80 2001 Dec
  • Anagnostou T, Tolley D. Management of ureteric stones. Eur Urol. Jun 2004;45(6):714-21.
  • Auge BK, Preminger GM. Update on shock wave lithotripsy technology. Curr Opin Urol. Jul 2002;12(4):287-90.
  • Chacko J, Moore M, Sankey N, Chandhoke PS. Does a slower treatment rate impact the efficacy of extracorporeal shock wave lithotripsy for solitary kidney or ureteral stones?. J Urol. Apr 2006;175(4):1370-3; discussion 1373-4.
  • Chaussy CG, Fuchs GJ. Current state and future developments of noninvasive treatment of human urinary stones with extracorporeal shock wave lithotripsy. J Urol. Mar 1989;141(3 Pt 2):782-9.
  • Collins JW, Keeley FX. Is there a role for prophylactic shock wave lithotripsy for asymptomatic calyceal stones? Curr Opin Urol. Jul 2002;12(4):281-6.
  • Delius M. This month in Investigative Urology: effect of extracorporeal shock waves on the kidney. J Urol. Aug 1988;140(2):390.
  • Joshi HB, Obadeyi OO, Rao PN. A comparative analysis of nephrostomy, JJ stent and urgent in situ extracorporeal shock wave lithotripsy for obstructing ureteric stones. BJU Int. Aug 1999;84(3):264-9.
  • Kim FJ, Rice KR. Prediction of shockwave failure in patients with urinary tract stones. Curr Opin Urol. Mar 2006;16(2):88–92.
  • Krambeck AE, Gettman MT, Rohlinger AL, Lohse CM, Patterson DE, Segura JW. Diabetes mellitus and hypertension associated with shock wave lithotripsy of renal and proximal ureteral stones at 19 years of followup. J Urol. Mayo 2006;175(5):1742-7.
  • Lee C, Ugarte R, Best S, Monga M. Impact of renal function on efficacy of extracorporeal shockwave lithotripsy. J Endourol. Mayo 2007;21(5):490-3.
  • Lee YH, Tsai JY, Jiaan BP, Wu T, Yu CC. Prospective randomized trial comparing shock wave lithotripsy and ureteroscopic lithotripsy for management of large upper third ureteral stones. Urology. Mar 2006;67(3):480-4; discussion 484.
  • Lindqvist K, Holmberg G, Peeker R, Grenabo L. Extracorporeal shock-wave lithotripsy or ureteroscopy as primary treatment for ureteric stones: a retrospective study comparing two different treatment strategies. Scand J Urol Nephrol. 2006;40(2):113-8.
  • Lingeman JE, Zafar FS. Lithotripsy systems. In: Smith AD, Badlani GH, Bagley DH, et al. Smith's Textbook of Endourology. St Louis, Mo: Quality Medical Publishing; 1996:553–89.
  • Lingeman JE, Kim SC, Kuo RL, McAteer JA, Evan AP. Shockwave lithotripsy: anecdotes and insights. J Endourol. Nov 2003;17(9):687-93.
  • Liou LS, Streem SB. Long-term renal functional effects of shock wave lithotripsy, percutaneous nephrolithotomy and combination therapy: a comparative study of patients with solitary kidney. J Urol. Jul 2001;166(1):36; discussion 36-7.
  • Macaluso JN and Thomas R: Extracorporeal shock wave lithotripsy: an outpatient procedure. The Journal of urology 146(3):714-7 1991 Sep
  • Macaluso JN: Management of stone disease—bearing the burden. The Journal of urology 156(5):1579–80 1996 Nov
  • Macaluso JN: Shock Wave Lithotripsy for Stones in the Ureter. Business Briefing: North America Pharmacotherapy; 85–88 Abril 2004
  • Macaluso JN: Editorial Comment: re Incorporation of patient preferences in the treatment of upper urinary tract calculi: a decision analytical view. Journal of Urology, Vol 162, 1913–1919 Disyembre 1999
  • Madaan S, Joyce AD. Limitations of extracorporeal shock wave lithotripsy. Curr Opin Urol. Mar 2007;17(2):109-13.
  • Martin TV, Sosa RE. Shock-wave lithotripsy. In: Walsh PC, Retik AB, Vaughan ED, Wein AJ. Campbell's Urology. Vol 3. 7th ed. Philadelphia, Pa: WB Saunders; 1998:2735-52.
  • Micali S, Grande M, Sighinolfi MC, De Stefani S, Bianchi G. Efficacy of expulsive therapy using nifedipine or tamsulosin, both associated with ketoprofene, after shock wave lithotripsy of ureteral stones. Urol Res. Jun 2007;35(3):133-7.
  • Moody JA, Evans AP, Lingeman JE. Extracorporeal shockwave lithotripsy. In: Weiss RM, George NJR, O'Reilly PH, eds. Comprehensive Urology. Mosby International Limited; 2001:623-36.
  • Pareek G, Armenakas NA, Fracchia JA. Hounsfield units on computerized tomography predict stone-free rates after extracorporeal shock wave lithotripsy. J Urol. Mayo 2003;169(5):1679–81.
  • Pearle MS, Lingeman JE, Leveillee R, Kuo R, Preminger GM, Nadler RB, Macaluso JN, Monga M, Kumar U, Dushinski J, Albala DM, Wolf JS, Assimos D, Fabrizio M, Munch LC, Nakada SY, Auge B, Honey J, Ogan K, Pattaras J, McDougall EM, Averch TD, Turk T, Pietrow P, and Watkins S: Prospective, randomized trial comparing shock wave lithotripsy and ureteroscopy for lower pole caliceal calculi 1 cm or less. The Journal of urology 173(6):2005-9 2005 Jun
  • Putman SS, Hamilton BD, Johnson DB. The use of shock wave lithotripsy for renal calculi. Curr Opin Urol. Mar 2004;14(2):117-21.
  • Sayed MA, el-Taher AM, Aboul-Ella HA, Shaker SE. Steinstrasse after extracorporeal shockwave lithotripsy: aetiology, prevention and management. BJU Int. Nov 2001;88(7):675-8.
  • Segura JW, Preminger GM, Assimos DG, Dretler SP, Kahn RI, Lingeman JE, Macaluso JN, et al. Nephrolithiasis Clinical Guidelines Panel summary report on the management of staghorn calculi. The American Urological Association Nephrolithiasis Clinical Guidelines Panel. J Urol. Jun 1994;151(6):1648–51.
  • Segura JW, Preminger GM, Assimos DG, Dretler SP, Kahn RI, Lingeman JE, and Macaluso JN: Ureteral Stones Clinical Guidelines Panel summary report on the management of ureteral calculi. The American Urological Association. The Journal of urology 158(5):1915–21 1997 Nov
  • Sheir KZ, Madbouly K, Elsobky E, Abdelkhalek M. Extracorporeal shock wave lithotripsy in anomalous kidneys: 11-year experience with two second-generation lithotripters. Urology. Jul 2003;62(1):10-5; discussion 15-6.
  • Sheir KZ, El-Diasty TA, Ismail AM. Evaluation of a synchronous twin-pulse technique for shock wave lithotripsy: the first prospective clinical study. BJU Int. Feb 2005;95(3):389-93.
  • Skolarikos A, Alivizatos G, de la Rosette J. Extracorporeal shock wave lithotripsy 25 years later: complications and their prevention. Eur Urol. Nov 2006;50(5):981-90; discussion 990.
  • Tan EC, Tung KH, Foo KT. Comparative studies of extracorporeal shock wave lithotripsy by Dornier HM3, EDAP LT 01 and Sonolith 2000 devices. J Urol. Aug 1991;146(2):294-7.
  • Thomas R, Macaluso JN, Vandenberg T, Salvatore F: An innovative approach to management of lower third ureteral calculi. Journal of Urology, Volume 149, #6, 1427–1430 Hunyo 1993.
  • Unal B, Kara S, Bilgili Y, Basar H, Yilmaz E, Batislam E. Giant abdominal wall abscess dissecting into thorax as a complication of ESWL. Urology. Feb 2005;65(2):389.
  • Weiland D, Lee C, Ugarte R, Monga M. Impact of shockwave coupling on efficacy of extracorporeal shockwave lithotripsy. J Endourol. Feb 2007;21(2):137-40.
  • Winters JC, Macaluso JN: Ungated Medstone Outpatient Lithotripsy. Journal of Urology, Volume 153, #3 part 1, 593–595 Marso 1995

Mga sanggunian

baguhin
  1. Srisubat, A.; Potisat, S.; Lojanapiwat, B.; Setthawong, V.; Laopaiboon, M. (2009). "Extracorporeal shock wave lithotripsy (ESWL) versus percutaneous nephrolithotomy (PCNL) or retrograde intrarenal surgery (RIRS) for kidney stones". Cochrane Database Syst Rev (4): CD007044. doi:10.1002/14651858.CD007044.pub2. PMID 19821393.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Padron:Last1=Grasso