F4 (banda)

(Idinirekta mula sa F4)

Ang F4 ay isang banda ng mga lalaki mula sa Taiwan. Nagsimula ang pangkat sa dramang Taiwanes na Meteor Garden bilang "F4" na kasapi sina Jerry Yan, Vanness Wu, Ken Chu, at Vic Chou. Nagkamit din sila ng katanyagan sa iba pang mga bahagi ng Asya, katulad ng Hong Kong, Singapore, Malaysia, Thailand, Indonesia, Hapon, Timog Korea at sa Pilipinas.

Karera ng Musika

baguhin

F4 (2001-2002)

baguhin

Ang Meteor Garden ay halaw sa isang shojo mangang serye ng Hapon na Hana Yori Dango. Si Yan ang gumanap ng bidang papel na si Dao Ming Si, isang arogante at mayamang estudyante na nakahanap ng katapat sa katauhan ng isang mahirap ngunit matapang na babae na si San Cai na ginanapan naman ni Barbie Sue. Sina Chou, Wu at Chu ay gumanap bilang mga kaibigan niya na sina Hua Ze Lei, Mei Zuo, at Xi Men ayon sa pagkasunod-sunod. Ang apat na kabataang ito ang pinakasikat at pinakagwapong lalake sa buong unibersidad na binansagan sa pangalang Flower Four na sa kalauna'y tinawag na ring F4.

Ang Meteor Garden ay ipinalabas sa telebisyon ng Taywan noong 2001 na pumatok naman sa mga manonood. Noong 2002 ay ipinalabas naman ito sa Hong Kong, Singapore, Malaysia, Thailand, Indonesya, bansang Hapon, Koreya at sa Pilipinas naman noong 2003. Ipinalabas din ito sa ilang bahagi ng Europa. Ang palabas na ito ay naisahimpapawid ng estasyon ng Xing Kong at saka binago ang pamagat bilang Meteor Shower na isa namang bigong patalastas. Ang Meteor Garden II na isang pagpapatuloy ng unang serye ay ikinuha sa Espanya at ipinalabas naman noong 2002.

Noong 2001, ang F4 ay naging isang ganap ng grupo ng mga lalake at naglagda na rin ng kontrata sa Sony Music Taywan. Magkakasama silang nakalikha ng tatlong album na pinamagatang "Meteor Rain", "Fantasy 4ever" at "Waiting For You Here". Noong 2002, kinanta naman ng F4 ang Mandarin cover ng "Can't Help Falling In Love" na kasama sa Asyang bersyon ng ponograma ng palabas na Lilo and Stitch ng Walt Disney.[1] Ang Ingles na bersyon ng awiting ito ay kinanta ng A*Teens na cover ng sumikat na kanta ni Elvis Presley ng parehong pamagat noong 1961. Sila rin ang gumawa ng Mandarin cover na Yo Te Amo ni Chayanne.

JVKV (29 Abril 2007)

baguhin

Noong 29 Abril 2007, ang tagapaglikha ng Meteor garden na si Angie Chai ay naghayag na ang grupo ay hindi na kailanman makikilala bilang F4. Ang pagbabago ng pangalan ay nagsimula sa mga isyu ng kung sino ang tunay na may karapatang magpalathala. Ang Hapong tagapaglathala naman ng Hana Yori Dango ay pinayagan silang gamitin ang F4 bilang pangalan ng kanilang banda noong 2001. Ngunit dahil sa ipinalabas at iniere na ng bansang Hapon ang kanilang sariling bersyon ng sikat na manga kabilang ang sarili nitong apat na tauhan, napansin ng tagapaglathala na maaaring malito ang mga tao sa pagkapare-pareho ng pangalan bagamat mula ito sa iba't ibang bansa.[2][3] Dahil dito pinalitan ang pangalan ng kanilang banda ng JVKV, gamit ang mga unang titik sa pangalan ng mga miyembro. Ayon sa tagapaglikha, ang pagkasunod sunod ng mga letra ay binatay sa unang titik ng pangalan ng pinakamatanda hanggang sa pinakabata sa kanila kaya ang pangalan ni Vaness Wu ay nauna kaysa kay Vic Chou.[4] Bagama't kumalat ang sabi-sabi na sila'y nagkawatak-watak,[5] ang JVKV ay naglabas ng kanilang ikatlong koleksiyon ng mga bagong kanta na may pamagat na Waiting For You noong 28 Disyembre 2007.[6] Samantala ang album na ito ay gumamit pa rin ng pangalang F4 at hindi JVKV.

Ang F4 ang pinakaunang dayuhang artista na nagkaroon ng pitong sunod-sunod na konsyerto sa bansang Hapon. Libo-libong tao ang sumalubong sa paliparan ng Narita nang dumating ang kanilang banda. Si Jerry Yan naman ay naghakot ng dalawang libong tagahanga sa nasabing paliparan nang isinagawa ang kanyang pagpupulong kasama ng mga tagahanga.

Mga solong proyekto

baguhin

Ang JVKV ay umuunlad na rin kani-kanilang karera sa pag-aartista at musika.

Si Vaness Wu ay mas nagbigay ng atensiyon sa pelikula at musika. Inilabas niya ang kanyang ikalawang koleksiyon ng mga bagong kanta noong Abril, 2007 na pinamagatang "V. Dubb" na kanyang palayaw. Ito ay pagkalipas ng limang taon pagkatapos ilabas ang kanyang unang album na "Body Will Sing". Nakapaglabas na rin siya ng ikatlong album na tinawag na "In Between 2008 new song + collection album" noong Hunyo 2008. Naging parte na siya ng maraming music video tulad ng "Ai Cuo" kasama si Wang Leehom, ang Tsinong bersyon ng "Crazy In Love" kasama si Beyoncé Knowles, at ang "Hip Hop Tonight" ni Coco Lee. Naging bahagi rin siya ng maraming malalaking pelikula tulad ng "Star Runner", "Kung Fu Fighter", "Three Kingdoms: Resurrection of the Dragon", "Dragon Squad",at marami pang iba. Karaniwan dito ay kaugnay sa kanyang pagmamahal sa mga stunts at martial arts.

Agosto 2004 naman nang ilunsad ni Jerry Yan ang kanyang unang album na pinamagatang "The First Time" (第一次 Jerry for You). Gumanap na rin siya sa maraming palabas sa telebisyon ng Taiwan kabilang ang "Spicy Teacher", "Meteor Garden", ang kasunod nito na "Meteor Garden 2", "Meteor Rain", "Come To My place", "Love Scar", "The Hospital" at gumawa ng pelikulang "Magic Kitchen" 魔幻廚房 noong 2004. Ang "Hot Shot" ay ipinalabas sa Taywan noong 2008 at ang "Starlit" naman ay inere noong 2009. Siya ay gumawa ng bagong serye na "Down With Love" kasama si Ella Chen ng S.H.E.

Si Vic Chou naman ay nagkaroon ng tatlong sariling album na tinawag na "Make a Wish" (2002), "Remember I Love You" (2004), at "I'm not F4" (2007). Gumaganap din sa isang drama serye bawat taon simula noong 2001 maliban noong 2003. Noong isang taon lang ay nakagawa siya ng dalawang pelikula: "Linger" at "Tea Fight".

Si Ken Chu naman na kilala sa pagkahilig sa pagluluto at pagkain ay naglabas ng kanyang sariling cookbook na tinawag na "Delicious Relations" (美味關係)noong 2006 pagkatapos bumida sa maraming iniidolong drama. Siya rin ay gumaganap sa isang drama sa isang taon simula noong 2001 maliban noong 2005 kung saan naglabas siya ng sariling album na "On Ken's Time". Inilabas din niya ang kanyang ikalawang solo album na "2009 Getting Real new songs + collections album" noong Enero 2009 bago lamang ng kanyang kaarawan. Nagkaroon na rin siya ng tatlong pelikula. Sa nakaraang panayam sa F4, nabanggit ni Chu na mas lalo pa siyang nagkakaroon ng interes sa musika.

Tatlo sa apat na ito ay lumabas sa pelikulang "Wish To See You Again" na binibidahan ni Vic Chou at Ken Chu habang si Vaness naman ay nagkaroon ng guest appearances sa ilang episodyo. Dahil sa komplikadong iskedyul ni Jerry Yan ay hindi na siya nakasama sa pelikulang ito at ang kanyang parte ay ginanapan na lamang ni Kingone Wang. Si Yan ay gumawa ng pelikulang "Hot Shot" kasama si Wu Chun ng Farenheit at Show Lou na pinalabas naman noong bakasyon ng 2008. Ang seryeng ito ay napapatungkol sa basketbol at ang tunggalian ng dalawa sa loob ng court. Ito ay mas lalo pang inabangan dahil sa mataas na katayuan sa industriya ng tatlong bidang lalake.

Diskograpiya

baguhin
Numero ng Album Pamagat Inilabas Tatak Format
Una Meteor Rain (流星雨) 28 Agosto 2001 Sony Music Taiwan Studio album (CD)
Ikalawa Fantasy 4ever (煙火的季節) 18 Disyembre 2002 Sony Music Taiwan Studio album (CD)
Ikatlo 360 Degrees:F4 Five Years Glorious Collection
(360度定番精選輝煌五年全記錄)[7]
28 Nobyembre 2006 Sony Music Taiwan Greatest hits album (2CD+2DVD)
Ika-apat Waiting for You (在這裡等你) 28 Disyembre 2007 Sony Music Taiwan Studio album (CD)

Mga Parangal

baguhin
Taon Mga Parangal Kategorya Nominasyon Resulta Ref
2002 IFPI Hong Kong Album Sales Awards
IFPI香港唱片銷量大獎
Top 10 Selling Mandarin Albums of the Year
十大銷量國語唱片獲獎
Meteor Rain Panalo [8]
2003 Fantasy 4ever Panalo [9]

Sanggunian

baguhin
  1. (sa Tsino) "F4主唱《星际宝贝》横袭好莱坞 F4 singers hit Hollywood in Lilo & Stitch". NETandTV.com. 2002-06-26. Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-06-27. Nakuha noong 2007-12-15.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Wang, Vivien (2007-04-29). "Boy band changes name F4 into JVKV". China Daily. Nakuha noong 2007-05-31.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Boys over Flowers Forces F4 Idol Band to Rename Itself". Anime News Network. 2007-05-14. Nakuha noong 2007-06-05.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. (sa Tsino) F4嫌新称呼JVKV绕口 合体宣传用回本名. 2 Mayo 2007. Retrieved 30 Disyembre 2007.
  5. "F4 to Formally Disband in October". CRI English. 2007-08-31. Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-12-18. Nakuha noong 2007-12-15.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. (sa Tsino) F4再度合體發行全新專輯「在這裡等你」 四騎士劍誓再度征服全亞洲 Naka-arkibo 2007-12-31 sa Wayback Machine.. 28 Disyembre 2007. Retrieved 30 Disyembre 2007.
  7. (sa Tsino) Sony Music Taiwan 360 Degrees:F4 Five Years Glorious Collection album info Naka-arkibo 2012-04-06 sa Wayback Machine. 28 Nobyembre 2006. Retrieved 2011-05-04
  8. IFPI Hong Kong 2002 IFPI Hong Kong Album Sales Awards winners list Naka-arkibo 2012-07-02 sa Wayback Machine. Retrieved 2011-04-19
  9. IFPI Hong Kong 2003 IFPI Hong Kong Album Sales Awards winners list Naka-arkibo 2008-05-26 sa Wayback Machine. Retrieved 2011-04-19