Field (pisika)
Sa pisika, ang isang field ay isang pisikal na kantidad na kaugnay ng bawat punto ng espasyo-oras.[1] Ang isang field ay maaaring uriin bilang isang skalar na field, bektor na field, spinor na field, o isang tensor na field ayon sa kung ang halaga ng field sa bawat punto ay isang skalar na isang bektor, spinor(e.g. elektron na Dirac) o sa mas pangkalahatan ay isang tensor. Halimbawa, ang Newtonian na grabitasyonal na field ay isang bektor na field: ang tumutukoy ng halaga nito sa isang punto sa espasyo-oras ay nangangailangan ng tatlong mga bilang, na mga bahagi ng grabitasyonal na field bektor sa puntong iyon. Sa karagdagan. sa bawat kategorya(skalar, bektor, tensor), ang isang field ay maaaring klasikong field o isang quantum na field depende sa kung ito ay inilalarawan ng mga bilang o mga operador na quantum.
Ang isang field ay maaaring isipin na lumalawig sa buong espasyo. Sa kasanayan, ang lakas ng bawat alam na field ay natagpuan nababawasn hanggang sa puntong hindi na ito matukoy. Halimbawa, sa batas ng unibersal na grabitasyon ni Newton, ang lakas ng grabitasyonal na field ay kabaligtarang proporsiyonal sa kwadrado ng distansiya sa mula sa naaakit na bagay. Kaya ang grabitasyonal na field ng mundo ay mabilis na nagiging hindi matukoy sa mga kosmikong skala.
Ang paglalarawan ng field bilang mga "bilang sa espasyo" ay hindi dapat malihis sa ideya na ito ay mayroong pisikal na realidad. "Ito ay umookupa ng espasyo. Ito ay naglalaman ng enerhiya. Ang presensiya nito ay nag-aalis ng totoong vacuum.”[2] Ang vacumm ay malaya sa materya ngunit hindi malaya sa field. Ang field ay lumilikha ng "kondisyon sa espasyo" [3] upang kung maglalagay tayo dito ng partikulo, ito ay makakaramdan ng pwersa.
Kung ang isang elektrikal na karga ay ginalaw, ang mga epekto sa ibang karga ay hindi lumilitaw ng sabay. Ang unang karga ay makakaramdan ng reaksiyong pwersa, dadampot ng momentum ngunit ang ikalawang karga ay walang mararamdaman hanggang sa ang impluwensiya na tumatakbo sa bilis ng liwanag ay umabot dito at magbigay rito ng momentum. Nasaan ang momentum bago ang ikalawang karga ay gumalaw?" Sa pamamagitan ng batas ng konserbasyon ng momentum, ito ay dapat nasa isang lugar. Natagpuan ng mga pisiko na may "dakilang paggamit para sa pagisiyasat ng mga pwersa" na isipin itong nasa field. [4]
Ang pagiging magagamit nito ay nagdulot sa mga pisikong maniwala na ang mga elektromagnetikong field ay aktuwal na umiiral na gumagawa sa konseptong field na isang sumusuportang paradaym ng kabuuang edipisyon ng modernong pisika. Sa pagkakasabi nito, sina John Wheeler at Richard Feynman ay nagsaalang alang ng konseptong pre-field(bago ang field) ng aksiyon sa distansiya(bagaman kanilang ipinagpaliban ito dahil sa patuloy na paggamit ng konseptong field para sa pagsasaliksik ng pangkalahatang relatibidad at quantum na elektrodinamika.)
Sanggunian
baguhin- ↑
John Gribbin (1998). Q is for Quantum: Particle Physics from A to Z. London: Weidenfeld & Nicolson. p. 138. ISBN 0297817523.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑
John Archibald Wheeler (1998). Geons, Black Holes, and Quantum Foam: A Life in Physics. London: Norton. p. 163.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Richard P. Feynman (1963). Feynman's Lectures on Physics, Volume 1. Caltech. pp. 2–4.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Richard P. Feynman (1963). Feynman's Lectures on Physics, Volume 1. Caltech. pp. 10–9.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)