Puwersa

(Idinirekta mula sa Pwersa)

Sa larangan ng pisika, ang puwersa (Ingles: force; Kastila: fuerza) o isig[1] ay ang kung ano ang nagbabago o nakapagpapabago sa katayuan ng namamahinga (di-gumagalaw) o gumagalaw (kumikilos) sa isang bagay. Sanhi ang isig ng pagbilis (akselerasyon), pagdaragdag ng kabuoang presyon sa bagay, o pagbabago ng patutunguhan (pagbabago ng direksiyon). Sinusukat ang isig sa pamamagitan ng Newton [isahan] o Newtons [maramihan] (N).

Karaniwang inilalarawan ang mga isig (puwersa) bilang mga paghila at pagtulak. Maaaring dahil sila sa mga kababalaghan o likas na kaganapang tulad ng grabedad, magnetismo, o anumang iba pang nakapagsasanhi sa masa para bumilis o magkaroon ng akselerasyon.

Pormularyo

baguhin

Ayon sa Ikalawang Batas ng Pagkilos ni Isaac Newton, ito ang pormula sa paghahanap ng halaga ng isig:

 

kung saan ang   ang kabuuang isig o puwersa (force),
  ang masa (bunton o salansan)[2] ng isang bagay,
at   ang bilis (akselerasyon) ng bagay.

Kapag may naghanda o nagharap sa   para sa g (grabedad, katindihan[3], pamantayang katindihan, o standard gravity), mayroon pang isang pormulasyong makukuha:

 

kung saan ang   ang timbang o bigat (weight) ng isang bagay isang lokasyon ,
  ang masa ng isang bagay,
at   ang bilis o akselerasyon dahil sa o sinanhi ng grabedad sa antas ng dagat. Tinatayang mayroon itong mga  .

Isang bektor (vector) ang isig, kaya't mayroon itong kalakihan[4] (magnitud, magnitude, sakop, saklaw o laki, laki o lawak ng sakop) at patutunguhan (direksiyon). Ito ang mismong kahulugan ng bektor: isang bagay (sa heometriya) na may magnitud at direksiyon.

Kahulugan at paglalarawan

baguhin

Sa halip na sabihin ng magkahiwalay ang pagtulak at paghila, mas madaling gamitin ang mga salitang isig o puwersa para sa dalawa (pagtulak + paghila = isig o puwersa).[5]

Halimbawa, sa pamimisikleta ng isang tao, gumagamit ang namimisikleta (nakasakay) ng isig para sa mga pedal o padyakan ng bisikleta kapag paakyat ng pataas na daan o maging sa patag na daanan man. Sa katotohanan, itinutulak ng nagpapaandar na tao ang mga padyakan pababa, subalit binabago ng mga tanikala at mga engrenahe ang pagtulak na ito paayon sa anyo ng dinadaanang kalsada. Ngunit kung sakali lamang na tabunan ng may-ari ng bisikleta ng maraming mga kahoy, kung kaya't hindi na niya ito mahila o maitulak man lang, wala siyang nagagawang trabaho o gawain. Walang resultang gawa o walang nagawa ang may-ari ng bisikleta bagaman gumamit ng isig na pahila o patulak. Ang resulta: mapapagod lamang ang may-ari ng bisikleta.[5]

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. Maugnaying Talasalitaang Pang-agham Ingles-Pilipino, 1969.
  2. "Mass", masa, bunton, salansan Naka-arkibo 2012-12-13 sa Wayback Machine., Tagalog English Dictionary, Bansa.org
  3. "Gravity," tindi, bigat, timbang Naka-arkibo 2012-12-13 sa Wayback Machine., Tagalog English Dictionary, Bansa.org
  4. "Magnitude," laki, kalakihan Naka-arkibo 2012-12-13 sa Wayback Machine., Tagalog English Dictionary, Bansa.org
  5. 5.0 5.1 "The Meaning of Force, ang kahulugan ng Isig o Puwersa". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)