Field Marshal (Pilipinas)


Tingnan ang Field Marshal para sa ibang mga bansang gumagamit ng hanay na ito.

Ang Philippine Field Marshal ay isang hanay na ginamit noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig at ay isang posisyong hinawak ni Douglas MacArthur hanggang sa kaniyang kamatayan. Ipinagkaloob kay MacArthur ang hanay bilang tagapagpayong militar sa pamahalaan ng Pilipinas, kung saan inalkila siya upang bumuo ng isang hukbo bilang sagot sa lumalalang panganib ng Hapon at sa lumalaking posibilidad ng digmaan sa Pasipiko.

Isang replika ng cap o panakip-ulong pang-Philippine Field Marshal ni Douglas MacArthur

Noong nagretiro si MacArthur mula sa Hukbong Katihan ng Estados Unidos, isa siyang Heneral Mayor na dating nakipagsilbihan bilang full General habang pagiging isang Hepe ng Pamamahala ng Hukbong Katihan ng Estados Unidos. Saka siya inalkila bilang sibilyan na tagapayong militar kay Pangulong Manuel L. Quezon at itinakda bilang Field Marshal sa Hukbong Pilipino na noong panahong yon ay hindi pa umiiral o nagkakaroon. Medyo nakakatawa ang pagtanggap ng asawa ni MacArthur ng sitwasyong ito at malimit na ipinapuna na mula sa paghawak ng pinakamataas na hanay sa Hukbo ng Estados Unidos ay ngayon hawak niya ang pinakamataas na hanay sa isang 'di-umiiral na hukbo.

Hindi magpakailanmang nagsuot si MacArthur ng anumang di-pangkaraniwang tanda bilang Philippine Field Marshal, maliban sa isang pagbabago sa kaniyang panakip-ulong pang-opisyal panghukbo. Hiwalay pa sa pamantayang visor gold trim na kabakas ng pagiging Heneral na Amerikano, nagdagdag si MacArthur ng karagdagang trim na nakakabit sa bahaging harap ng panakip-ulo, sa ibabaw ng visor. Itinukoy ito ni MacArthur bilang ang kaniyang “Philippine Field Marshal Cap” at sinuot niya ang headgear na ito sa kahabaan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig at mismo kahit noong Digmaan ng Korea. Nararapat punahin na labag sa panuto ang itong binagong headgear ni MacArthur and hindi magpakailanman siyang humingi ng pahintulot na gamitin ito bilang bahagi ng kaniyang uniporme.

Matapos ang 1946 nawala ang hanay ng Field Marshal sa hukbong Pilipino at kasalukuyang itong tinuturing na lipas na dahil sa pagkapagiging pinakamataas na posisyon ng Heneral. Sa teoriya, maaaring ipagkaloob ang hanay sa isang opisyal ngunit magiging bunga lamang ito ng pagkapasok ng Pilipinas sa isang lalong malaking digmaan o bunga ng pagkalusob ng kapuluan.