Si Santa Filomena (Ingles: Saint Philomena) ay isang batang konsagradong birhen, na ang kaniyang mga labi ay natuklasan noong Mayo 24–25, 1802, sa Katakumba ng Priscilla. Taglay ng tatlong mga baldosang pumapalibot sa puntod ang inskripsiyong nakasulat na Pax Tecum Filumena (iyan ay "Sumaiyo ang kapayapaan, Filomena"), na ipinalagay na tumutukoy na ang kaniyang pangalan (sa Latin ng inskripsiyon) ay Filumena, ang anyong Ingles nito ay Philomena. Si Filomena ay pintakasi ng mga sanggol, beybi, at kabataan.[3]

Santa Filomena
Santa Filomena, escola europeia do séc. XVIII
Birhen at Martit
Ipinanganakmga Enero 10, 291
Corfu, Gresya
Namataymga 10 Agosto 304(304-08-10) (edad 13)
Roma, Italya
Benerasyon sa
KanonisasyonEnero 13, 1837 liturhikong inihayag bilang isang santa sa isang akta ng Karaniwang Awtoridad ng Simbahan ng Santo Papa, Lungsod ng Batikano ni Papa Gregorio XVI
Pangunahing dambanaSantuwaryo ni Santa Filomena sa Mugnano del Cardinale
KapistahanAgosto 11
KatangianKabataan, palma ng pagkamartir, koronang bulaklak, mga batang kahel o puti (orange or white robes), palma, mga palaso, mga angkla, minsang isang lalamunang nilaslas nang bahagya
PatronMga bata, kabataan, sanggol, paslit, padre, mga taong wala nang pag-asa, isterilidad, birhen, Mga Anak ni Maria, Ang Pangkalahatang Asosasyon ng Rosaryo na Buhay, Sibonga, Cebu, Pulupandan

Inilipat ang mga labi sa Mugnano del Cardinale noong 1805. Dito naging punto ng malawakang debosyon ang mga ito; ilang mga milagro ay ipinatungkol sa intersesyon ni Filomena, kasama na ang pagpapagaling ni Pauline Jaricot noong 1835, na nakatawag ng malawak na pansin. Ipinatungkol naman ni Juan Maria Vianney kay Filomena ang hindi pangkaraniwang mga paggaling na ang iba ay ipinatungkol naman sa kaniya.

Noong 1833, iniulat ng isang madreng Napolitana na lumitaw si Filomena sa kaniya sa isang pangitain, at inilahad na siya ay isang prinsesang Griyego na minartir ni Diocleciano sa edad na 13 taong gulang. Si Diocleciano ay emperador ng Imperyong Romano mula 284 hanggang 305.

Mula 1837 hanggang 1961, pinayagan ang pagdiriwang ng kaniyang pistang liturhiko para sa ilang mga lugar, ngunit hindi nakasama sa Pangkalahatang Kalendaryong Romana [en] para sa panlahatang paggamit. Ang pagbanggit sa kaniya ay kasama sa isang tipikal na edisyong 1920 ng Misal Romano, sa ilalim ng Agosto 11, sa isang seksiyong nakapamagat na Missae pro aliquibus locis ("Mga misa para sa ilang mga lugar"), na may pagtukoy na ang gagamiting Misa sa mga lugar na iyo ay yaong sa isang birheng martir, na walang anumang maikling panalangin (na itinalaga sa isang tiyak na araw) na naaayon sa santa.[4]

Pagkakatuklas ng mga labi

baguhin
 
Si Santa Filomena kalakip ng mga katangian: palma, latigo, angkla, at mga palaso. Ang pasta ay hinulma ni Johann Dominik Mahlknecht sa Museo ng Gherdëina sa Urtijëi, Italya

Noong Mayo 24, 1802, sa Katakumba ng Priscilla sa Via Salaria Nova, natuklasan ang isang nakaukit na lokulo, at sa parehong araw maingat itong sinuri at binuksan. Ang lokulo ay sinarahan ng tatlong mga baldosang terracotta na may nakalagay na inskripsiyong lumena paxte cumfi. Noon at hanggang ngayon ay pangkaraniwang ipinalalagay na hindi nakapuwesto sa kaayusan ng mga salita ang mga baldosa, at unang binasa ang inskripsiyon bilang pax tecum Filumena ("Sumaiyo ang kapayapaan, Filomena"; kalakip ang pinakakaliwang baldosa na inilagay sa kanan). Natagpuan sa loob ng lokulo ang kalansay ng isang babaeng nasa pagitan ng labintatlo at labinlimang taong gulang. Isang maliit na botelyang naglalaman ng mga bakas ng ipinalalagay na dugo ay nakabaon sa semento. Sang-ayon sa mga palagay sa mga panahong iyon, ang mga labi ay ipinalagay na mula kay Filomena, isang birheng martir.[5] Ang kaniyang pangalan ay nagngangahulugang "anak ng liwanang." Si Filomena ay santang patron ng mga sanggol at kabataan.

Pinaninindigan pa rin noong 1863 ang paniniwalang tanda ng puntod ng isang martir ang gayong mga botelya, kung kailang pinatotoo ng isang dekreto noong Disyembre 10 ng Sagradong Kongregasyon ng mga Rito ang isang dikreto ng Abril 10, 1668. Ngunit tinatanggihan na ang pananaw na ito sa aktuwal mula noong isinagawa ni Giovanni Battista De Rossi (1822–1894) ang mga pagsisiyasat.[6]

Noong 1805, hiniling ni Paring Francesco De Lucia ng Mugnano del Cardinale ang mga relikya para sa kaniyang pook-dasalan, at noong Hunyo 8, kinuha niya ang mga labing natuklas noong Mayo 1802 (naging mga alabok at piraso).[7] Dumating ang mga relikya sa Mugnano noong Agosto 10, at inilagay sa Simbahan ng Ina ng Grasya.[8] Itinayo ang isang bagong Simbahan ng Ina ng Grasya na naglalaman ng isang kapilyang kung saan inilipat ang sagradong mga relikya noong Setyembre 29, 1805.[9]

Noong 1827, binigay ni Papa Leon XII sa simbahan sa Mugnano del Cardinale ang tatlong nakaukit na mga blokeng terracotta na kinuha mula sa puntod.[6]

Pagkalat ng debosyon

baguhin

Sa kaniyang akda na Relazione istorica della traslazione del sagro corpo di s. Filomena da Roma a Mugnano del Cardinale, sinulat noong 1833,[10] sinalaysay ni Paring De Lucia ang mga kababalaghang sumabay sa pagdating ng mga relikya sa kaniyang simbahan, kabilang dito ang isang estatuwang walang humpay na pinawisan ng likido sa loob ng tatlong mga araw.[8]

Isang himalang tinanggap na napatunayan sa parehong taon ay ang pagpaparami ng butong alabok (bone dust) ng santa, na nakapaglaan para sa daan-daang mga relikaryo nang hindi nababawasan ang unang dami ng alabok.

Kasama sa debosyo ang pagsusuot ng "Kordon ni Filomena," isang pula at puting panali na may ilang nakakabit na indulhensiya, tulad ng isang plenaryong indulhensiya sa araw na unang beses isinuot ang panali, mga indulhensiyang hindi binago sa Indulgentiarum doctrina, ang pangkalahatang rebisyon noong 1967 ng panuntunang hinggil sa mga ito.[11] Mayroon ding isang chaplet ni Santa Filomena, na may tatlong puting mga butil bilang karangalan sa Santisima Trinidad at labintatlong pulang mga butil bilang karangalan sa labintatlong mga taon ng buhay ni Filomena.[12] Isang sakramental na ini-ugnay sa banal ay ang Langis ni Santa Filomena, na ginagamit sa pagpapagaling ng katawan at kaluluwa.[13]

Talambuhay ng santa

baguhin
 
Estatwa ni Filomena sa Oberre Pfarre, Bamberg, Alemanya

Noong Disyembre 21, 1833, inihayag ng Banal na Tanggapan (Holy Office) na walang pagsasalungat sa pananampalatayang Katolika ang mga pahayag na nagsasabing nagpakita mismo si Filomena kay Sister Maria Luisa di Gesù (1799–1875), isang tersiyaryong[a] Dominikano mula sa Napoles.[8]

Ayon kay Gesù, isinalaysay sa kaniya ni Filomena na isang siyang anak ng isang Griyegong hari na nagbago sa Kristiyanismo kasama ang kaniyang kabiyak. Siya ay nanumpa sa pagkabirheng konsagrado noong siya ay humigit-kumulang 13 taong gulang. Nang nagbanta si Emperador Diocleciano na makikidigma siya sa kaniyang ama, tumungo sila sa Roma upang humingi ng kapayapaan. "Nagustuhan" ng Emperador ang batang Filomena, at nang tumanggi siya, isinailalim siya sa isang serye ng mga pagdurusa: paghampas, pagkaraan nito pinagaling siya ng dalawang mga anghel; pagkalunod na may angklang nakakabit sa kaniya (pinutol ng dalawang mga anghel ang tali at iniahon siya sa pampang); pagpana sa kaniya (sa unang pagkakataon gumaling ang kaniyang mga sugat; sa pangalawa lumiko ang mga palaso; at sa pangatlo bumalik ang mga ito at napatay ang anim sa mga manunudla, pagkaraan nito ilan sa ibang mga manunudla ay naging mga Kristiyano). Sa huli pinugutan siya ng Emperador. Nakasaad sa kuwento na naganap ang pagpugot ng ulo sa ikatlo ng hapon ng isang Biyernes (ang oras ay tulad sa oras ng pagkamatay ni Hesus). Tinukoy na mga sagisag ng kaniyang pagkamartir ang dalawang mga angkla, tatlong mga palaso, ang palma at dahong yedra [en] sa mga baldosang natagpuan sa puntod.[8]

Sa salaysay ng madreng Napolitana, isiniwalat ni Filomena na ang kaniyang kapanganakan ay Enero 10,[8] ang kaniyang pagkamartir ay naganap noong Agosto 10 (ang petsa rin ng pagdating ng kaniyang mga relikya sa Mugnano del Cardinale),[6] at ang kahulugan ng kaniyang pangalang "Filumena" ay "anak ng liwanag". (Kadalasang hinango ito mula sa isang salitang Griyego na nagngangahulugang "minamahal".)[6]

Ang paglathala ng salaysay na ito ay nagbunga sa masusing pag-aaral, kapuwa sa mismong salaysay at sa maraming mga pagkakatuklas na arkeolohikal. Humantong ito sa kawalan ng katiyakang ang puntod ay sa isang martir.[8]

Kasaysayan ng pamimitagan

baguhin

Noong Enero 13, 1837, pagkaraan ng kagalingan ni Pauline Jaricot, naglabas si Papa Gregorio XVI ng liturhikal na pagdiriwang kay Filomena sa Agosto 11[8] o ayon sa isa pang sanggunian, orihinal na sa Setyembre 9,[6] una sa Diyosesis ng Nola (kung saang kabilang ang Mugnano del Cardinale), at paglaon sa ilan sa ibang mga diyosesis sa Italya.

Noong Enero 31, 1855, inaproba ni Papa Pio IX ang opisyo na Misa at tanggapang nakalaan kay Santa Filomena kalakip ng pagpapatotoo ng dikretong Etsi Decimo (sa Ingles: Rescript of the Sacred Congregation of Rites, Papal Confirmation of Promotor of the Faith Brief Etsi decimo as submitted by Rev. Andrea Fratini, 31 January 1855).[kailangan ng sanggunian]

Noong Agosto 1876, inilathala ang unang sipi ng Mensahero ni Santa Filomena sa Paris, Pransiya. Noong Oktubre 6, 1876, itinatag ni Padre Louis Petit ang Kopradiya ni Santa Filomena sa Paris. Noong Nobyembre 1886, itinaas ni Papa Leo XIII ang Kopradiya sa ranggo ng Arkokopradiya (Archconfraternity). Noong Mayo 21, 1912, itinaas naman ito ni Papa Pio X sa ranggo ng Unibersal na Arkokopradiya ng Apostolikong Liham na Pias Fidelium Societates, at hinggil sa pangkasaysayang autentisidas ni Filomena, nakasaad na: "Ang kasalukuyang mga pahayag (hinggil kay Santa Filomena) ay nananatili at mananatiling nakapirmi, may pinagsasaligan at mabisa; sa gayong paraan dapat na ituring itong normatibo; at kung magpatuloy sa ibang paraan, ay mapapawalang-bisa, anuman ang kapangyarihan nito."[14][15]

Hindi kasali ang pangalang Santa Filomena sa Martirolohiyong Romano [en], ang opisyal na talaan ng mga santong kinikilala ng Simbahang Katolika Romana at kung saang agad na sinasama ang mga santo pagkakanonisado.[16] Sa tipikal na edisyon ng Misal Romano noong 1920 binanggit si Filomena, sa ilalim ng Agosto 11 (kalakip ng pagtukoy na ang Misa para sa kaniyang kapistahan ay dapat na hanguin nang buo mula sa karaniwan,[b] kaya walang anumang bahagi, kahit isang maigsing dasal,[c] na naaayon sa kaniya) sa seksiyong nakapamagat na "Mga misa para sa ilang mga lugar" ("Masses for some places"), iyan ay tanging sa mga lugar na pinayagan para rito.[4]

Noong Pebrero 14, 1961, iniutos ng Banal na Luklukan na dapat tanggalin ang pangalang Santa Filomena sa lahat ng mga kalendaryong liturhikal na may pagbanggit sa kaniya.[1] Binigay ang kautusang ito bilang bahagi ng panuto sa paggamit ng mga panuntunang inihayag sa Kodigo ng mga Rubrika ng 1960 sa mga kalendaryong pampook. Inilapat na ang panutong ito sa Pangkalahatang Kalendaryong Romano. Iniutos sa Seksiyong 33[1] ng dokumentong ito ang pagtanggal mula sa mga kalendaryong pampook ng labing-apat na ipinangalang mga pista, ngunit pinayagan ang pagpapanatili ng mga ito sa mga lugar na may natatanging ugnayan sa gayong pista. Dagdag nito: "Ngunit, ang pista ni Santa Filomena, Birhen at Martir (ika-11 ng Agosto) ay buburahin mula sa anumang kalendaryo maski ano."[17] Hindi kinuwestiyon ng hakbang na ito ang kaniyang pagkanaroroon o pagkasanta, ni hindi man pinagbawal ang litaw na debosyon kay Santa Filomena.[kailangan ng sanggunian] Walang inilabas na kautusan sa pagsususpinde o pagbabawal sa Arkokopradiya.

Pamimitagan mula sa ibang mga santo

baguhin
 
Estatuwa ni Santa Filomena sa Simbahan ng Parokya ni San Juan Maria Vianney sa Barangay Cembo, Makati, Pilipinas

Mga suliranin

baguhin

Bagamat hindi humahantong sa pinagsanhian ang pagkakaugnay, ang kautusan ng Banal na Luklukan na tanggalin ang pangalan ni Santa Filomena kahit sa mga kalendaryong pampook ay kasunod ng mga pagtatanong ng ilang mga iskolar, na napukaw sa pangyayaring ito, lalo't higit sa kaugnayan nito sa mga pahayag ni Sister Maria Luisa di Gesù.[8] Nagtanong ang mga iskolar lalo na si Orazio Marucchi, na ang kaniyang mga kongklusyon ay sinang-ayunan ni Johann Peter Kirsch, isang arkeologo at pang-iglesya na mananalaysay na may-akda ng lathalain hinggil kay Filomena sa Catholic Encyclopedia,[6]. Ngunit, ayon kay Mark Miravalle hindi tinanggap ng iba ang gayong mga kinalabasan.[20]. Nagsulat si Michael S. Carter (na sumasang-ayon sa pananaw ni Miravalle) tungkol sa debosyon kay Santa Filomena sa loob ng mas-malawak na konteksto ng pamimitagan ng "mga martir buhat sa katakumba" at ang kanilang mga relikya sa kasaysayan ng Estados Unidos.[21]

Ang inskripsiyon sa tatlong mga baldosang na nagbigay ng pangalang "Filumena" ay mula noong kalagitnaan o huling kalahati ng ikalawang dantaon,[6] habang ang katawang natagpuan ay mula sa ika-apat na dantaon, noong tapos na ang mga pang-uusig sa mga Kristiyano.[8] Hindi lamang ang pangalan kundi ang dahon, ang dalawang mga angkla at ang palmang nagpapalamuti sa tatlong mga baldosa, at pinaniwalaang tumutukoy na isang martir si Filumena (bagamat pinabulaanan na ang kinakailangang kaugnayan ng mga sagisag na ito sa pagkamartir), ay walang kaugnayan sa taong natuklasan ang kaniyang mga labi.[6] Ang pagkakalat ng kaayusan ng mga baldosa ay isang karaniwang gawain ng mga sakristan ng ika-apat na dantaon habang gumagamit muli ng mga kagamitang naka-ukit na, na may layuning itukoy na hindi ito ang parehong tao na nakalibing sa lugar na ito.

Noong Abril 2005, sa "Conference of Philomenian Studies – 1805-2005," isinapubliko ang mga bunga ng isang pag-aaral na isinagawa ng Opificio delle Pietre Dure e Laboratori di Restauro (Factory of Hard Stones and Restoration Laboratories) ng Florencia sa mga baldosa. Pinatunayan ng pagsusuri na isang uri apog lamang ang matatagpuan sa mga baldosa, kaya nagbibigay ito ng matibay na suporta sa teoriyang hindi talaga nabago ang pagkakapuwesto ng mga baldosa.[22]

Pinagtatalunan ng paroko ng dambana sa Mugnano del Cardinale ang mga pag-aaral na ito. Pagkarang iniulat ang kapasiyahan ng Sagradong Kongregasyon ng mga Rito noong 1961 bilang bunga ng mga pag-aaral ng mga iskolar, sinabi sa Enciclopedia dei Santi na mayroon pa ring mga himalang naganap at opisyal na pagkilalang ibinigay ng Simbahang Katolika noong ika-19 na dantaon, ang pansariling debosyon kay Filomena ng mga santo papa at taong naging santo kalaunan, at ang malawak na debosyong nananatili pa rin, lalo na sa Mugnano del Cardinale sa Diyosesis ng Nola, kung saang patuloy na dumadagsa ang mga peregrino mula sa lahat ng dako ng mundo, kaya nagpapakita ito ng litaw na matinding debosyon.[8]

Ipinalalagay ng websayt ng "The National Shrine of Saint Philomena, Miami, Florida" ang "mga hakbang na isinagawa noong 1960 bilang gawain ng diyablo upang pagkaitan ng mga tao ng Diyos ang isang pinakamakapangyarihang Tagapamagitan, lalo na sa mga larangan ng kadalisayan at pananampalataya, sa panahong sinusubukan ang mga birtud na ito tulad ng sa kasalukuyan!"[23]

Katayuan

baguhin
 
Estatuwa ni Filomena sa Molve, Croatia

Sa kaniyang aklat na "It Is Time to Meet St Philomena," sinabi ni Mark Miravalle na "liturhikal na kinanonisado ni Papa Gregorio XVI si Santa Filomena, sa isang akta ng karaniwang Awtoridad ng Santo Papa (Papal Magisterium)."[24] Taliwas ito sa kinaugaliang pananaw na ang kanonisasyon ay isang pagganap ng awtoridad na hindi maaaring magkamali, na dapat may "tiyak na pinanghahawakan" sa pagpahayag ng katotohanan.[25][26][27]

Naglalaman ang Martirolohiyong Romano [en] ng mga pangalan ng lahat ng mga santong pormal na kinanonisado, sapagkat "kalakip ng kanonisasyon ng isang bagong santo, ang taong iyon ay opisyal na nakatala sa katalogo ng mga santo, o ang Martirolohiyo",[28] at "sa sandaling ginanap ang beatipikasyon o kanonisasyon, ang pangalan ng tao ay teknikal na bahagi ng Martirolohiyong Romano."[29] Hindi ito naglalaman ng pangalan ni Filomena, na wala rin sa edisyon ng katalogo noong 1856 na inilathala mga dalawampung taon pagkaraan ng dekreto noong 1837.

Ang kanonisasyon ay isang seremonyang may pinakamataas na kasagraduhan, kung saang inihahayag ng Santo Papa mismo, sa pagtawag sa kaniyang kataas-taasang kapangyarihan sa Simbahang Katolika, na isang santo ang isang tao at ipinapaloob ang pangalan ng taong iyon sa katalogo ng mga santo.[30] Walang ginanap na ganitong seremonya para kay Santa Filomena.[31]

Talababa

baguhin
  1. Ingles tertiary - "kasapi sa pangatlong orden sa monasteryo" ayon sa [1]
  2. Ingles common - "uri ng serbisyo ng simbahan na idinadaos tuwing may tanging pintakasi o araw ng pangilin" [2]
  3. Salin ng Ingles na collect ayon sa [3]

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 1.2 Acta Apostolicae Sedis, 1961, p. 174. The text can be consulted on the website of the Holy See. It is also available at Instruction De calendariis particularibus (1961) together with a French translation and a note that recounts the history of the devotion and that says a different saint named Philomena (July 5) and two called Philomenus (November 14 and November 29) were listed in the Roman Martyrology, in which this Philomena never appeared.
  2. "Philomena and the Coptic Church". Orthodoxy is Life. 2019-05-16. Inarkibo mula sa orihinal noong 2020-06-27.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "st philomena - Google Search". www.google.com. Nakuha noong 2019-10-03.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. 4.0 4.1 1920 typical edition of the Roman Missal, with feasts updated to the late 1920s Naka-arkibo 2020-03-01 sa Wayback Machine., p. [214]: "11 August. St Philomena. Virgin and Martyr. Mass: Loquebar from the Common of Virgins, 1."
  5. Butler's Lives of the Saints, edition quoted in University of Leicester, Saints at a Glance by Dr G.R.Jones Naka-arkibo 2011-06-06 sa Wayback Machine.
  6. 6.00 6.01 6.02 6.03 6.04 6.05 6.06 6.07 6.08 6.09 Kirsch, Johann Peter. "St. Philomena." The Catholic Encyclopedia. Vol. 12. New York: Robert Appleton Company, 1911. 29 Apr. 2013
  7. "corpus … in pulverem et in fragmina redactum", as described in the document with which the remains where handed over (quoted in Present Ecclesial Status of Devotion to St. Philomena Naka-arkibo 2005-04-25 sa Wayback Machine.)
  8. 8.00 8.01 8.02 8.03 8.04 8.05 8.06 8.07 8.08 8.09 8.10 Enciclopedia dei Santi: Santa Filomena di Roma
  9. ""Discovery and Translation to the Shrine", Sanctuary of Saint Philomena". Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-04-02. Nakuha noong 2020-06-27.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. Francesco Di Lucia, Relazione istorica della translazione del corpo di S. Filomena vergine, e martire da Roma a Mugnano del Cardinale, vol. 2, pp. 80ff.
  11. Pope Paul VI, Apostolic Constitution Indulgentiarum doctrina (1 January 1967); cf.Enchiridion Indulgentiarum
  12. Saint Philomena : Virgin martyr and wonder worker. Cecily Hallack. Dublin, Ireland; Anthonian Press, 1936 Pages 120–124
  13. "The Oil of Saint Philomena" (sa wikang Ingles). Sanctuary of Saint Philomena. Inarkibo mula sa orihinal noong 26 Enero 2020. Nakuha noong 26 Enero 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. "History of the Universal Arch Confraternity (Archconfraternity) of Saint Philomena". Nakuha noong 21 Hunyo 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. Pias Fidelium, (May 21, 1912), AAS 4, 1912, p. 398.
  16. "With the canonization of a new saint, that person is officially listed in the catalogue of saints, or Martyrology" (Canonization); "as soon as the beatification or canonization event takes place, the person's name is technically part of the Roman Martyrology" (Catholic Saints Database Naka-arkibo 2012-02-24 sa Wayback Machine.); cf. (New York Times The Roman Martyrology).
  17. "Festum autem S. Philumenae V. et M. (11 augusti) e quolibet calendario expungatur."
  18. "St. Philomena Catholic Church in Kalawao", Kalaupapa National Historical Park, US National Park Service
  19. "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2021-09-26. Nakuha noong 2020-06-28.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  20. In his book It Is Time to Meet St. Philomena, Mark Miravalle cites several who disagree with Marucchi's conclusions (Mark Miravalle, It Is Time to Meet St. Philomena. Queenship Publishing 2007, pp. 12–13).
  21. https://muse.jhu.edu/article/685105/summary. {{cite web}}: Missing or empty |title= (tulong)
  22. "The Miracles used for the canonisation of Saint Philomena and supporting previous and recent studies". philomena.it. Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-08-30. Nakuha noong 2016-08-23.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  23. "Did Saint Philomena Really Exist?". Inarkibo mula sa orihinal noong 2021-09-26. Nakuha noong 2020-06-28.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  24. Mark Miravalle, It Is Time to Meet St Philomena (Queenship Publishing Company, P. O. Box 220, Goleta, California 2007 ISBN 978-1-57918-333-2), p. 41 (of 51)
  25. Doctrinal Commentary on the Concluding Formula of the Professio Fidei Naka-arkibo 2015-04-29 sa Wayback Machine., by Cardinal Joseph Ratzinger (now Pope Benedict XVI), Congregation for the Doctrine of the Faith.
  26. "Beatification and Canonization", The Catholic Encyclopedia, Vol. 2. New York: Robert Appleton Company, 1907, p. 366
  27. Encyclopedia Americana (International Edition) 2005, article "Canonization"
  28. Canonization
  29. Catholic Saints Database Naka-arkibo 2012-02-24 sa Wayback Machine.; cf. New York Times. "Word for word: Martyrology" Catholic Bible Student, "The Roman Martyrology"
  30. "P.E. Hallett, "The Canonization of Saints"". Inarkibo mula sa orihinal noong 2019-05-24. Nakuha noong 2020-06-29.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  31. Commonweal, vol 75, p. 431

Bibliograpiya

baguhin

Mga kawing panlabas

baguhin