Fossombrone
Ang Fossombrone ay isang komuna (munisipalidad) sa Lalawigan ng Pesaro at Urbino sa rehiyon ng Marche ng Italya.
Fossombrone | |
---|---|
Comune di Fossombrone | |
Mga koordinado: 43°42′N 12°49′E / 43.700°N 12.817°E | |
Bansa | Italya |
Rehiyon | Marche |
Lalawigan | Pesaro e Urbino (PU) |
Mga frazione | Calmazzo, Ghilardino, Isola di Fano, Mont'Alto, San Lazzaro, Torricella, Bellaguardia, San Gervasio, San Martino dei muri, San Piero in Tambis, Santa Maria della valle |
Pamahalaan | |
• Mayor | Gabriele Bonci |
Lawak | |
• Kabuuan | 106.88 km2 (41.27 milya kuwadrado) |
Taas | 118 m (387 tal) |
Populasyon (2018-01-01)[2] | |
• Kabuuan | 9,454 |
• Kapal | 88/km2 (230/milya kuwadrado) |
Demonym | Fossombronesi o Forsempronesi |
Sona ng oras | UTC+1 (CET) |
• Tag-init (DST) | UTC+2 (CEST) |
Kodigong Postal | 61034 |
Kodigo sa pagpihit | 0721 |
Santong Patron | San Aldebrandus ng Fossombrone |
Saint day | Mayo 1 |
Websayt | Opisyal na website |
Pisikal na heograpiya
baguhinAng bayan ng Fossombrone ay ang pinakamalaking sentro sa gitna ng Lambak Metauro at nailalarawan sa pamamagitan ng isang medyebal na sentro na nakatatag sa dalisdis ng isang burol at pinangungunahan ng isang kuta at mga guho ng kuta ng Malatesta. Ang modernong bahagi ng bayan ay umaabot sa kapatagan sa magkabilang panig ng ilog Metauro habang ang lugar ng industriya ay matatagpuan sa kahabaan ng Via Flaminia, pagkatapos ng lokalidad ng San Martino del Piano sa direksiyon ng Fano.
Kasaysayan
baguhinAng sinaunang Romanong kolonya ng Forum Sempronii ay kinuha ang pangalan nito mula kay Gaius Sempronius Gracchus.
Malapit sa Pasong Furlo, sa panahon ng Digmaang Gotiko, ay nagkaroon ng labanan noong 552, ang Labanan ng Taginae, kung saan si Totila ay tinalo ng Bisantinong heneral, si Narses.
Mga pangunahing tanawin
baguhinAng lungsod at ang mga paligid nito ay sagana sa mga sinaunang panahon, lalo na sa mga inskripsiyon. Kapansin-pansing mga labi ay ang estatwa ng diyos na si Vertumnus; ang Pasong Furlo, na itinayo ng Emperador Vespasiano upang paikliin ang daanan ng bundok na iyon; ang tulay ni Trajano (115) malapit sa Calmazzo, at ang tulay na tinatawag na Ponte della Concordia, na orihinal na itinayo noong 292 ni Diocleciano, kapuwa sa ibabaw ng Metaurus.
Mga kakambal na bayan
baguhin- Entraigues-sur-la-Sorgue, Pransiya
Mga sanggunian
baguhin- Naglalaman ang artikulong ito ng mga teksto mula sa Encyclopædia Britannica Ika-11 Edisyon, isang publikasyon na nasa publikong dominyo na.
- Naglalaman ang artikulong ito ng mga teksto mula sa nasa pampublikong dominyong Katolikong Ensiklopedya ng 1913.
- ↑ "Superficie di Comuni Province e Regioni italiane al 9 ottobre 2011". Istat. Nakuha noong 16 Marso 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Popolazione Residente al 1° Gennaio 2018". Istat. Nakuha noong 16 Marso 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)