Fra Lippo Lippi (banda)

Ang Fra Lippo Lippi ay isang banda na tubong Norway. Sumikat sila sa Pilipinas sa mga awiting tulad ng "Every Time I See You" at "Later".

Fra Lippo Lippi
PinagmulanNorway
GenreSoft Rock
Contemporary
Taong aktibo1978 - present
MiyembroØyvind Kvalnes
Morten Sjøberg
Per Øystein Sørensen
Rune Kristoffersen
WebsiteOfficial Website

Talambuhay

baguhin

Ang bandang Fra Lippo Lippi ay nabuo noong 1978 sa syudad ng Nesodden sa labas ng Oslo, Norway na kung saan, una silang nakilala bilang "Genetic Control". Ang Fra Lippo Lippi noon ay kinabibilangan nina Rune Kristoffersen, Morten Sjøberg at Bjørn Sorknes. Ang una nilang album ay isang EP na kinapapalooban ng apat na piyesang instrumental. Noong 1981, nilabas nila ang una nilang plaka na pinamagatang In Silence na naglalaman ng mga awiting malagim tulad ng mga awit ng The Cure at Joy Division.

Noong 1983, sumapi sa Fra Lippo Lippi si Per Øysten Sørensen ayon sa mungkahi ng kanilang tagapangasiwa ng tunog. Mula noon, si Sørensen ang taga-awit ng mga kanta ng Fra Lippo Lippi. Noong taon ring iyon inilabas ng Fra Lippo Lippi ang pangalawa nilang plaka na pinamagatang Small Mercies.

Sa puntong ito lumisan si Sorknes sa grupo upang sumali sa bandang Holy Toy. Ngunit pansamantala rin siyang bumalik noong 1984 para tumugtog ng bass guitar habang isinasaplaka ng Fra Lippo Lippi ang mga bagong nilang awit sa Polar Studios sa Sweden. Kasama rin ng banda ang tagapangasiwa ng paggawa na si Kaj Erixon at ang bago nilang kasapi na si Øyvind Kvalnes.

Noong 1985 ay isinaplaka ng Fra Lipo Lippi ang unang salin ng awit nilang "Every Time I See You" na kung saan katulong nila si Dave Allen, producer The Cure at Depeche Mode. Ang "Every Time I See You" ay naging isa sa mga pinakasikat na awit ng Fra Lippo Lippi. Noong taon ding iyon ay umalis sina Kvalnes at Sjøberg sa grupo...at naiwan sa Fra Lippo Lippi sina Kristoffersen at Sørensen.

Matapos ang paghihiwalay ay inilabas nila ang pagatlo nilang plaka na pinamagatang Songs. Bumenta ito sa Norway ng 5,000 na piraso at dahil dito, napansin sila ng kompanyang Virgin Records sa Inglatera. Ang Fra Lippo Lippi ay pinapirma ng kontrata ng Virgin Records na may layuning palawigin ang kasikatan ng grupo sa Estados Unidos. Kinuha ng Virgin Records ang tulong ni Walter Becker ng bandang Steely Dan upang mabuo ang ika-apat na plaka ng Fra Lippo Lippi.

Nagdaos ng mga konsiyerto ang Fra Lippo Lippi noong 1986 sa Norway at ang mga ito ay dinumog ng tao. Ang plaka nilang Songs ay bumenta ng karagdagang 20,000 na piraso at ang awit nilang "Shouldn't Have To Be Like That" ay umabot ng #4 sa mga talaan ng benta sa Norway at ilang lugar sa Inglatera. Sumali at nanalo sila sa Yamaha Song Contest sa Japan. Tumugtog sila sa ilang club doon at inawit nila ang bago nilang kantang "Angel" sa Budokan. Matapos ilabas ng Fra Lippo Lippi ang pag-apat nilang plaka na pinamagatang Light and Shade, nakipaghiwalay sila sa Virgin Records. Pumirma sila ng baging kontrata sa "The Record Station" ng Sweden.

Noong 1988, bumisita ang Fra Lippo Lippi sa Pilipinas na kung saan nag-konsiyerto sila sa Tanghalang Francisco Balagtas (ang dating Folks Arts Theater). Dinumog ng mga tao ang anim na araw na pagtatanghal ng grupo at dahil dito, naging tanyang ang Fra Lippo Lippi sa Pilipinas.

Matapos nito ay sinimulan nilang gawin ang panlima nilang plaka. Nagkaroon sila ng maraming problema sa produksiyon at muntik silang magkahiwalay. Ngunit natapos din nila ito at pinamagatan nila itong The Colour Album. Ginawa rin ng Fra Lippo Lipi ang plakang Crash of Light, isang "live" album, at dahil sa problemang legal, ito ay nailabas sa Pilipinas lamang.

Humiwalay ang Fra Lippo Lippi sa "The Record Station" noong 1990 at sinimulan nilang gawing ang susunod nilang plaka...sa silong ng bahay ni Rune Kristoffersen. Nang matapos ay pinadala ito kay Kaj Erixon sa Sweden. Ang bunga ay ang Dreams (plaka ng Fra Lippo Lippi), ang pang-anim nilang plaka na nilabas sa Japan at Pilipinas.

Matapos ay naglabas ang Fra Lippo Lippi ng "Best of..." na plaka. Ito ay nailabas sa Norway at Japan bilang "The Best Of Fra Lippo Lippi 85-95" noong 1995 at "The Virgin Years - Greatest Hits" sa Pilipinas noong 1997.

Bumalik ang Fra Lippo Lipi sa Pilipinas noong taong 2000 at tumugtog sila sa Maynila at sa unang pagkakataon...sa Cebu. Tinatayang 15,000 katao ang kabuuang nanood ng kanilang muling pagtatanghal. Noong sumunod na taon ay nilabas ni Sørensen ang awit na "Later" sa Pilipinas na naging sikat sa radyo. Noong 2002 ay iniwan din ni Kristoffersen ang Fra Lippo Lippi at hinayaang si Sørensen ang mamahala dito. Inilabas ng Fra Lippo Lippi ang bagong plaka noong taong din iyon at ito ay pinamagatang In A Brilliant White.

Mga Plaka

baguhin

Mga Pahinang Paguugnay

baguhin