Si Francine Prieto (totoong pangalan: Anna Marie Falcon) ay isang aktres na Pilipina.

Francine Prieto
Kapanganakan
Anna Marie Falcon

17 Setyembre 1981
Ibang pangalanFrancine Da Silva

Talambuhay

baguhin

Ipinanganak si Francine Prieto noong Setyembre 17, 1980. Taga-Norway ang kanyang ama at Pilipina ang kanyang ina. Nang naghiwalay ang kanyang mga magulang, ikinasal muli ang kanyang ina sa isang Pilipino. Isa si Francine sa limang anak ng kanyang ina.

Noong sampung taong gulang si Prieto, gumanap siya sa dramang pantelebisyon sa ABC 5 na pinamagatang Criselda. Sumali si Prieto noong 2003 sa Bb. Pilipinas at bagama't hindi siya nagwagi, nadiskure naman siya ng tagapangasiwa ng mga artista na si Ces Evangelista.

Di kalaunan ay naging artista si Francine Prieto sa pangangasiwa ng Seiko Films. Ngunit tinaggihan ng puno ng Seiko Films na si Robbie Tan ang pangalang "Falcon" dahil kahawig nito ang pangalan na "Falcon: Agent X-44", isang tauhan sa pelikula na ginampanan ng aktor na si Tony Ferrer. Inimungkahi ni Robbie Tan ang pangalang "Francine Da Silva" nguni't kahawig ito sa pangalan ng aktor na si Dennis Da Silva na nasangkot sa mga iskandalo noon. Napagpasiyahan nila ang panagalang "Francine Prieto".

Noong 2003 ay nagsimulang mag-modelo si Prieto para sa babasahing FHM. Noong taong rin iyon siya gumanap sa pelikulang Liberated. Sinundan ito ng Liberated 2 at binansagan si Francine Prieto na "Sensuality Queen".

Gumanap din si Francine Prieto sa telebisyon sa telefantasyang Etheria bilang "Avria" at sa komedyang Bahay mo ba 'to bilang "Jingle".

Mga Ginanapang Palabas

baguhin

Telebisyon

baguhin

TV Shows

baguhin

Pelikula

baguhin

Mga Pahinang Pag-uugnay

baguhin


   Ang lathalaing ito na tungkol sa Pilipinas at Artista ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.