Francis Baraan

Tagapangtanggol ng karapatang pantao at dyornalista

Si Francis "Frank" Martin Beltran Baraan [1] (mas kilala sa social media bilang Francis Baraan IV o Frank Baraan; pinanganak noong 5 Disyembre 1982) ay isang Pilipino na tagapagtanggol ng karapatang pantao [2], negosyante, dyornalista (journalist), kolumnista, pulitikal na blogger, may-ari ng otel,[3] at personalidad ng sosyal midya.[4][5][6][7]

Francis Baraan IV
Kapanganakan
Francis Martin Beltran Baraan

(1982-12-05) 5 Disyembre 1982 (edad 42)
MamamayanPilipino
TrabahoDyornalista, Blogger, Kolumnista, Aktibista
MagulangFrancisco Fontelera Baraan III Felicidad Villarda Beltran-Baraan

Noong 2020, nanomina siya para sa The Outstanding Young Men of the Philippines (TOYM) na parangal. Isa siya sa mga Finalists para sa kanyang aktibismo sa sosyal midya, at sa kanyang mga kolum sa The Philippine Business and News.[8]

Adbokasiya

baguhin

Adbokasiya ni Francis ang karapatang pantao, mental health, at LGBT rights. Si Francis rin ang nag-sponsor ng 'I Am Not Immoral' photo-video campaign bilang pagsuporta sa Ladlad Party List, isang LGBT rights party list. Kabilang sa mga tanyag na nag-attend ng event ay si Senadora Risa Hontiveros, John Lapus at iba pa.[9][10]

Kabataan at Pamilya

baguhin

Si Francis ay pinanganak sa Lungsod ng Dagupan, Pangasinan. Siya ang panganay sa apat na anak ng abogado at dating Justice Undersecretary Francisco Baraan III at negosyanteng Felicidad Villarda Beltran-Baraan.

Edukasyon

baguhin

Nagtapos ng kursong AB English si Francis sa Lyceum-Northwestern University. Dalawang taon din siyang nag-aral ng Liberal Arts sa University of Asia and the Pacific. Nag-aral din siya sa University of Western Australia (sangay ng Manila).

Maling Impormasyon

baguhin

Kabilang si Francis sa mga public figures, gaya ng TV personality na si Bianca Gonzales at ng singer at Twitter personality na si Kakie Pangilinan, na nag-tweet ng hindi beripikadong impormasyon tungkol sa mga "persons of interest" sa pagkamatay ng kontrobersyal na PAL Flight Attendant na si Christine Dacera, at nag-issue ng public apology.[11][12]

Tanyag na Nominasyon at Parangal

baguhin

Noong Oktubre 2020, nanomina si Francis ng JCI Cainta Chapter para sa isa sa mga pinakaprestihiyosong parangal para sa mga Pilipinong Kabataan, ang The Outstanding Young Men of the Philippines (TOYM) Awards ng JCI Philippines. Nanomina siya dahil sa kanyang pulitikal na aktibismo, adbokasiya para sa kalusugang mental[13][14], pagdepensa para sa karapatang pantao,[15] at dahil sa kanyang mga artikulo sa kanyang "Brutally Frank" kolum sa The Philippine Business and News.[16]

Sa mahigit-kumulang na daan-daang nanomina mula sa buong Pilipinas, isa si Francis sa mga napili sa 30 na Finalists, kung saan 10 ang pinal na naparangalan ng TOYM.

Sinulatan pa mismo ng TIME Democracy Icon at Senadora Leila de Lima si Francis mula sa Camp Crame nung nanomina siya.[17]

Mga Sanggunian

baguhin
  1. "8 Fun Things About Francis Baraan IV". Inarkibo mula sa orihinal noong 2022-02-06. Nakuha noong 2021-04-23.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Traveler Profile: Why Is Francis Baraan More Than Just Your Average Hotelier
  3. This Dynamic Duo Is Reinventing The Pangasinan Vacation Scene With Sirom Beach House
  4. Jim Paredes Advises Political Influencer To Just Ignore Ethel Booba
  5. Political Blogger na si Francis Baraan Sinabing Hindi Raw Tunay na Kristiyano si Manny Pacquiao
  6. Top 5 Socio-Political Influencers
  7. "Francis Baraan Biography: 13 Interesting Facts About The Filipino Human Rights Activist". Inarkibo mula sa orihinal noong 2021-04-23. Nakuha noong 2021-04-23.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. https://twitter.com/MrFrankBaraan/status/1320948050236338178?s=19
  9. Francis Baraan IV Gives Tips to Bipolar Like Him To Cope Pandemic
  10. All hail, the Baklang Kanal!: Subversive frivolity in two Filipino influencers. Plaridel. Advance online publication
  11. https://www.pep.ph/news/local/155966/bianca-gonzalez-frankie-pangilinan-dacera-case-a4437-20210107-lfrm?ref=article_tag
  12. "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2021-07-14. Nakuha noong 2021-07-14.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2022-02-05. Nakuha noong 2022-02-05.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. How To Cope with Bipolar Disorder in Pandemic According To Francis Baraan IV
  15. https://conandaily.com/2020/06/15/frank-baraan-iv-on-maria-ressas-conviction-greatly-alarming-but-not-surprising/
  16. https://twitter.com/MrFrankBaraan/status/1319913519630876672?s=19
  17. https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=4111111655582542&id=100000512435738&sfnsn=mo

Panlabas na Sanggunian

baguhin

[1]


  1. https://m.wikidata.org/wiki/Q69912601