Friday (awit)
Ang "Friday" ay isang awit na isinulat nina Clarence Jey at Patrice Wilson. Ito ay nagsilbing unang pangkalakalan (commercial) na single ni Rebecca Black, isang 13-taong-gulang na Amerikanang mang-aawit mula Anaheim, California.[1] Ito ay pinakawalan bilang isang solong noong 10 Pebrero 2011, at pagkatapos, nag-umpisa ito noong 14 Marso 2011 sa iTunes.[2] Ang single ay inilunsad ng ARK Music Factory, isang maliit na kompanyang pagmamay-ari nina Jey and Wilson.[3] Sa loob lamang ng isang linggong pagbebenta sa "Friday", umakyat ito sa sales chart ng iTunes sa ika-19 na puwesto noong 19 Marso 2011.[4]
Ang music video ng naturang awitin ay sumikat nang husto sa internet,[5][6] simula noong Biyernes, 11 Marso 2011, nang ang panood ng bidyo ng awit sa YouTube ay humataw mula 3,000 hanggang 18 milyon sa loob lamang ng isang linggo.[7] Ang mabilis na pagdagsa ng interes sa awit ay naganap matapos ilimbag ang isang blog post ng Tosh.0 na pinamagatang "Songwriting Isn't for Everyone" (Ang pagsulat ng awit ay hindi para sa lahat) noong Marso 11.[8] Nang dahil sa biglaang kasikatang natamo ni Black at ng bidyo, umulan na rin ng mga remixes at pagtuya.[9][10] Ayon sa Forbes, ang popularidad ng awitin ay isang pruweba ng kapangyarihan ng social media – partikular na ang Twitter, Facebook, at Tumblr na lumikha ng "mabilisang sensasyon".[11][12]
Komposisyon at Rekording
baguhinSa isang panayam ng The Daily Beast, inalala ng ina ni Black na si Georgina Kelly, kung paanong naikuwento ng mga kaibigan at kaklase ng kanyang anak ang tungkol sa Ark Music Factory, isang estudyong nakabase sa Los Angeles na nagbibigay pagkakataon sa batang mang-aawit na magkaroon ng karanasan sa industriya ng rekording kapalit ang halaga.[13] Nagbayad si Kelly ng $2,000 para sa isang package na binubuo ng dalawang awiting nauna nang naisulat.[13]
Pinili ni Black ang "Friday", sapagkat ang isa ay "tumatalakay sa pag-ibig adulto", kung saan sinabi niyang wala pa siyang karanasan. Ang 'Friday' ay tungkol sa pakikipag-kaibigan at pagsasaya.[13] Ang Ark Music ang humawak sa produksiyon ng bidyo, at gumamit pa ng software na umaayos ng tono, ang Auto-Tune.[13] Nagkaroon ng pagdududa si Kelly sa kalidad ng liriko, subalit pumayag na rin dahil sinabi ni Black na payag siyang awitin ito.[13]
Resepsiyong Kritikal
baguhinKaramihan sa mga rebyu ng kanta ay pulos negatibo, at may nagsabi pang ito ang pinakamalalang awit sa kasaysayan.[14] Sinabi pa ng ilan na ito ay di-pangkaraniwan at kakatwa.[5][15][16] Ang mang-aawit at ang awit ay patuloy na iniinsulto sa internet,[17] habang nagsisilbing katatawanan sa YouTube.[10] Mayroon ding kritisismo dahil sa pag-abuso sa paggamit ng auto-tune.
Reaksiyon
baguhinMatapos mabasa ang masasakit na komento sa awitin, sinabi ni Black na iyon ang "pinakamasakit na komentong gumimbal sa kanya".[18] Ninais ng Ark Music na alisin ang bidyo sa YouTube, subalit tumanggi si Black at sinabing hindi niya ninais na "bigyan ng pagkakataon ang mga naninira na maging kuntento sa naging resulta ng mga pangyayari".[18]
Ayon kay Matthew Perpetua ng magasing Rolling Stone, natuwa siya nang mapanood ang panayam sapagkat, napag-alaman niyang si Black ay isang "disente at malambing na mang-aawit, at si Black ay isang kuntento, masayahin at mapagpasalamat na bata".[19] Natuwa rin siya sa pagnanais nito na ibigay ang malaking bahagi ng kanyang kikitain sa kanta sa mga nasalanta ng lindol at tsunami sa bansang Hapon nitong 2011.
Inihayag naman ni Simon Cowell sa magasing People ang kanyang paghanga kay Black. Ayon sa kanya, inis man ang nadarama ng mga tao subalit ito ay dahil sa publisidad na natamo ni Black. Sinabi pa nitong nais niyang personal na makaharap ang mang-aawit. Sinumang gumawa ng kontrobersiya sa loob ng isang linggo ay kahanga-hanga.[20]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Larsen, Peter (15 Marso 2011). "O.C. teen Rebecca Black is a viral video hit with 'Friday'". The Orange County Register. Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-03-19. Nakuha noong 16 Marso 2011.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Friday - Single by Rebecca Black". iTunes Store. Nakuha noong 15 Marso 2011.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Williams, Mary Elizabeth (2011-3-14). "What's behind the "worst music video ever"?". Salon.com. Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-06-29. Nakuha noong 2011-03-14.
{{cite news}}
: Check date values in:|date=
(tulong) - ↑ Cassidy, Meghan (2011-3-18). "Rebecca Black's GMA Bullying: Best Friday Ever". Forbes. Nakuha noong 2011-03-18.
{{cite news}}
: Check date values in:|date=
(tulong) - ↑ 5.0 5.1 "Rebecca Black's 'Friday' Becomes Internet Sensation (VIDEO)". The Huffington Post. 2011-3-14. Nakuha noong 2011-03-14.
{{cite news}}
: Check date values in:|date=
(tulong) - ↑ Sloame, Joanne. Rebecca Black 'Friday' YouTube viral video pales in comparison to Justin Bieber hits Naka-arkibo 2011-03-18 sa Wayback Machine.. New York Daily News. 15 Marso 2011. Retrieved 15 Marso 2011.
- ↑ "Rebecca Black adds Official Twitter with help from Ryan Seacrest". OK Magazine. 2011-3-19. Nakuha noong 2011-03-19.
{{cite news}}
: Check date values in:|date=
(tulong) - ↑ Shultz, Cara Lynn. Singer Rebecca Black Takes Back the Internet from Charlie Sheen Naka-arkibo 2011-03-18 sa Wayback Machine.. People. 17 Marso 2011. Retrieved 17 Marso 2011.
- ↑ Gallo, Lee-Maree (2011-3-15). "Who is Rebecca Black? And is she really bigger than Japan?". The Sydney Morning Herald. Nakuha noong 2011-03-15.
{{cite news}}
: Check date values in:|date=
(tulong) - ↑ 10.0 10.1 Parry, Chris. Rebecca Black's Black Friday: Vanity music project makes teen a YouTube laughing stock Naka-arkibo 2011-04-27 sa Wayback Machine.. Vancouver Sun. 15 Marso 2011. Retrieved 15 Marso 2011.
- ↑ Pasetsky, Mark. Rebecca Black: Why is She Trending on Twitter? Naka-arkibo 2011-07-15 sa Wayback Machine.. Forbes. 14 Marso 2011. Retrieved 14 Marso 2011.
- ↑ Perpetua, Matthew. Why Rebecca Black's Much-Mocked Viral Hit 'Friday' Is Actually Good Naka-arkibo 2012-02-04 sa Wayback Machine.. Rolling Stone. 15 Marso 2011. Retrieved 15 Marso 2011.
- ↑ 13.0 13.1 13.2 13.3 13.4 Lee, Chris (17 Marso 2011). "Rebecca Black: 'I'm Being Cyberbullied'". The Daily Beast. Nakuha noong 18 Marso 2011.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Parker, Lyndsey (2011-3-14). "Is YouTube Sensation Rebecca Black's "Friday" The Worst Song Ever?". Yahoo! Music. Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-03-22. Nakuha noong 2011-03-19.
{{cite news}}
: Check date values in:|date=
(tulong) - ↑ Lynch, Joseph Brannigan (2011-3-14). "Rebecca Black's 'Friday': The Internet's latest bizarre music video obsession". Entertainment Weekly. Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-03-15. Nakuha noong 2011-03-14.
{{cite news}}
: Check date values in:|date=
(tulong); Italic or bold markup not allowed in:|work=
(tulong) - ↑ Gibson, Megan (2011-3-14). "Rebecca Black's Bizarrely Bad Video for 'Friday': Is This For Real?". Time. Nakuha noong 2011-03-14.
{{cite news}}
: Check date values in:|date=
(tulong) - ↑ Lee, Ann. Rebecca Black savaged on Twitter over YouTube hit video Friday. Metro. 15 Marso 2011. Retrieved 15 Marso 2011.
- ↑ 18.0 18.1 Lee, Ann (18 Marso 2011). "Rebecca Black lashes out at Friday 'haters' and refuses to quit as singer". Metro. Nakuha noong 18 Marso 2011.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Perpetua, Matthew (18 Marso 2011). "What You Need to Know About Teen Viral Phenom Rebecca Black". Rolling Stone. Nakuha noong 18 Marso 2011.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Time to cheer up Rebecca Black! Simon Cowell reveals he 'loves' America's most reviled teenager". Daily Mail. 19 Marso 2011. Nakuha noong 19 Marso 2011.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)