Si Rebecca Renee Black (ipinanganak 21 Hunyo 1997) ay isang Amerikanong mang-aawit ng pop na nagkamit ng malawakang atensiyon ng medya dahil sa kanyang awiting "Friday". Ang kanyang ina ay nagbayad ng halagang $4,000 para sa naturang awitin at isang kaagapay na music video na ipinalabas bilang isang vanity release sa pamamagitan ng leybel pamplaka na ARK Music Factory. Ang awit ay kapwa isinulat at ginawa ni Clarence Jey at Patrice Wilson ng ARK Music Factory. Matapos kumalat at maging viral ng video sa YouTube at iba pang mga panlipunang medya, ang "Friday" ay inalipusta ng mga kritiko at mga manonood bilang "the worst song ever" o ang pinakamalalang kantang nilikha sa kasaysayan. Ang music video ay nakatanggap ng mahigit-kumulang sa 167 milyong mga views, na nagsanhi upang makakuha si Black ng internasyonal na pamagat bilang isang "viral star," bago tuluyang alisin mula sa site noong 16 Hunyo 2011. Muling inupload ni Black ang music video sa kanyang sariling channel makalipas ang tatlong buwan.

Rebecca Black

Talambuhay

baguhin

Si Rebecca Black ay ipinanganak noong 12 Hunyo 1997. Ang kanyang mga magulang ay ang mga beterinaryong sina John Jeffery Black at Georgina Marquez Kelly. Siya ay may dugong Espanyol , Italyano, Ingles at Polish. Bukod sa pagiging honor student, si Black ay pormal na nag-aral ng pagsasayaw, nag-audition para sa mga tampok na palabas sa kanyang paaralan, lumahok sa mga pangmusikang summer camps, at nagsimulang kumanta sa publiko ng sumali sa makabayang grupo na Celebration USA. Nang sumapit ang taong 2011, tumigil si Black sa pagpasok sa pampuplikong paaralan at sa halip ay nagpa-homeschool na lamang bilang umano’y tugon sa mga pandiwang pang-aasar sa paaralan at upang tuluyan na ring mapokus ang atensiyon sa umuusbong na karera. Itinatanggi ni Black na siya ay tumigil sa pagpasok sa paaralan dahil sa mga pandiwang pang-aasar at iginiit na ang kanyang karera ang pangunahing dahilan.

Karera

baguhin

Ark Music Factory at "Friday" (2010–2011)

baguhin

Noong 2010 isang kaklase ni Black ang nagbanggit sa kanya tungkol sa Ark Music Factory, isang leybel pamplaka na nakabase sa Los Angeles. Binayaran ng kanyang nanay ng $4,000 ang Ark Music Factory upang ilikha ang isang music video at upang maangkin ng mga Black ang mga legal na karapatan sa naturang video. Ang awiting “Friday,” na buong isinulat ng Ark, ay inilabas sa YouTube at iTunes. Ang video ng kanta ay inupload sa YouTube noong 10 Pebrero 2011 at nagkamit ng mahigit-kumulang 1,000 views sa unang isang buwan. Naging viral ang video noong 11 Marso 2011 nang humakot ito ng milyong-milyong views sa loob lamang ng iilang araw. Naging isa rin ito sa mga pinakapinag-uusapang paksa sa mga panlipunang medya tulad ng Twitter habang pulos pagtutuligsa at mga negatibong komento ang naaani nito. Noong 14 Hunyo 2011, ang video ay mayroon ng mahigit sa 3,190,000 na "dislikes" sa YouTube kung ikukumpara sa mahigit 451,000 na "likes." Ayon sa Billboard, bumenta ng mahigit sa 40,000 na digital na kopya ang kantang “Friday” sa paunang lingo pa lamang mula ng ito ay ilabas. Sa The Tonight Show with Jay Leno noong 22 Marso 2011, inawit ni Black ang “Friday” at kanyang tinalakay ang mga negatibong reaksiyon na nakukuha nito. Ang kanta ay nakaabot sa ika-53 na puwesto sa Billboard Hot 100 samantalang naging ika-33 naman ito sa New Zealand Singles Chart. Sa Britanya, ang kanta ay umabot sa ika-61 na puwesto sa UK Singles Chart.

Si Black ay nakipagtrabaho sa site na Funny or Die para gumawa ng isang serye ng mga video na nagtatalakay tungkol sa kontrobersiya ng mga kabataang ipinakitang nagmamaneho sa kanyang music video. Minsan ding nabanggit ni Black na siya ay tagahanga ni Justin Bieber at ipinahayag ang kanyang pagnanais na maka-duet ito.

Bilang resulta ng kanyang music video, nagsimulang makatanggap noong huling bahagi ng Pebrero 2011 ng mga banta sa buhay si Black. Ito ay kadalasang sa pamamagitan ng telepono at elektronikong liham.Sa ngayon ang mga bantang ito ay sinisiyasat na ng Anaheim Police Department. Noong Marso 2011, naging balibalitang tinulungan umano ni Ryan Seacrest si Rebecca upang makakuha ng kontrata sa DB Entertainment na pag-aari ni Debura Baum.

Pinili si Black ng MTV upang i-host ang kanilang kauna-unahang online na palabas ng pagpaparangal na O Music Awards Fan Army Party noong Abril 2011. Bilang pagkatig sa awiting “Friday,” gumanap si Rebecca bilang hostess ng isang party sa music video ni Katy Perry na pinamagatang “Last Friday Night (T.G.I.F.).” Ang “Friday” ay itinampok din sa ikalawang season ng Glee sa episodyong “Prom Queen” noong 10 Marso 2011. Nang tanungin sa kung bakit itinanghal ang awitin sa Glee, tinugon ni Ryan Murphy (tagapaglikha ng Glee) na, "The show pays tribute to pop culture and, love it or hate it, that song is pop culture."

RB Records at paparating na album (2011-kasalukuyan)

baguhin

Matapos humiwalay sa Ark Music Factory, inanunsyo ni Black na siya ay mag-uumpisa ng sariling leybel pamplaka na papangalanang RB Records. Sa pamamagitan ng RB Records, noong 18 Hulyo naglabas si Black ng kantang “My Moment” na may kasamang music video sa kanyang YouTube channel: ang naturang video ay nakatanggap na ng mahigit-kumulang 590,000 "dislikes" kontra sa 340,000 "likes" noong 27 Nobyembre. Sa music video ng “My Moment,” itinampok ng direktor na si Morgan Lawley ang mga totoong buhay na video ni Black bago at matapos ang kanyang pagsikat.

Pinaplano ni Black na ipalabas ang kanyang opisyal na debut album sa loob ng Nobyembre 2011, kung saan ay sinabi niyang maipapasama ang "a bunch of different kinds of stuff." Inirerecord ang naturang album sa studio na pagmamay-ari ng prodyuser na si Charlton Pettus. Sa isang interview sa The Sun, sinabi ni Black na ang mga kanta ay magiging "appropriate and clean."

Noong 10 Agosto 2011, itinampok si Black sa episodyong “Underage and Famous: Inside Child Stars' Lives” ng palabas sa ABC na Primetime Nightline: Celebrity Secrets.

Noong 16 Setyembre, araw ng Biyernes, muling inupload ni Black ang “Friday” sa YouTube. Noong huling bahagi ng Setyembre, dinala si Black sa Australya ng kompanyang Telstra upang isulong ang kanilang serbisyong 4G.

Noong 25 Oktubre, inanunsyo ni Black ang pagsisimulang i-shoot ang kanyang paparating na music video para sa awiting “Person of Interest.” Sinabi ni Black na, "My next single coming out is called 'Person of Interest.' The basis of it is that it's a love song but it's not a love song. It's about almost teenage crushes — when you're not in love yet but you really like a guy — which I'm really excited about because I don't think there are too many out like that. It's very much a dance type song. It will make you get up and dance and sing along in your car." Isang tagatis ng opisyal na music video ang ipinost noong 3 Nobyembre. Nagpalabas si Black ng isa pang tagatis na may kasamang kapiraso ng kanyang awitin sa kanyang YouTube channel noong 10 Nobyembre. Ang kanta at kaagapay nitong music video ay nailabas noong 15 Nobyembre.

Talaan ng mga awitin

baguhin
  • “Friday”
  • “My Moment”
  • “Person of Interest”

Mga pagkilala at nominasyon

baguhin
Taon Nanominang trabaho Palabas ng pagpaparangal Parangal Resulta
2011 "Which Seat Can I Take?"
(50 Cent, Rebecca Black, Bert)
MTV O Music Awards Favorite Animated GIF Nominado
Sarili 2011 Teen Choice Awards Choice Web Star Nanalo
J-14 Teen Icon Awards Iconic Web Star Padron:Iaanunsyo

Sanggunian

baguhin
baguhin
  • Opisyal na website
  • Opisyal na YouTube channel
  • Rebecca Black sa Internet Movie Database