Frossasco
Ang Frossasco ay isang comune (komuna o munisipalidad) sa Kalakhang Lungsod ng Turin sa rehiyon ng Piamonte, hilagang Italya, na matatagpuan mga 30 km timog kanluran ng Turin.
Frossasco | |
---|---|
Comune di Frossasco | |
Mga koordinado: 44°56′N 7°21′E / 44.933°N 7.350°E | |
Bansa | Italya |
Rehiyon | Piamonte |
Kalakhang lungsod | Turin (TO) |
Pamahalaan | |
• Mayor | Federico Comba |
Lawak | |
• Kabuuan | 20.15 km2 (7.78 milya kuwadrado) |
Taas | 376 m (1,234 tal) |
Populasyon (2018-01-01)[2] | |
• Kabuuan | 2,853 |
• Kapal | 140/km2 (370/milya kuwadrado) |
Demonym | Frossaschesi |
Sona ng oras | UTC+1 (CET) |
• Tag-init (DST) | UTC+2 (CEST) |
Kodigong Postal | 10060 |
Kodigo sa pagpihit | 0121 |
Websayt | Opisyal na website |
Kasaysayan
baguhinKahit na ang mga Selta ang naninirahan sa lugar ng Frossasco, matapos ang pagbagsak ng Kanlurang Imperyong Romano, ang mga Lombardo ay nanirahan dito, tulad ng makikita ng arkeolohiko na paghuhukay na sa lugar ng Bivio ay nabigyang-linaw ng lumang nekropolis. Ang pagkakaayos ng sentro ng bayan ay may tila karaniwang Romanong pagkakaayos, ngunit mula sa medieval na pinagmulan.
Ang Frossasco sa kalaunan ay pag-aari ng abadia ng Novalesa, na iginawad ito noong 1064 sa Klatstro Santa Maria ng Pinerolo na pag-aari ng Markesa Adelaida ng Susa. Ang nayon ay ibinigay noong 1561 sa Konde Provana ng Leyni at, nang maglaon, mula 1536 hanggang 1539, ay sinakop ng mga Pranses. Ito ay bumalik sa Pamilya Saboya ngunit muli ay nasa ilalim ng Pranses sa pagitan ng 1593 at 1595, hanggang sa ito ay naging isang munisipalidad ng Italya.
Sagra degli Abbà
baguhinAng Sagra degli Abbà ay pagdiriwang na ipinagdiriwang ang apat na contrada ng bayan. Ito ay isinasagawa tuwing simula ng Agosto.
Kakambal na bayan — kinakapatid na lungsod
baguhinAng Frossasco ay kakambal sa:
- Saint-Jean-de-Moirans, Pransiya
- Piamonte, Arhentina
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "Superficie di Comuni Province e Regioni italiane al 9 ottobre 2011". Istat. Nakuha noong 16 Marso 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Popolazione Residente al 1° Gennaio 2018". Istat. Nakuha noong 16 Marso 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ All demographics and other statistics: Italian statistical institute Istat.